AF7

2.9K 99 32
                                    

Bronze's POV:

         "What the hell?!" Malakas na hiyaw ko ng bigla nalang bumukas ang opisina ko.

Masamang tingin ang isinalubong ko sa mga makukulit na kasulukuyang papaupo sa sofa. Bumeso sa akin si Hope at Lexie bago tumabi sa mga pinsan nila.

Tinaasan ko naman sila ng kilay bago ibalik ang atensyon sa laptop kung saan gumagawa ako ng power point presentation. Madalas naman na kaya lang nag lilibot dito yan ay para mang gulo.

Hindi pa ako maayos tungkol sa mga sinabi at ikinwento ni Chester. I know that he's saying the truth and I wanted to see the girl he's talking about pero paano? D*mn it!!

Hinayaan ko nalang sila doon pero ang ipinagtaka ko ay ang katahimikan nila ngayong araw. Hindi ko naman napigilan na lumingon ng tawagin ako ni Hope.

            "Tito?" Nilingon ko lang sila not minding anything. "May---may uhm. " Hindi nya maituloy ang sinasabi nya kaya nagtaka ako. "In case you'd remember, may nakasama o naikama ka ba  noong---" Hindi nya naituloy ang sasabihin nya.

         "What are you talking about?!" I hissed under my breath.

           "Chill Tito Bronze. We just want to clarify things. " Segunda naman kaagad ni Lexie.

           "Things like?" Malamig kong tanong at ibinalik na ang tingin sa laptop ko.

           "Anything about this little boy." Wala pang isang segundo ay napalapit ako at inagaw ang cellphone ni Hope. "Why do you have the same features." Tanong ni Hope but I didn't mind. Titig na titig ako sa itsura ng bata.

Sya yun! Sya ang bata na hinahanap ko sa Baguio at hanggang ngayon ay pinapahanap ko. So they moved here in Manila?

           "Bring me to where did you see this kid." Madiin kong sabi at kuyom ang kamaong lumabas ng opisina.

I need to see this little boy. I need to know everything. Kung kinakailangan na ako na ang gumalaw gagawin ko. Malapit na akong mabaliw!
. . . . . . . . . . .

Gem's POV:

Nakakunot noo akong tumingin sa may apat na kotseng sunod-sunod na dumaan sa harap ko. Tsk! Panahon nga naman ngayon, bukod sa pagandahan ng kotse ay pabilisan pa, naisip ko nalang ng makitang humarurot ang mga sasakyan.

Napapailing ako at nag bayad sa taxi na sinasakyan ko. Napatingala ako at bahagyang nakaramdam ng kabog ng dibdib sa hindi malaman na dahilan.

           "MEG Corporation." Mahinang basa ko sa isang napakalaking pangalan ng company na ito.

Nabasa ko kasi kanina sa dyaryo na nangangailangan sila ng architectural graduate at sana matanggap na ako dito.

Dala ang brown envelope ko na naglalaman ng resume at lahat ng kakailanganin ko sa pag aapply. Inayos ko ng bahagya ang laylayan ng flowy dress na suot ko bago pinlaster ang ngiti sa aking mga labi.

         "Good morning madame." Bati sa akin ng isang security guard na katabi ang isa pang security na nakangiti din at bahagya pang ngumiti.

         "Good morning po. Can I ask where the HR is?" Tanong ko naman kaagad at isinenyas lang nila sa akin ang receptionist.

Nagpasalamat naman ako kaagad at dumiretso sa itinuro nila. Kagay ng itinanong ko kanina ay ganun din ang itinanong ko sa dalawang babae ng nakangiti sa aking harapan.

Nang maituro nila ang HR department kung saan nasa 30th floor pala ay kaagad akong umakyat doon. Naabutan ko ang iilang aplicant na nakapila. Naupo ako sa vacant chair and waited for my turn.

Nginitian ko ang interviewee ng makapasok ako sa room kung saan dapat interviewhin ang mga applicant ng company. Magsisimula na sana kami ng biglang pumasok ang isang babae na kita ang lahat ng makikita dahil sa suot nitong damit.

         "Napagawi ka dito Daisy? Wala ba si Sir Bronze?" Sabi nung mag iinterview na palipat-lipat ang tingin sa babae at sa resume ko.

          "Wala! And as if naman na magiging busy ako pag walang events ang company." Maarte nitong sagot at umirap pa sa babae. Napatawa naman ng malakas ang babae kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

          "Ang sabihin mo hindi lang umuubra yang charms na sinasabi mo kay Sir." Mapang asar na sabi nitong babaeng mag iinterview sa akin kaya naman napairap ulit yung babaeng tinawag nyang Daisy at tumalikod na.

         "Wala kang kwenta." Inis na sabi nito at naglakad paalis.

Natawa nalang etong babae bago ako lingunin.

         "Sorry for that Miss." Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya at tumango ng bahagya.

          "So let's start." Pinagkuskos ko ng pasimple ang palad ko at bumuntong hininga bago tumango at sagutin ang ano mang itanong nya sa akin.

           "As I see it, you have lots of work experiences but not related to Architectural." Mataray nitong sabi kaya taas noo pa din akong tumango.

           "I had my degree in Architecture and I am making sure that I can work professionally despite of my work experiences that is not related to my course." Matapang na sagot ko.

Hindi naman dahil Architect graduate ka e yun lang ang pwede mong gawin na trabaho. There are lots of job na hindi naman kinakailangan na graduate ka ng kahit anong degree.

           "And you have kids?" Tiningnan nya ako head to foot bago magpatuloy sa pagsasalita  "How can MEG Corp. can be sure that you'll work and give your all?" Mapaghamon naman nitong tanong sa akin.

           "Yes ma'am. I can proudly say that I am a mom." Nakangiti ko naman na sabi sa kanya. "And about your problem, don't worry ma'am. I am making my kids as my inspiration and not a distraction."

Nagulat ako ng tumayo sya at bahagyang pumalakpak pa bago ako abutan ng kamay.

            "Congrats Miss?" Nakaabang nitong sabi at iniabot ang kamay nya.

             "Ms. Garcia po." Sagot ko at nakipag handshake.

             "Okay Ms. Garcia, you're hired." Nakangiti nitong sabi sa akin. "You can start tomorrow as a new Architect and your office will be on the 50th floor left side." Paliwanag nya kaya walang pag sidlan ang saya ko.

Finally! I can buy anything that my kids want. Lord, guide me.

Masaya akong lumabas ng opisina at lahat kahit hindi ko makilala ay nginingitian ko na ng buong puso.

Umalis din ako kaagad ng comoany because tomorrow I had to meet the big boss. 😭😭😭 Pagod is my life! Naiinis na ako.  😭😭😭


. . . . . . . . .. .

Mag co-comments ba kayo? Ano? Sagot! 😍👍😂😭

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon