AF17

3.4K 108 37
                                    

Gem's POV:

Ilang Linggo na ang lumipas simula ng malaman ko ang ilang katotohanan sa pagkatao ko. Ni hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Pagkatapos ng araw na sinabi ko sa kanilang pinapatawad ko si Hope nakiusap ako kay Bronze na kung maaari ay umuwi na kami at yun nga ang nangyari.

Hinatid nya ako hanggang sa tapat ng bahay at balak ko sana syang ayain sa loob at ng maipakilala ko din ang mga anak ko pero nagkaroon ng emergency. Kaya hinayaan ko nalang.

Almost 2 days din akong hindi pumasok sa opisina at halos sa bahay ko nalang ginagawa yung design dahil ayaw sa akin humiwalay ng dalawa kong chikiting.

Nag bonding kaming mag iina and nagkwento sila about their new found friend pero hindi na ako nag usisa. Nung ikatlong araw ay gustuhin ko man na hindi pumasok ay hindi na pwede dahil kailangan ko ng ipakita kay Bronze yung design, pumayag naman nadin yung dalawang bata pero kita ang lungkot sa mga mukha nila.

"I'll be home at 6 babies. Don't worry." Sabi ko at pinaghahalikan yung matatambok nilang pisngi.

"Aren't we allowed to come?" Brenda asked kaya naman ginulo ko ang buhok nya.

"Magpapaalam si Mommy ha? Pag pwede na isasama kona kayo sa work. Okay ba?" Paliwanag ko ng mahinahon sa kanila kaya sabay silang tumango.

Tiningnan ko din ang kasama namin sa bahay na magbabantay sa dalawa at nginitian bago ako tumalikod at tuluyan ng umalis.

. . . . . . . .

Pagdating ko sa opisina ay hindi magkandaugaga na mga empleyado ang sumalubong sa akin. May isa pang nakabunggo sa akin kaya tumapon ang dala nitong papel.

"Ohmygosh. Sorry po." Sabi ko at yumuko para tulungan yung babae pero sinamaan nya lang ako ng tingin bago iripan na ikinagulat ko.

"Don't touch that! Magugulo lang lalo." Madiin nitong sabi kaya tumayo na ako at natayo din sya ng mapulot nya lahat. "Next time, titingin ka sa dinadaanan mo. Stupid!!" Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

Lalagpasan nya sana ako pero dahil nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya ay pinigilan ko sya at hinawakan sa braso. Humarap ako sa kanya ng walang emosyon ang mukha.
 
"Miss. Hindi ikaw ang nagpapasweldo sa akin para magsalita ka ng ganyan." Madiin kong sabi habang hinila naman nya ang braso nya sa akin. "Ano ka nga ulit dito?" Taas ang kilay kong sabi at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

"Next time you should act according on your position. Learn how to give respect to those higher than you. Excuse me!" Sabi ko at nilagpasan sya but not a single minute after ay naramdaman ko nalang ang pag hila nya sa buhok ko.

Nahirapan akong gumanti dahil nakatalikod ako but I did my best para makaharap at mahila ang buhok nya. Nagtitilian na at inaawat kami pero hindi ako bumitaw. Kailangan kong ibalik sakanya ang sakit ng anit ko.

Naramdaman ko ang isang mainit na bisig na yumakap sa bewang ko at pilit akong hinihila palayo pero ang mga kamay ko ay nanatiling nakasabunot sa babaeng nasa harap ko. Sapilitan tinanggal ng kung sinuman na 'to ang kamay ko at sya na sana ang pag bubuntunan ko ng pag harap ko ay sumalubong ang maiinitnyang tingin sa akin.

Sa hindi malaman na dahilan ay nanghina ako at biglang kumalma. Humarap sya sa mga tao at sa babaeng nasa harap ko.

"Go back to work. And you!" Turo nya sa babae. "I'll let you talk to Teejay." Malamig at madiin ang boses nya bago ako alalayan papasok sa loob ng opisina nya.

Iniupo nya ako ng tahimik sa sofa sa opisina nya at inabutan ng tubig. Tahimik din nyang sinuklay ang nagulo kong buhok. Walang umiimik sa amin, isinandal ko ang likod ko sa dibdib nya kaya niyakap naman nya ako patalikod.

Tiningala ko sya at ng magtama ang mata namin ay nginitian ko sya. He smiled back bago yumuko at ramdam ko naman ang paglapat ng mainit nyang labi sa noo ko at sa labi ko.

Nanatili lang na nakadikit ang labi nya sa labi ko and that way nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko namalayanna unti-unti na palang tumutulo ang luha ko mula sa mga mata ko. Napapikit ako lalo ng mariin at nanginig ang balikat.

Nanatili akong nakapikit kahit na humiwalay sya sa akin at naramdaman ko nalang ang pagpunas ng mga kamay nya sa luha na nasa pisngi ko at doon ako napahikbi. Kasabay ng paghikbi ko ang pagyakap nya muli sa akin ng mahigpit. He's comforting on his own ways.

"Baby stop crying." Pigil nya sa akin pero napailing-iling nalang ako.

"I may forget all of you pero hindi ko ginusto yun. That's not enough to call me things that I'm not." Humihikbi kong sabi at pagdilat ng mata ko ay nasalubong ko ang mga mata nyang nagbabaga sa galit.

"Shhh. You are you. You are our Gem. You are MY Gem. Your beyond what they think. Your beyond all of them. The word GEM is not enough to describe how precious you are, baby."

Humihikbi-hikbi ako sa mga oras na 'to. Almost half an hour na kaming mag kayakap dito sa sofa sa opisina nya at kahit kita ko ang tambak na trabaho nya ay hindi nya ako iniwan. Through his hugs and kisses pinaparamdam nya sa akin that I am his priority and he can't leave me whatever happens.

Sabay kaming tumingin sa pinto ng bigla itong bumukas at sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha ni Kuya Cob, Kuya Josh, Kuya Teejay, Lexie, Ate Chesca and Hope. Parang gusto ko ulit umiyak sa mga nakikita ko. Bigla naman kumirot ang ulo ko at isang larawan namin habang masayang nagkakainan sa isang lamesa. Lahat kami and I feel my heart tightened because this is what I miss. This is me. Precious Gem Smith, the youngest and the spoiled brat woman 4 years ago. Now, alam ko na malapit ko nang masagot lahat ng tanong sa utak ko.

Tumayo ako at nagtatakbo palapit sa kanila, una kong niyakap si kuya Josh na mukhang nagulat din.

"K-kuya Josh." Umiiyak kong sabi at kita ko ang pagtakip nila sa mga bibig nila.

"Naaalala ko na kayo." Sabi ko kaya lumapit sila at niyakap ako. Humahagulgol kaming lahat na parang ayaw na nila akong bitawan.

Ngayon ramdam ko na ang pamilya, pamilyang matagal ko ng hinahanap. Oras na din siguro para sabihin sa kanila ang tungkol sa mga anak ko.

. . . . . . . . . . .

Ayaaaan na po. Naisingit ko na as you wish guys. Enjoy. Lovelots! #NoBrain

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon