AF31

3K 86 27
                                    

Bronze's POV:

I am happy. No! It's beyond happy nung sabihin nya that's she's bearing our third child. I am expecting it coming but not this soon pero iba pa din talaga e. It's like we are having our first baby.

Hinayaan ko syang makatulog dahil ni hindi ko maipikit ang mga mata ko sa saya na nararamdaman ko. Sobrang saya ko that I can do everything for them.

Pinanunuod ko lang ang pagtulog ni Gem at halos isang oras na, ganun pa din ang pwesto ko. Hindi ako tatamarin o mag sasawa na titigan ang mala anghel nitong mukha.

Napagawi naman ang tingin ko sa side table ng tumunog ang cellphone nya hindi ko sana papakealaman ng wala pang dalawang minuto ay tumunog muli ito.

Kunot ang aking noo na kinuha at tiningnan ang cellphone nya pero lalong nangunot ito ng makita ang dalawang text. Isa galing sa OB and the other is Brain Doctor. Yan ang nakapangalan.

I check the OB first at kinabahan ako nang mabasa ang text nya. It says Goodevening. I would like to remind you for your vitamins and be at my office tomorrow at exactly 9 so that I can check if you and your baby's okay. Thanks!

Bakit hindi magiging okay? Ano ba problema? May hindi ba sya sinasabi sa akin? Sa halip na isipin yun ay nakita ko nalang ang sarili kong binubuksan ang isa pang text.

Nanigas ako sa nabasa ko at napatiim bagang. D*mn. Hindi ko makontrol ang mga luha ko ng mag simula itong tumulo mula sa mga mata ko. She's sick! F*ck! Para akong nasisiraan ng bait dahil sa nabasa ko. She hide it from me? All this time may dinaramdam pala sya.

Hindi ako nakatulog sa pag aalala sa kanya, kapipikit palang ng mata ko ng maramdaman ko ang mabilis nyang pag tayo at narinig ko ang pag duwal nya. I came next to her and guide her, nanlata sya bigla.

Hindi ko pinahalata na may alam na ako and when she close her beautiful eyes my tears started rolling down.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, ayaw ko man syang iwan ay kailangan kong tapusin ang trabaho then magleleave ako until she gave birth dahil alam kong mahihirapan sya.

Inabot ako nang alas dos sa opisina dahil sa tambak na trabaho at ng pauwi na ako ay tumawag nga sya at pinaharurot ko na ang sasakyan when Brent told me that his mom's bleeding.

Ang puso ko sobrang bilis ng pintig at ng kalabog pero parang huminto iyon nang maabutan ko ang mag iina ko sa sahig na magkakayakap. My baby's weak. As day passed by she became weaker and weaker at ngayon ko lang napansin ang bagay na iyon.

Isinugod ko sya sa hospital at kinausap but she didn't open her eyes. Kinabahan ako, hindi ko kasi kakayanin. Hinding-hindi. I try my very best na sumama but hindi talaga sila pumayag kaya pag kasarang- pagkasara ng emergency room ay napasandal ako sa pader sa tabi nito at sinipa ng sinipa.

Gusto kong maging malakas para sa kanila at the same time gusto ko ng maging manhid. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin anf nararamdaman ko.

Napahagulgol nalang ako at tuluyan ng napadausdos, ang kamay ko ay nanlalagkit sa dugo dahil sa pag suntok sa pader.

"Baby, please." Mahina kong bulong as if my Gem's hearing me.

"God. She's my life please spare her life. Hindi ako handa at hindi na magiging handa pa. If I lose her I may lose my life too. Please! Give her strength to accept all of this."

Mahinang bulong ko habang nakapikit ang mga mata at nakatingala. Nahimasmasan na ako pero hindi pa din ako tumatayo sa pwesto ko. Nanatili akong nakayuko at hinihintay ang resulta mula sa Doktor.

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon