Chapter 18- The Promise

5.5K 175 8
                                    

Handang-handa na ako para sa pamamasyal namin ni Janela. Sabik na sabik na akong pumunta sa lugar kung saan matatagpuan ang Puno ng Pag-ibig. Medyo nako-kornihan nga ako, pero hayaan mo na mukhang masaya naman. Sa kabilang banda ay nalulungkot din ako, kasi bukas na ang alis ni Janela papuntang London. Tatlong taon din siyang mawawala at tatlong taon din ako mangungulila sa kanya. Ilang oras ko ng inaayos ang buhok ko, pero parang hindi ako makuntento. Paulit-ulit kong inaayos at maya-maya guguluhin ko uli. Napatingin si mama sa'kin at napangiti.

"Tama na yan! Gwapo ka na! Mababasag na yung salamin, kanina ka pa kasi dyan." pagbibiro ni Mama.

"Ma, umayos ka nga! Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aayos ng buhok ko." sambit ko.

Nilapitan ako ni Mama at niyakap.

"Anak, dahan-dahan lang sa pagmamahal ha? Magtitira ka, para sa sarili mo. Para kahit masaktan ka, hindi siya masyadong masakit at magagawa mo pang muling magmahal." pabulong na sambit ni Mama, habang nakayakap sa'kin.

"Ma, wag kang mag-alala. Hindi ako sasaktan ni Janela, mahal ako nun."

"Kahit na, anak! Basta limitahan mo lang ang sarili mo, pagdating sa pag-ibig. Tandaan mo, mapaglaro ang tadhana at hindi mo alam kung hanggang kelan kayo susubukin nito. Magpakatatag kayong dalawa. " muling sambit ni Mama.

"Opo, Ma. Tatandaan ko po ang mga sinabi niyo." at niyakap ko din siya ng mahigpit.

Nagpaalam na ako at umalis na papunta sa bahay nila Janela. Kalahating oras lang ang biyahe ko at nakarating na agad ako sa kanila. Naghihintay ako sa may pintuan nila at ilang sandali pa ay nakita ko na siyang pababa ng hagdan. Napa-nganga ako sa ganda ni Janela ng mga oras na yun. Hindi ko alam, kung bakit nag-slowmo na naman ang paligid habang nakatingin ako sa kanya. Malayong-malayo na siya sa Janela, na kinatatakutan sa DTU. Ito na ang bagong Janela na hinahangaan ng lahat, dahil sa taglay niyang ganda.

Tumakbo siya palapit sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"Kanina ka pa?" tanong niya, pero parang wala pa ang diwa ko ng mga sandaling yun. Nakatulala pa rin ako sa kanya at parang nahipnotismo ako sa taglay niyang ganda.

"Ramz?! Hello?? Ayos ka lang?" muling sambit niya, habang kinakaway-kaway ang kamay niya sa mukha ko.

Bumalik naman ako sa katinuan at napa-buntong hininga ako.

"Whooah!! Ano tara na?" tanong ko. Inilapit ko sa kanya ang braso ko at agad naman niya itong hinawakan.

"Let's go!"

Gamit namin ang kotse nila at kasama namin ang drayber na pumunta sa bulacan. Habang nasa biyahe kami ay walang tigil kaming nag-selfie ni Janela. Grabeh adik sa selfie! Maya-maya lang ay solo na lang niya akong pini-picturan. Ang kulit-kulit, sabi niya para daw may mapagmasdan siya kapag nalulungkot siya sa London. Inabot din kami ng mahigit dalawang oras sa biyahe, bago namin marating ang San Miguel bulacan. Bumaba kami sa gilid ng isang gubat at naglakad papunta sa sinasabi niyang, Puno ng Pag-ibig.

Medyo malayo-layo din ang nilakad namin bago namin marating ang punong yun. Namangha ako sa ganda ng lugar na yun. Maraming damo sa paligid at madaming ligaw na bulaklak. Sariwa din ang simoy ng hangin at napaka-sarap sa pakiramdam. Dati-rati sa pelikula ko lang nakikita ang mga ganito kagandang lugar, pero ngayon nandirito ako at kasama ang pinaka-mamahal kong babae. Ang laki ng puno at nag-iisa lang ito sa lugar na yun. Maya-maya ay nagsalita si Janela.

"Alam mo, Ramz? Nalaman ko kay tita Mildred ang lugar na ito. Ang sabi niya, noong kabataan daw nila ay madalas daw puntahan ang lugar na ito ng mga magkakasintahan." kwento niya, habang pinagmamasadan niya ang malaking puno na yun.

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon