AF12

3.4K 100 14
                                    

Gem's POV:

Nakatitig ako ngayon kay Bronze na busy sa laptop. Bawat pag tipa nya ng mga letra sa keyboard ay sobrang diin at hanggang ngayon wala akong ideya kung bakit bigla syang nawala sa mood matapos nyang kuhanin ang gamot ko pero binigyan naman nya ako ng bagong gamot na hindi katulad ng kanina.

Kita kong tumingin sya sa gamot at padabog na dinampot ito bago sumandal sa inuupuan nyang sofa at tuluyan ng tumingin sa aking mga mata.

"When do you start drinking this kind of meds?" Ang lamig ng boses nya ay pumalibot sa pagkatao ko.

"For almost 5 years I am drinking that meds and that's quiet effective dahil everytime na sasakit ang ulo ko at ininuman ko nyan talagang nawawala sya." Paliwanag ko naman habang nakatayo sa tapat nya.

Tinap nya ang space sa gilid nya gesturing me to sit beside him. I just shake my head and sit on the one sitter sofa in front of him. I heard how he sighed.

"Do you really know, what is this meds?" Maangas na tanong nya sa akin habang nakatitig pa din sa mga mata ko.

"No. The doctor said that, that the meds your holding right now will help me ease the migraine I had. " Paliwanag ko ulit pero nakita kong tumalim ang mga tingin nya.

"I've search everything about this meds. " Nakuha nanaman nya ang lahat ng atensyon ko. Nakita kong may pinindot sya sa laptop bago iharap sa akin ito at talagang nanlaki ang mga mata ko.

"This isn't the meds for migraine because this medicine that your drinking in the past years is the one that erase every memories you had in your life." Nanginginig ako sa takot.

Bakit nagawa sa akin 'to? Sino ang may gawa nito? At ano ba ang mga dapat kong maalala? D*mn!!

"Everytime na sasakit ang ulo mo ay hindi lang sya basta migraine. Your brain started to remember everything at dahil iniinom mo ito.." Itinaas nya ang gamot na inireseta sa akin. "Napipigil nito ang mga alaala na meron ka. " Paliwanag naman nya sa akin.

Natahimik ako. All this time akala ko migraine lang ang dahilan ng pag sakit ng ulo ko, at base sa narinig ko maaaring meron akong amnesia. Sino ba talaga ako?!

Napahawak ako sa ulo ng kumirot ito kaya nilingon naman nya ako bago ayusin ang gamit nya at tumayo.

"You can take a rest for now. Mamaya mo nalang bisitahin itong lugar, alam kong pagod ka na." Malamig man ang boses nya ay hindi ko maiwasan maramdaman ang pag aalala nya sa bawat salitang binibitawan nya.

"Uhmm? Ikaw?" Mahina kong tanong dahil huli na ng marealize kong hindi dapat ako nag tanong.

"Ipapalinis ko yung isang kwarto sa katiwala para may matulugan ako. Tsaka I have tons of work to do." Sabi nya sa akin ng walang emosyon.

"Okay." Mahina kong sabi at nag simula ng tahakin ang malinis na kwarto at bago ko tuluyan maisara ang kwarto na pinasukan ko ay kita ko ang pangungulila sa mga mata nya. O baka guni-guni ko lang yun.

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwartong kinaroroonan ko.

"Sino yan?" Tanong ko habang umaayos ng upo at nagsusuot ng tsinelas na hindi ko alam kung saan galing.

"Pinapatawag na ho kayo sa hapag Mam." Rinig kong sabi na sa tingin ko ay syang takapangalaga nitong bahay ng kliyente.

"Sige ho, susunod na ako." Sagot ko at hindi ko na sya narinig pang sumagot.

Kumuha ako ng damit sa maleta na dala at papasok na sana ng banyo ng tumunog ang cellphone ko.

[ Aaaaamy.. ] Salubong sa akin ng dalawang chikiting ng sagutin ko tawag.

"Hello babies. How are you?" Masaya ko naman na tanong. My gosh! Wala pang isang araw kaming magkakahiwalay ay namimiss ko na kaagad sila.

[We ay payn Amy. We heb new pweymeyt.] Bulol na sabi nila sa akin and I giggled.

"That's great babies. Basta be a good babies while Mommy's away okay? Don't do anything bad." Paalala ko naman sa kanila.

[ Yesh Amy. ] Punong-puno pa din ng energy ang boses nila.

[ Amy? We mit you oyedi.] Parang bigla naman lumungkot ang paligid ko dahil sa sinabi nila. Nasanay din kasi ako na lagi silang nandyan lang sa tabi ko.

"And I miss you too. Both of you." Malambing kong sabi sa kanila. " You both know that Mommy's doing this for your future right?" Paalala ko naman sa kanila.

[ Yes Amy. We andewstand you. ] Sagot naman nila.

Hindi din nag tagal ay nagpaalam na ako dahil naalala konh hinihintay na nga pala ako sa hapag kainan.

Balak ko sanang mag hilamos nalang kaya lang medyo inalisangan yata ako kaya naligo na ako ng tuluyan at inabot din ako ng half to one hour fixing myself.

I wear a spaghetti strap summer dress na hanggang bukong-bukong at flat sandals kung saan ako komportable. I blow dry my hair and I'm ready to go down stairs.

Mabagal ang naging paglakad ko dahil tinitingnan at sinusuri ko na ang bawat madaanan ko. Malapit na ako sa baba ng makita ko ang isang malaking picture na hindi ko napansin kanina.

Para syang family picture at lahat sila nakatayo pwera sa isang matanda na ngiting-ngiti habang nakaupo sa wheel chair. Lalapit pa sana ako ng maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likod ko.

"The food is ready." Seryoso nitong sabi at ng lingunin ko sya ay seryoso lang syang nakatitig sa picture na yun.

Saglit na nagtama ang mata namin bago sya nagsimulang lumakad. Binalikan ko saglit ng lingon ang picture at napakibit balikat. Para kasing pamilyar sa akin ang mga yun at baka makilala ko kung malapitan ko.

Iniisip ko ang mga mukha na nasa picture at pilit inaalala ang mga ito pero biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako dito ng mahigpit at napasandal sa pader malapit sa dining area.

"Gem! Gem, what's happening?" Ni hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Bronze at naiiyak na ako sa tindi ng sakit ng ulo ko.

"Your meds. Wait!" Aalis na sana sya pero hinawakan ko ang kamay nya.

"Don't. Don't leave me please." Mahina at nahihirapan kong sabi sa kanya.

Nagulat ako ng yakapin nya ako at hagud-hagurin ang likod ko at sa init ng kanyang yakap unti-unti ako nahimasmasan pero alam kong ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay at bago yun may isang ala-ala na pumasok sa utak ko.

"Lola..." Nanginginig kong sabi habang madiin na nakapikit. Ang luha ko ay lumalandas na sa aking mga pisngi.

"What?" Mahinahon nyang tanong sa akin pero napahigpit lalo ang yakap ko sa kanya.

Tumitindi nanaman ang pag sakit nito.

"Lola Cha!" Halos hiyaw ko bago ako tuluyan kainin ng kadiliman.

. . . . . . . . . . . .

C'mon Gem! Alalahanin mo pa. Hahahaha 😂😂😞 Malapit naaaaa. #NoBrain

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon