AF14

3.4K 91 1
                                    

Gem's POV:

Nagising ako na sobrang sakit ng pangangatawan ko. Para akong binugbog ng maraming beses at hindi ako tanga para hindi maalala ang nangyari kani-kanina lang. Unti-unti mula sa pagkakatalikod ay hinarap ko ang lalaking may ari ng kamay na nakapalupot sa bewang ko.

Halos mamula pati dulo ng buhok ko ng makasalubong ko ang maiinit nitong titig sa akin. Bahagya akong napaiwas ng tingin sa kanya pero napabalik lingon din ng marinig ko ang mahina nyang tawa.

"You shy baby?" Sabi naman niya habang inaayos ang buhok na kumalat sa mukha ko.

Tumango naman ako at sumubsob sa malapad at matipuno nyang dibdib.

"Tell me..." Nilingon ko sya ng bigla syang magsalita pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "Tell me more about you this past years." Sabi nya at hinihimas-himas pa ang braso ko.

Napaisip ako. Ano nga ba nangyari sa akin? Bakit ako nagka amnesia? Bakit ako malayo sa kanila?

"Pero gusto ko munang malaman kung bakit ako napalayo sa inyo? Ano nangyari sa akin?" Tanong ko pero ang ipinagtaka ko ay ang pag iwas nya ng tingin.

Sinundan ko lang sya ng tingin ng tumayo sya at magsuot ng panjama na kinuha nya sa closet bago ako muling harapin.

"Let's talk about that later. I'm gonna cook first." Sabi nito at hindi na ako nakasagot ng mag madali itong lumabas ng kwarto.

Napakunot noo ako at bumuntong hining. Ano man ang itinatago mo Bronze. Malalaman ko din yan, hindi man ngayon pero alam ko at nararamdaman kong malapit na.

Habang nasa dining table kaming dalawa ay puro tunog lang ng kubyertos ang maririnig mo wala ng iba. Tahimik kaming dalawa at halos hindi na magkibuan. Ewan ko kung bakit pero biglang nagkaroon ng awkwardneaa sa pagitan namin magmula kanina.

Napahinto ako sa pagsubo at nilingon sya ng magsalita sya.

"May dadating na bisita mamaya," Tumango naman ako at kaagad din ipinokus sa pagkain ang aking mga mata.

"Uhmm? I'm gonna check the whole site first then I'll draw my first draft for a while habang wala sila." Sabi ko naman at nakita ko ang pagtango nya.

Pagkatapos ng maikling usapan na iyon ay muli nanaman kaming natahimik hanggang matapos kaming parehas.

Ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinggan tutal e sya naman ang nagluto. Hinayaan nya lang ako at dumiretso na sa sofa. Pagkatapos ko ay umakyat ako sa kwarto pero nagulat ako ng makitang doon sya nanunuod ng tv.

"Uhm? Maliligo lang ako saglit." Nahihiya kong bulong at tinanguan nya lang ako. Binilisan kong kumuha ng gagamitin at ramdam ko ang init ng mga titig nya.

Pagkatapos kong maligo ay hindi ko na sya naabutan pa sa kwarto siguro ay tiningnan na din ang site kung maayos ba. Tumawag na din ako sa mga anak ko para mangamusta at sabihin na uuwi na ako bukas. Miss na miss ko na sila. Haaay.

Bumaba ako wearing only a jumper pants na ripped at may tube lang na pang itaas. I also wear my rubber shoes na vans at nagsuot ng aviators dahil medyo tirik ang araw.

Nagsimula akong ikutin ang buong resort, loob at labas. Kung irerenovate ito ay makakatipid sa gastos dahil meron ilan na konting ayos lang ay pupwede na but kung babagbagin then we'll built a new house parang masyadong malaki ang gastos. Gustong-gusto ang ayos ng bahay, lalagyan lang ng konting modern touch then okay na sya ulit. The place, the house and the sea. Wow! This is what I want.

Halos lahat ng mga taong makakasalubong ko ay nginingitian at binabati ako and I really want to have a chitchat with them but still I am here for work so I need to do work first.

Ng maikot ko ang paligid ng bahay ay naupo ako sa ilalim ng punong mangga hindi kalayuan sa bahay. Kita ko ang tubig na umaalon at ang mga taong naglalakad. I started to draw my design, ang mga gusto kong idagdag at tanggalin and mga idadagdag sa labas para mas mag mukha itong Modern-Vintage house.

Isang oras na yata akong magdadrawing at puro bura, tapon, gawa ng bago ang ginawa ko. Andami ng nagkalat na papel sa paligid ko, my mind isn't peaceful kaya hindi ako makagawa ng maayos.

Napaangat naman ang tingin ko ng makita ang tatlong kotse na sunod-sunod na dumarating at base sa itsura ng mga sasakyan nila ay mukhang mayayaman. Hindi ko maaninag ang mukha nila dahil malayo nga ako sa pwesto nila kaya nagkibit balikat nalang ako.

Itinuloy ko ang ginuguhit ko at halos patapos na ako sa design na pang labas ng may magsalita sa harap ko na hindi ko man lang naramdaman na dumating.

"Señorita Gem, ipinatatawag na ho kayo ni Sir Bronze." Sabi ng isang kasambahay nila kaya naman tumango ako at bumuntong hininga.

"Susunod na ako. Iaayos ko lang itong mga gamit ko." Sagot ko naman at hinintay syang umalis.

Nilingon ko ang drawing pad ko at nagpatuloy sa pagdodrawing hangga't sa di ko maramdaman na nalibang ako at tinatawag nga pala ako sa loob.

"Señorita, kanina pa ho kayo hinihintay sa sala." Nanlalaking mata kong nilingon si Inday na nakahawak sa tuhod nya at paranf hinihingal pa.

"Naku pasensya ka na ha? Sige-sige. Sabihin mo, ayan na talaga." Mukhang nag aalangan syang iwan ako pero wala syang nagawa ng lingunin ko na sya.

Isa-isa ko ng pinulot ang papel na ikinalat ko at iniayos ang mga kagamitan ko. Pinagpatuloy ko ang pagpulot sa kalat ng may nagpirmi ng mga bewang ko.

"Ilang beses kong kailangan sabihin sayo na pumunta na doon? This is the third time Gem." Puni ng lamig ang boses nya kaya kinilabutan ako.

Hinarap ko sya habang nanatili ang mga kamay nya sa bewang ko. I looked into his deep black eyes who'll catch every girl hearts when he looked at you.

Umirap ako at tiningnan ang nililigpit ko telling him about that and ahe just gripped my waist tightly.

"Inaayos ko lang." Nginuso ko ang ginagawa ko pero hinawakan nya pa din ang kamay ko at hinila na ako kaya napatianod nalang ako. Babalikan ko nalang.

Imbes na sa harapan kami dumaan ay sa kusina kami nadaan. Huminto kami sa tapat ng dining at hinarapnnya ako, pinunasan nya ang pawis ko using his hands and tucked my hair. Nakatitig lang ako sa kanya na seryoso sa ginagawa.

Pagkatapos ay tuluyan na nya akong hinila sa loob. My mouth hang open maging sila ng makita ko kung sino ang bisita na tinutukoy nya. They all looked familiar bur I can't remember them. Nangunot ang noo ko at napatingin sa isang tao na nakatitig sa akin ngayon.

"Doooc?" Nagulat ako habang sya mukang kinakabahan.

Nilingon sya ng mga kasama nya.

"Doooc?!" Lahat sila nagtataka habang si Bronze ay nakatitig lang sa akin.

"Sya yun! Yung nagbigay ng gamot." At kita ko ang bigla nyang pamumutla.

.. . . . . . . . .. . .

As requested. 💙 Ayan na po guuuys! Keep reading. Mwuaps. 😘😘 #NoBrain

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon