Hating-gabi na, nang magyaya siyang umuwi. Hindi namin namalayan na lampas alas-dose na. Sa isip-isip ko, napaka-bilis naman ng oras. Parang gusto ko pa siyang makasama, pero mukhang pagod na siya. Hinatid ko siya hanggang sa bahay nila, para masigurado kong ligtas siyang makakauwi. Nasa labas kami ng kanilang gate at patuloy pa rin kaming naguusap.
"Ramz, salamat! Pinasaya mo ang birthday ko." nakangiti niyang sambit.
Nakatingin ako sa kanyang mga mata at hindi ko maipaliwag kung bakit parang ayaw ko'ng matapos ang gabi'ng yun.
"Wala yun! Alam mo namang malakas ka sa'kin di ba?" sagot ko.
Matagal kaming nagtitigan, na para bang nag-uusap ang aming mga mata. Nang mga oras na yun ay gusto ko ng sabihin ang aking nararamdaman para sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi. May takot akong nararamdaman, na hindi ko maipaliwanag. Naisip ko, siguro hindi pa ako handa para sa isang relasyon. Gusto ko munang sulitin ang mga araw na masaya kaming magkasama bilang magkaibigan. Maya-maya ay nagsalita muli si Janela.
"Ramz, hindi mo pa ba ako gusto?" seryosong sambit niya, na sobra kong ikinabigla.
Napayuko ako at hindi nakasagot sa tanong niya. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kanang kamay ko. Nagulat ako, dahil inilagay niya ang kamay ko sa tapat ng kanyang puso.
"Naririnig mo ba, Ramz?" sambit niya at napatingin ako sa kanyang mga mata.
"Naririnig mo ba na sinisigaw niya ang pangalan mo?.. Walang araw na hindi ka niya hinahanap.. Hindi siya napapagod maghintay, Ramz.. Hindi siya napapagod na umasa.. umasa na ba lang araw ay pagbubuksan mo siya ng pinto.. at patutuluyin mo siya sa puso mo.."
Hindi ko maipaliwanag, kung bakit kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Habang nasa dibdib niya ang kamay ko, nararamdaman ko na totoo ang lahat ng sinasabi niya.
"Wag kang umiyak, Ramz. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na magustuhan ako.. patuloy akong maghihintay.. patuloy akong aasa, Ramz.." at niyakap niya ako ng sobrang higpit. Yakap na pumawi sa lahat ng pag-aalinlangan ko. Yakap na nagsasabing, magiging masaya ako sa kanya.. Yakap na nagsasabing mahalin ko siya..
Hindi ko na natiis at niyakap ko na din siya ng mahigpit. Nag-uusap ang aming mga puso ng mga sandaling yun. Hindi namin kailangang magsalita, para maintindihan namin ang isa't-isa. Dahil nagkakaunawaan kami sa pamamagitan ng aming mga nararamdaman.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at handa na akong sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Inaamin ko, nu'ng una ay naiinis ako sayo... Lagi mo kasi akong pinagtri-tripan at sinasaktan.. sinabi ko sa sarili ko.. Hindi ko mamahalin ang tulad mo.." sambit ko, habang nakatingin pa rin ako sa kanyang mga mata. Nanatili siyang tahimik at nakikinig sa mga sinasabi ko.
"..pero habang tumatagal at nakikilala kita ng husto.. unti-unting nagbago ang pagtingin ko sayo.. nalaman kong hindi ka naman pala masama.. pag-kasama kita.. parang ayaw kong gumalaw ang oras.. dahil pag kasama kita.. doon ko lang nararamdaman ang maging masaya.." pagpapatuloy ko. Lumuluha siya, habang nakangiti ng mga oras na yun.
"ang pagiging weird mo... yan ang nagustuhan ko sayo... palagi ka kasing totoo sa sarili mo... sa nararamdaman mo... para sa'kin..." napayuko siya, na parang nahihiya sa mga sinasabi ko. Nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita.
"Sa totoo lang, Janela... may nararamdaman ako para sayo... pero hindi ako sigurado... hindi ko alam kung mahal ba kita... dahil kailangan kita... o kailangan kita dahil mahal kita... parang yu'ng movie ni claudine at piolo (Milan).. parang ganon..." napangiti siya sa sinabi ko. Ewan ko ba, kung bakit pumasok sa isip ko yun.
BINABASA MO ANG
My Evil Girlfriend
Teen FictionSabi nila, pag nagmahal ka daw... puro magagandang bagay lang ang nakikita mo sa kanya at hindi mo napapansin ang masasamang bagay na ginagawa niya. pero bakit ang girlfriend ko?? wala akong maisip na magandang bagay na ginawa niya.. puro kasamaan...