Chapter 15- The Decision

5.6K 179 14
                                    

Lumipas na nga ang dalawang linggo at nag-umpisa na ako muling pumasok sa DTU. Malakas na ang buong katawan ko at medyo naghihilom na ang aking mga sugat. Pag-pasok ko sa classroom ay agad akong nilapitan ng mga kaklase ko at kinamusta. Ang iba ko namang kaklase ay ginagawa akong idolo, dahil nabalitaan nila kung paano ko iniligtas si Janela at Clarence. Hindi ko maintindihan, kung bakit hindi ako nabibilib sa sarili ko. Siguro kasi, wala naman talaga akong ginawa kundi ang magpabugbog lang at hintayin ang pagdating ng mga reresponde. Bigla akong natawa sa sarili ko, kasi tinuturing nilang bayani ang isang katulad ko. Hinayaan ko na lang sila, dahil mas importante para sa akin ngayon na makahabol sa mga na-miss kong lesson.

Dumating na nga ang oras ng lunch break namin at naglakad na kami palabas ng classroom. Nakalabas na ako ng pinto, nang biglang gulatin ako ni Janela.

"BULAGA!!"

Sobra akong nagulat at bumilis ang pintig ng puso ko.

"Sus! Nakakagulat ka naman! Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Agad naman niyang ipinakita sa akin ang lunch box na stainless na hawak-hawak niya at mabilis siyang nagsalita.

"Ramz, ipinagluto tayo ni Tita Mildred. Tara kain tayo sa baseball field." pagyayaya niya.

Napaisip ako, kasi baka hinihintay na ako ni Erika sa blue house. Nagulat na lang ako, nang bigla akong hawakan ni Janela at kinaladkad pababa ng hagdan. Hindi na ako nakatanggi at nagtungo na nga kami sa baseball field. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa lugar at isa-isa na niyang binuksan ang tatlong patong na stainless na lunch box niya. Nanlaki ang mga mata ko, nang makita ko kung ano ang mga ulam. Adobong manok at sisig ng pampanga.

"Wow!! Paborito ko 'to, Janela! Paki-sabi sa tita mo thank you.!" nakangiting sambit ko. Sabik na sabik na akong kumain ng mga oras na yun. Pero nagtataka ako, kung bakit wala siyang dala na pinggan at kutsara kaya tinanong ko siya.

"Hindi ka man lang nagdala ng pinggan at kutsara?"

Napakunot ang noo niya at nagsalita.

"Ang arte mo naman, Ramz. Magkamay na lang tayo at itong takip na lang ng lunch box ang pinggan natin." sambit niya, habang inaabot sa akin ang stainless na takip.

Hindi ako makapaniwala sa babaeng ito. Kung umasta akala mo boy scout. Wala akong nagawa kundi kunin ang takip at magkamay na lang. Muli na naman nanlaki ang mata ko, nang biglang kamayin ni Janela ang kanin at hindi man lang naghugas ng kamay. Mabilis kong pinalo ang kamay niya.

"ARAY!! Problema mo?!!" agad na tanong niya.

"DUGYOT KA!! Kung kamayin mo ang pagkain akala mo ikaw lang ang kakain! Maghugas ka nga muna!" inis na sambit ko at inabot ko sa kanya ang malaking bote ng mineral water na baon ko. Nakasimangot siya habang naghuhugas ng kamay. Sa isip-isip ko, walangya 'to siya pa talaga ang galit.

Nag-umpisa na nga kaming kumain at hindi ako makapaniwala sa itsura ni Janela, habang kumakain. Nakataas ang isang paa nito sa upuan at kung kumain parang patay gutom. Sa isip-isip ko, walangya! Mayaman ba talaga itong tao na 'to? Tsk!! Nagulat siya nang bigla akong magsalita.

"Baka naman gusto mong huminga, Janela? Aba eh, sunod-sunod ang subo mo! Bibitayin ka na ba mamaya?" sambit ko at bigla na lang siyang natawa. Nainis ako, kasi natalsikan pa ako ng kanin sa mukha na galing sa bunganga niya.

"Pambihira!! Kung baril lang siguro yang bunganga mo napatay mo na ako!" inis na sambit ko, pero parang wala siyang narinig at patuloy lang siya sa pagkain.

Kahit paborito ko pa yung ulam, bigla na lang ako nawalan ng gana kumain. Sino ba naman ang gaganahan kumain, kung ganito naman kababoy ang kasama mo. TSK!! Bigla kong naalala si Erika at napaisip ako.

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon