Sumapit na nga ang araw ng Graduation ball namin. Ilang oras na lang ay pupunta na ako sa DTU at makikita ko na muli si Janela. Hindi ako mapakali ng mga sandaling yun. Paulit-ulit kong tinitignan ang sarili ko sa salamin, habang suot-suot ang Coat and Tie na nahiram ni Mama sa pinsan ko. Paulit-ulit kong inayos ang buhok ko at pinaliguan ko ang buong katawan ko ng pabango. Alas-siyete kasi magsisimula ang program, kaya naman alas-sais pa lang ay umalis na ako ng bahay.
Nang makarating ako sa DTU ay napansin ko agad ang tumpukan ng mga estudyante doon. Bawat kurso ay may sariling grupo, kaya naman naglakad ako sa paligid para hanapin ang mga ka-grupo ko. Ilang sandali lang ng paglalakad ko ay nakita ko na ang mga kaklase ko at agad naman akong tinawag ni Robert, para lumapit sa kanila.
"Ang astig ng suot mo, dre! Ang bangis!! Mukha ka na talagang business man ngayon." pagbibiro ni Robert.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at maya-maya ay may lumapit sa aking babae. Naka-dress ito ng kulay pink at may design na bulaklak sa may bandang dibdib nito. Nang pagmasdan ko ang mukha niya ay napansin kong si Erika pala yun.
"Hi, Babe!... ay este, Ramz." nakangiting sambit nito.
Napangiti naman ako, pero hindi ako nakapag-salita.
"Long time no see, ha! Kumusta naman kayo ni Janela?" tanong niya at medyo nahihiya naman akong sagutin siya.
"Ahmmm.. medyo ayos naman.. ikaw? Kamusta ka na?" tanong ko.
"Eto, hindi okay. Mula nang magkahiwalay tayo, palagi na akong malungkot." pagtatapat niya.
Hindi ko alam, kung bakit masyado akong guilty sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-recover sa paghihiwalay namin.
"Erika.. ahmmm.. I'm so, sorry! Hindi ko nama---." bigla na lang niya tinakpan ng isang daliri niya ang bibig ko.
"Stop!! Di mo kailangang humingi ng tawad, Ramz. Naiintindihan ko!... Thankful nga ako.. kasi ikaw ang naging first BF ko. Kung sa iba ako napunta... malamang baka nag-take advantage na sila sa kahinaan ko... pero ikaw... nirespeto mo 'ko." mahabang sambit niya, habang nakangiti.
Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap.
"Ramz, i hope... hindi mo 'ko makalimutan.. kahit hindi na tayo!" muling sambit niya.
"Oo, naman! Naging malaki'ng parte ka ng buhay ko, Erika. Kaya hinding-hindi kita makakalimutan." pabulong na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko, na mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa'kin at maya-maya lang ay nagpaalam na siya.
"Sige, Ramz! Good luck sa inyo ni Janela!... Bye!" tumalikod siya at napansin kong pinupunasan niya ang mga mata niya habang naglalakad.
Naawa ako sa kanya ng mga oras na yun, habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo. Sa isip-isip ko, darating din ang tamang lalake para sayo, Erika. Ang lalakeng karapat-dapat sa pagmamahal mo. Huwag ka sanang mapagod magmahal at maghintay.
Ilang sandali pa ay may nagsalita na professor at pinapapasok na kaming lahat. Kami'ng mga estudyante muna ang unang pumasok sa Gym, kung saan magaganap ang Graduation Ball. Napansin ko na pinapalibutan ng mga kulay dilaw na ballons ang entrance ng Gym at ang ganda nito. Habang naglalakad kami papasok ay panay ang lingon ko sa paligid. Pilit kong tinatanaw si Janela, pero hindi ko pa rin siya makita. Nang makapasok ang grupo namin ay namangha kami sa pagkaka-ayos ng loob ng Gym. Nakalagay ang mga pangalan ng bawat kurso sa mga mapuputing lamesa at upuan. Punong-puno naman ng mga dekorasyon ang paligid at maganda rin ang pagkaka-ayos ng stage. Agad naman silang nag-picture taking sa loob. Ako naman ay tumayo sa ibabaw ng bleacher at patuloy na tinatanaw kung nasaan si Janela. Hindi ko pa rin siya mahanap, hanggang sa nagsimula na nga ang program.
BINABASA MO ANG
My Evil Girlfriend
Teen FictionSabi nila, pag nagmahal ka daw... puro magagandang bagay lang ang nakikita mo sa kanya at hindi mo napapansin ang masasamang bagay na ginagawa niya. pero bakit ang girlfriend ko?? wala akong maisip na magandang bagay na ginawa niya.. puro kasamaan...