Dalawang taon na ang lumipas mula ng magkahiwalay kami ni Janela. Isang taon na lang at magkikita na muli kaming dalawa. Naging branch manager na ako ng isang food company, kaya naman maginhawa na ang buhay namin ni mama. May bahay na rin akong hinuhulog-hulugan sa cainta, para makalipat na kami ni mama sa mas maayos na tirahan. Sunod-sunod ang swerte na dumating sa buhay ko, mula ng makatapos ako ng college. Pero hindi ko maintindihan na sa kabila ng mga swerte na natatanggap ko, pakiramdam ko meron pa ring kulang.
Marahil kulang kasi, hindi ko kasama ang taong pinaka-mahalaga sa buhay ko. Ang taong naging inspirasyon ko, kaya nagsikap akong magtrabaho at marating ang kinatatayuan ko ngayon. Walang araw na hindi ako nangungulila sa kanya. Minsan nga naiisip ko, pinaparusahan ba niya ako? Kasi kahit communication man lang, ipinagbawal niya na magkaron kami. Napaka-unfair!! Hindi niya ba ako nami-miss?? Abah eh, siyempre nasasabik din ako sa kanya. Kahit man lang sana tumawag siya kahit isang beses lang sa isang taon. Gusto ko lang marinig ang boses niya at malaman kung nasa maayos ba siyang kalagayan.
Nagla-lunch kami ng mga katrabaho ko sa isang japanese restaurant. Habang kumakain kami ay kinu-kwento ko sa kanila ang mga experience ko sa college, kasama si Janela. Tawa sila ng tawa sa kwento ko, dahil sa mga kalokohan na pinaggagawa ni Janela.
"Sir, ang hard naman pala ng girlfriend mo. Nakakaloka!! Hahahaha!!" sambit ng katrabaho kong babae, habang tawa ng tawa.
Napangiti naman ako, kasi kung makatawa naman siya tumatalsik pa yung kanin mula sa bibig niya. Nagsalita naman ang isang katrabaho kong lalake.
"Sir, Isulat mo kaya ang kwento niyo ng girlfriend mo sa wattpad!" sambit niya.
Napaisip ako sa sinabi niya at tinanong ko siya.
"Anong wattpad??" tanong ko.
"Sir, sa wattpad po pwede kang magsulat ng story mo. Yu'ng girlfriend ko nga, sulat ng sulat dun. Madami kasing nagbabasa ng story niya." sagot niya.
"Talaga?? Nababasa ng ibang tao ang story niya?? Ayos ha!!" sambit ko at medyo namangha ako.
"Yes, sir! Kaya im sure na papatok yang story niyo ng girlfriend mo, pag nabasa nila ito." muli niyang sambit.
Buong araw ko inisip ang tungkol sa sinabi ng katrabaho ko. Pinuntahan ko ang website ng wattpad at natuklasan ko nga na pwede ka talagang magsulat dun ng sarili mong kwento. Madaming mga batang writer akong nakita na nagpa-publish ng story nila. Muli akong namangha at nagdesisyon akong isulat ang kwento namin ni Janela. Pinamagatan ko itong "My Evil Girlfriend" at unang labas ko pa lang ng chapter 1 ay marami na agad ang nagbasa. Napangiti ako, dahil sa mainit nilang pagtangkilik sa kwento ko. Ang iba ay nagco-comment na.. sobrang natatawa daw sila kay Janela at ang iba naman ay humihingi ng update sa kwento ko.
Nagkaroon ako ng libangan, habang hinihintay ko ang araw na magkita kaming muli ni Janela. Pinagsabay ko ang pagtratrabaho at ang pagsusulat. Kahit sobrang pagod ako sa trabaho ay pinipilit ko pa rin na mag-update sa kwento ko. Marami kasing nangungulit na readers ng MEG (My Evil Girlfriend) at sabik na silang malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Masarap magsulat ng kwento, lalo na kapag ang kwento na sinusulat mo ay ang mga karanasan mo kapiling ang taong pinakamamahal mo. Masarap magbalik-tanaw sa nakaraan. Mapapangiti ka na lang minsan, kapag may naalala kang nakakatawang eksena niyong dalawa ng mahal mo.
Gusto kong ipakita sa kanya pagdating niya, na sinulat ko ang kwento naming dalawa. Ang kwento,kung paano pinasaya ng isang demonyang babae, ang isang tahimik at nerd na lalake'ng katulad ko. Isa rin sa dahilan, kung bakit isinulat ko ang kwento naming dalawa sa wattpad ay para ipaalam sa mundo.. kung gaano ko siya ipinagmamalaki bilang girlfriend ko. Gusto kong malaman ng buong pilipinas o buong mundo, kung gaano ako kaswerte na maging boyfriend niya. Hindi sapat ang madaming salita, madaming pahina at madaming kabanata, para ipaliwanag kung gaano ko siya kamahal.
BINABASA MO ANG
My Evil Girlfriend
Teen FictionSabi nila, pag nagmahal ka daw... puro magagandang bagay lang ang nakikita mo sa kanya at hindi mo napapansin ang masasamang bagay na ginagawa niya. pero bakit ang girlfriend ko?? wala akong maisip na magandang bagay na ginawa niya.. puro kasamaan...