Chapter 11- Baseball Hearthrob

6.2K 178 10
                                    

Nang sumunod na araw ay usap-usapan sa loob ng campus ang nangyaring laro kahapon. Malaking kahihiyan para sa baseball club ang balitang, hindi nila nagawang maka-iskor laban sa isang estudyanteng babae. Usap-usapan din na wala kahapon ang baseball hearthrob at ace player nilang si Clarence. Bigla kong naalala, noong firsr year college ako ay napanood ko ang laban ng DTU at HGU (Heaven's Gate University).

First year college pala'ng nun si Clarence, pero nagawa na niyang makapaglaro sa UAAP. Naalala ko, siya ang kauna-unahang rookie na naka-home run laban sa sikat na pitcher ng HGU na si Felix De Guzman. Nagawa niyang tamaan ang pitch ni De Guzman na may bilis na 150km/hour. Mula noon ay pumutok na ang pangalan ni Clarence Imperial sa iba't-ibang unibersidad.

Sa isip-isip ko, buti na lang talaga wala kahapon si Clarence. Kung hindi, malamang may kalalagyan si Janela sa kamay ng mga varsity players. Hindi uubra kay Clarence ang pitch niya na 140km/hour fast ball. Kahit babae pa siya, hindi siya aatrasan nito pagdating sa paglalaro ng baseball.

Kumakain ako sa canteen, nang bigla na lang dumating si Janela. Naka-ngiti ito, habang naglalakad ng maangas. Nilapitan niya ako at kinausap.

"Ramz, pasensya ka na pala kahapon, kung iniwan kita. Bigla kasi akong na-tae eh." sambit niya.

Walang-hiya itong taong 'to. Nakikita niyang kumakain ang tao, kung anu-ano ang kabastusang sinasabi. Hindi ako umimik ng mga sandaling yun. Hinayaan ko lang siya na patuloy magsalita. Wala ako sa mood na kausapin siya, eh. Badtrip, ako!!

Maya-maya ay nakarinig kami ng tilian ng mga babae. Tila kilig na kilig ang mga ito. Nagtayuan naman ang mga estudyanteng kumakain, para tignan kung sino ang tinitilian ng mga babae. Maging kami ni Janela ay napalingon sa pintuan, para makita ang taong pinagkakaguluhan. Nagulat ako, nang makita kong si Clarence pala yun. Naka-puti itong t-shirt at naka-maong na pantalon. May suot din siyang sumbrero at may hawak na baseball bat. Nilapitan niya si Janela at kinausap.

"Ikaw ba si Janela? Yu'ng babaeng nakalaro ng mga team mates ko kahapon?" tanong ni Clarence kay Janela.

Hindi agad nakasagot si Janela, dahil nagulat din ito sa biglaang paglapit ni Clarence sa kanya. Pero maya-maya lang ay nagsalita na rin ito.

"Sino ka at anong kailangan mo sa'kin?" tanong ni Janela.

Tila nabigla si Clarence sa tanong niya. Marahil nagtataka siya kung bakit hindi siya kilala nito. Sikat kasi siya sa buong campus, kaya naman nabansagan siyang baseball hearthrob.

"Ako nga pala si Clarence. Ang ace player ng baseball club dito sa DTU. Nais ko sanang hamunin ka sa isang laro." sambit nito.

Napangiti naman si Janela sa sinabi niya at naglakad siya palapit kay Clarence.

"Wala akong paki-elam kung ace player ka o kahit ikaw pa ang pinaka-magaling dito sa DTU... Sa oras na ibato ko ang bola sayo, sigurado akong matutulala ka rin tulad ng mga team mates mo!" maangas na sambit ni Janela.

Biglang tumawa ng malakas si Clarence at nagsalita.

"Bakit hindi natin subukan? Kapag hindi ko nagawang tamaan ang pitch mo. Maari mo na akong i-date." sambit ni Clarence.

Humalakhak naman sa tawa si Janela, dahil sa sinabi niya. Tila nainis naman si Clarence sa mala-bruhang halakhak nito.

"Anong nakakatawa??" tanong ni Clarence.

"Ano ang nakakatawa?? Nakakatawa yung sinabi mo tanga!!" sagot ni Janela.

Umiral na naman yung salitang iskwater ni Janela. Pansin sa mukha ni Clarence ang matinding inis. Ang mga babae naman sa paligid ay nabigla dahil sa pamamaraan na pakikipag-usap ni Janela.

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon