AF5

3K 90 14
                                    

Gem's POV:

          "Pasensya na. Wala na kaming bakante." Sabi sa akin nung may ari ng restaurant na pinapasukan ko.

Pang ilang restaurant na 'to at hindi pa ako natatanggap. Ang iba ay sinasabing over qualified ako para maging waitress at halos mapairap ako.

Just to clear everything, ginamit ko ang apelyido ng mga nakapulot sa akin sa gubat. I am Precious Gem Garcia at ang sabi nila ay mukang architecture daw ang natapos ko dahil sa galing kong gumuhit, nag aral ako ng dalawang taon kahit mahirap at sa awa ng Panginoon ay nakuha ko lahat in 2 years kaya I have my degree in Architectural. Pinag aral ako ng umampon sa akin at tinulungan sa pag aalaga sa mga chikiting ko, mahirap sa mahirap oo but I believe that for you to reach your goal you need to take the stairs because there is no elevator to success.

Hindi naging madali ang lahat lalo na nung sabay silang nawala sa buhay ko dahil sa aksidente. Nanakit ang ulo ko nun dahil may isang pangyayari na pumasok sa isip ko nun pero ang nakikita ko ay isang sasakyan na bumangga sa bus at dalawang duguan na katawan at isang bata na puro dugo na pumapalahaw ng iyak. Pinagsawalang bahala ko ang pananakit ng ulo ko ng mga araw na yun dahil nagluluksa pa ako sa pagkawala nila. At ngayon heto ako, nahihirapan na humanap ng trabaho.

Napatingin ako sa relo sa bisig ko ng tumama ang napakainit na araw sa balat ko. Alas 12 na pala, sana ay nakakain na ang mga anak ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at tumawag sa bahay.

            "Heyo Mama?" Sagot ni Brenda, ang anak kong babae.

Rinig ko sa kabilang linya ang ingay ng tv.

           "Little Princess? Where's Brent?" Malambing na tanong ko at parang lahat ng pagod na nararamdaman ko kanina ay nawala ng marinig ko ang boses nila.

          "I am hiy Mama. I am wating spongebob." Sagot naman ng anak kong lalaki at mukang nakaloudspeaker ang cellphone.

          "Kumain na ba kayo mga anak? Mamaya pa makakauwi si Mama okay lang?" Tanong ko at mahirap man na iwan sila ay wala akong magawa. Para sa kanila naman din lahat ng ginagawa ko.

          "It's otey Mama. We're done eating po and we ay good kids po." Sagot ng anak kong babae.

Ibinilin ko naman sila sa landlady namin na baka lumabas pero alam kong mababait at matatalino ang mga anak ko kaya susundin nila ako na sa bahay lang sila at may pagkain naman na nakahanda.

They are both clever in terms of everything, hindi ko alam kung saan nagmana. Lalo na ang mukha nilang dalawa, wala man lang nakuha sa akin bukod sa mata ni Brenda na sakin yata. Wala nang iba lalo na si Brent mukang hindi ko anak dahil iba nag feature nya, mukang sa ama nila kumuha na hindi ko kilala kung sino. At kung bakit di ko sya kasama? Ano ba nangyari sa nakaraan ko at naging single mother ako? Haaaay!

          "Mama?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses nila na sabay na nag salita.

          "Yes babies?" Tanong ko at tumawid sa kalsada ng makakita ako ng isang carinderia.

          "Teyk key po Mama. Babye. Yabyu!" At talagang nag tunog kiss pa sila kaya natawa ako.

          "I love you too." Sakto naman at nasa tapat na ako ng carinderia. "O sige na. Ingat kayo ha? Wag malikot." Paalala ko sa kanila.

           "Aye. Aye. Tapteyn." Sagot nila at pinatay na nag tawag kaya napabuntong hininga ako dahil bigla ko silang namiss.

Umorder ako ng isang kanin at ng menudo. Naupo ako sa isang gilid at doon tahimik ba kumain habang nakatingin sa harap na kitang-kita ang mga naglalakihan na buildings at mga sasakyan na magagara. Siguradong kung andito yung dalawang chikiting ko ay matutuwa ang mga yun.

Inabot din ako ng kalahating oras sa karinderya dahil namahinga pa ako. Inayos ko ang damit na suot ko at nagpagpag ng pantalon at inayos ang puyod ng buhok bago tuluyan lumabas ng karinderya.

Sumakay ako sa bus na dumaan para humanap naman sa ibang lugar, umandar ang sasakyan at wala pang ilang minuto at na-traffic na kami sa highway. May natapat sa amin na isang kotse na bumukas ang bintana sa tapat ko at napangiti ako ng makita ang isang batang lalaki na nasa edad 7 years old and dumungaw doon.

Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa bigla syang napatingala ng tingin sa akin. Nanlaki bigla ang mata nya ng makita ako na parang gulat na gulat, nawala namab ang tingin ko sa kanya ng kalabitin ako ng isang Lola at  nakipagpalit ng pwesto sa akin dahil mahihiluhin daw.

Ang huli ko nalang narinig ay ang pagsasalita ng bata ng..

           "Mama!*" Hindi ko nalang pinansin dahil baka napagalitan sya ng Mama nya pero biglang kumalabog ang puso ko na parang kilala nya ang batang nakatagpo ng mga mata ko.

Bumuntong hininga nalang ako at nag isip kung paano ako makakahanap ng trabaho. Kailangan ko na ng trabaho at nauubos na ang perang meron kami ng mga anak ko.

. . . . . . . . . . .

Chesca's POV:

From school ay sinundo namin ni Ge ang anak namin sa eskwelahan para pumunta sa opisina ni Tito Bronze. Mangungulit kami doon ng hindi puro alak ang inaatupag nun.

Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay naipit kami sa traffic kaya nilingon ko ang anak namin na kanina lang ay excited na makita ang Papa Bronze nya at ngayon ay hindi na maipinta ang mukha sa init siguro. Nababalewala ang aircon sa init ng panahon e.

Napangiti ako ng buksan nya ang bintana at seryosong dumungaw doon. Nilingon ko naman ang asawa ko na hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin mula sa tingin nya kay Chester.

Nagulat kami ng asawa ko ng magsalita si Chester.

          "Mama!" Parehas nanlaki ang mga mata namin at nilingon si Chester na pilit inilalabas ang katawan sa bintana.

         "Chester, sit properly." Bawal ng ama nya at tiningnan lang sya ng anak nya.

          "Mommy si Mama andun sa bus. I saw her." Nangingiyak na sabi nito sa amin habang sinusundan ng tingin ang papalayo na sa amin na bus.

            "Anak, patay na si Mama Gem mo." Paalala ko sa kanya kaya nanghihina syang napaupo sa upuan nya at isinara ang bintana. "Diba inilibing natin ang cremated body nya?" Paalala ko at kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

He really love Gem at hanggang ngayon affected pa sya parang si Tito Bronze. Mahal nilang dalawa si Gem.

             "That's her Mommy and I will prove you that." Madiin nyang sabi sa akin at nagulat ako bg tumulo ang luha nya.

Umiwas sya ng tingin sa akin at tahimik na lumingon sa labas. Napabuntong hininga kaming mag asawa dahil 5 years na ang nakakaraan ng marinig namin ang halakhak nya at hanggang ngayon ay madalang syang mag bigay ng ngiti.

Gem sana nga buhay ka. Kasi ikaw din ang buhay ng lahat ng iniwan mo. Bumalik ka na!



. . . . . . . . .

Ano na mga Brainers? 😘😘😘 Comments aa? #NoBrain

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon