Hindi ako nakatulog ng gabing yun. Paano ba naman kasi, maghapon akong ipinahiya ng demonyong si Janela. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang mapahiya ng sobra. Lahat ng ito ay kasalanan ni Mrs. Reyes. Kung hindi niya sana ako inutusang magpunta sa bahay nila Janela ay hindi sana mangyayari ito sa akin. Hinayaan na lang sana niyang ma-drop ang demonyitang yun. Salot eh.
Nang gabi'ng yun ay ipinangako ko sa sarili ko na iiwas na ako kay Janela. She's not good for me. Baka maaga akong mamatay dahil sa mga kalokohan niya. Hindi na ako muling magpapa-apekto pa sa mga trip niyang pang out of this world. Hayyyyy!
Kinabukasan.
Habang naglalakad ako sa campus ng DTU ay nagmamasid ako sa paligid ko. Baka kasi bigla na namang lumapit si Janela at pagtripan na naman ako. Nakahinga na ako ng maluwag ng makarating ako ng safe sa room namin. Grabeh! May phobia na yata ako sa kanya. Nagulat naman ako dahil ako pa lang ang mag-isa sa silid-aralan namin. Napaaga ata ako ng dating. Umupo ako at nagbasa na lang ng libro.
Maya-maya lang ay nagdatingan na ang aking mga kaklase, pero nakapagtataka wala pa rin ang demonyita. Siguro may ginagawa na naman yu'ng kalokohan. Ilang sandali pa ay dumating na si Mrs. Reyes at wala pa rin si Janela. Napangiti ako sa saya dahil buong araw ko siyang hindi makikita.
Nag-Lunch Break kami at pumunta ako sa canteen. Kumakain ako, nang biglang may estudyanteng tumabi sa akin. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang taong yun. Ang demonyong si Janela. Umusog ako palayo sa kanya at umusog naman siya palapit sa akin. Paulit-ulit akong umuusog palayo sa kanya at paulit-ulit din siyang umuusog palapit sa akin. Naasar ako sa ginagawa niya, kaya naman binitbit ko ang tray ko at lumipat na lang ako ng mesa. Nakita niyang tumabi ako sa maraming estudyante at sa wakas hindi na niya ako sinundan pa.
Habang kumakain ako ay napalingon ako sa lamesa kung saan naroroon si Janela. Napansin kong nag-iisa lang siya sa malaking lamesa'ng yun. Napansin ko ding pinagbubulungan siya ng mga estudyante sa paligid niya. Ang labis kong ikinagulat, nang mapansin ko ang lungkot sa mga mata niya.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Pakiramdam ko, parang may ginawa ako na hindi tama. Ang mga mata niya nang oras na yun ay tulad sa mga mata ng mama ko, noong iwan kami ng papa ko. Naisip ko, kahit pala demonyo marunong ding malungkot.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, parang gustong maglakad ng mga paa ko pabalik sa tabi ni Janela. Naiinis ako, kasi nagpapa-apekto na naman ako. Maya-maya lang ay hindi ko na natiis at bumalik ako sa tabi ni Janela.
Nagulat siya nang bigla ko siyang tabihan.
"Oh, bakit ka bumalik?" tanong niya sa akin at nakakapagtataka na hindi na maangas ang kanyang salita.
"Nainitan kasi ako, ang dami kc namin dun eh." sagot ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang mapangiti. May kakaiba sa ngiti niya nang mga oras na yun. Ngiti na nagpalitaw sa nakatago niyang ganda. Hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako ng matagal sa kanya. Napatingin siya sa akin.
"Oh, anong problema?" tanong niya at bigla akong umiwas ng tingin.
"Wala naman." sagot ko.
Nang matapos akong kumain ay agad na akong lumabas sa canteen at iniwan siya. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Dati naman ay wala akong paki-elam sa mga tao sa paligid ko, pero ngayon parang may kakaiba sa kinikilos ko.
Nasa banyo ako at kasalukuyang dumudumi, nang biglang may tatlong lalake ako na narinig na lihim na nag-uusap. Tahimik kong pinakikinggan ang usapan nila at ikinagulat ko ng marinig ko na binanggit nila ang pangalan ni Janela. Narinig ko na may pina-plano silang masama para sa kaklase ko. Binabalak nilang abangan si Janela sa labas ng DTU para gumanti.
BINABASA MO ANG
My Evil Girlfriend
Teen FictionSabi nila, pag nagmahal ka daw... puro magagandang bagay lang ang nakikita mo sa kanya at hindi mo napapansin ang masasamang bagay na ginagawa niya. pero bakit ang girlfriend ko?? wala akong maisip na magandang bagay na ginawa niya.. puro kasamaan...