Chapter 9- Serendipity

6.3K 184 9
                                    

Linggo ng hapon, habang pauwi ako ng bahay galing ng cainta. Nadaanan ng sinasakyan kong jeep ang amusement park, kung saan naganap ang unang date namin ni Janela. Kaarawan niya noon at hindi niya inaasahang darating ako. Isa yata yun sa pinaka-masayang araw ko, na kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Habang pinagmamasdan ko ang amusement park ay tila may parte ng pagkatao ko ang gustong magtungo doon. Hindi ko maintindihan, pero malakas ang kutob ko na naroroon si Janela. Bago pa man kami tuluyang lumampas sa lugar na yun ay nag-para na ako para bumaba.

Hindi ko alam, kung bakit excited akong pumasok sa lugar na ito. Dati-rati naman ay ayaw ko sa mga lugar na kagaya nito, mabilis kasi akong mairita kapag maraming tao at sobrang ingay. Pero ngayon, para akong bata na sabik pumasok sa loob ng amusement park.

Naglalakad ako sa loob, nang madaanan ko ang restaurant kung saan namin kinamay ni Janela ang lomi. Bigla na lang akong natawa ng maalala ko yun.  Hindi ko alam, kung ano ang pumasok sa isip ko at ginaya ko si Janela na kamayin ang lomi. Sa isip-isip ko, mauulit pa kaya yun? Sa totoo lang hindi ko alam, dahil hindi na kami tulad ng dati. May kanya-kanya na kaming buhay ngayon.

Muli akong naglakad at nadaanan ko naman ang horror house. Grabeh!! Isang malaking kahihiyan ang nangyari sa akin dati sa loob ng horror house na ito. Balak ko sanang takutin si Janela noong araw na yun, pero kabaliktaran ang nangyari. Ako itong takot na takot at ang malala pa dun ay nahimatay pa ako sa loob. Tsk!..

Sa maikli na panahon na nakasama ko si Janela ay nakaipon ako ng isang daang pahina ng karanasan. Karanasan na tanging sa mga ala-ala ko na lang yata matatagpuan. Napa-upo muna ako sa tabi at napaisip. Maya-maya lang ay bigla ko na lang naalala ang sinabi sa akin ng matandang babae dati. Ang sabi niya ay may mga bagay daw na nakikita ang puso ko, na hindi kayang makita ng aking mga mata.

Bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin ako sa lugar kung nasaan ang ferris wheel. Malakas ang kutob ko na naroroon si Janela. Mabilis akong tumakbo papunta sa lugar na yun. Hindi ko maintindihan, kung bakit gustong-gusto ko siyang makita. Hindi ko na ma-kontrol ang sarili ko ng mga oras na yun at unti-unti na akong tinatalo ng kasabikang nadarama ko.

Nang marating ko ang lugar ng ferris wheel ay mabilis ko siyang hinanap sa paligid nito. Halos dalawang beses ko ng nalibot ang paligid ng ferris wheel, ngunit wala talaga siya. Sa isip-isip ko, marahil hindi talaga siya nagpunta dito. Naupo na lang ako sa tabi at nagpahinga.

Maya-maya ay may narinig akong palakpakan ng mga tao, sa may basket ball area. Napangiti ako ng makita kong si Janela, ang kanilang pinapalakpakan. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya at hindi ko maintindihan, kung bakit bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit. Nagulat siya sa pagdating ko.

"Oh, Ramz! Bakit ka nandito?" sambit niya at nanatili lang akong tahimik habang nakayakap sa kanya.

Hindi ko maipaliwanag, kung bakit gusto siyang yakapin ng mga bisig ko. Pakiramdam ko, ito yung yakap na matagal ko ng hinahanap. Pakiramdam ko, nagdiriwang ang puso ko sa sobrang saya na aking nararamdaman. Maliwanag na sa akin ngayon ang lahat. May nararamdaman ako, para kay Janela.

"Ramz, medyo nakakahiya na po. Baka gusto mo ng bumitaw?" sambit ni Janela.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Wala akong paki-elam sa kanila! 10mins. na lang po , please!" sagot ko.

Matagal ko siyang niyakap ng mahigpit at maya-maya ay niyaya niya akong kumain, dahil gutom na daw siya. Kaya naman nagtungo na kami agad sa dating restaurant na aming kinainan.

Naglalakad kami papuntang restaurant, nang bigla kong mapansin na may tagos siya sa may pwetan niya. Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang tinakpan sa mga tao. Nagtataka siya, kung ano ang ginagawa ko at agad ko naman siyang binulungan.

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon