Chapter 16- Missing You

5.6K 173 13
                                    

Kinabukasan, habang palabas ako ng bahay ay nagulat ako, nang bigla kong makita si Janela. Nakatambay siya sa tindahan, sa may harap ng bahay namin. Napangiti naman ako, dahil mukhang doon pa siya nag-aalmusal. Kumakain kasi siya ng biscuit at umiinom ng softdrinks. Agad naman niya akong nilapitan, nang makita niya akong palabas ng bakuran namin.

"Good morning, Ramz!" bati niya, habang patuloy na ngumunguya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Sinusundo ko lang naman ang boyfriend ko!" malakas na sambit niya at narinig naman ito ng mga tambay sa gilid ng bahay namin.

"Uuuuuyyy!! May syota na si Ramz!!" sambit ng isang tambay sa amin at nagtawanan sila ng sabay-sabay. Ewan ko, kung bakit sobra akong nahihiya. Nagulat ako, nang biglang ilabas ni Janela ang baseball bat niya mula sa lalagyan at mabilis na nagtungo sa mga tambay.

"PUNYETA KAYO!! MGA CHISMOSO!!" sigaw ni Janela at sabay-sabay na nagtakbuhan ang mga tambay. Inawat ko naman si Janela, dahil may balak talaga itong habulin ang mga yun.

"Bakit mo 'ko inawat! Masasabunutan ko sa sana yung kalbo e!" mabalis na sambit niya.

"ULOL!! Paano mo naman masasabunutan ang kalbo?.. Tara na nga at mahuhuli na tayo." sambit ko.

Naglalakad kami papasok ng DTU at hindi ko alam, kung bakit panay ang lingon ni Janela sa paligid. Maya-maya ay may bumati sa akin na kaklase kong babae.

"Hi, Ramz! Sabay na tayo papuntang classroom!" sambit ng kaklase kong si Nilda at lumapit ito sa akin. Nagulat ako ng biglang pumagitna sa amin si Janela at nagsalita.

"Ehemm! Ehemm! Mawalang-galang na, Miss ano? Mas mabuti siguro'ng mauna ka na sa classroom niyo.. Kasi... pag hindi ko na-kontrol ang sarili ko ay baka maihampas ko na lang bigla itong hawak ko sa mukha mo!" pananakot ni Janela at agad namang naglakad ng mabilis si Nilda. Tawa ako ng tawa sa itsura ng kaklase ko, nang marinig niya ang sinabi ni Janela. Takot na takot ito, na parang nakakita ng halimaw. Maya-maya ay bigla na naman akong kinausap ni Janela.

"Umayos ka, Ramz ha! Naku! Pag nabalitaan ko lang na may kinausap kang babae, malilintikan kayong dalawa sa'kin!" pagbabanta niya.

"Grabe ka naman! Kahit kausapin lang sila bawal?" tanong ko!

"Ano ba?!! Bingi ka ba o ano?!! Di ba sabi ko BAWAL!!" galit na sambit niya.

Napahinto ako sa paglalakad at nagtaka siya.

"Oh, bakit ka huminto?" tanong niya. Napayuko ako at nagsalita.

"Naisip ko lang.. hindi ko na pala pwedeng kausapin ang Mama ko ngayon." sambit ko.

"Aba, pilosopo ang gago!" mabilis na sambit ni Janela.

Bigla akong natawa sa sinabi niya at pumasok na kaming dalawa sa loob ng DTU. Naiinis ako, kasi kailangan niya pa talaga ako'ng ihatid sa classroom namin. Pumasok kami sa loob at umupo na ako.

"Oh, siguro naman pwede ka ng umalis!" sambit ko at napansin kong tinitignan niya ang katabi kong babae na si Dianne. Kinausap niya ito, pero pabulong ang pagsasalita niya.

"Miss, pwede lumipat ka na lang ng upuan? Ang sakit mo kasi sa mata eh. Kung pwede lang?" bulong niya sa katabi ko at pabulong din siyang sinagot nito.

"Ahmmmmm.. baka kasi mapagalitan ako ni--" napahinto sa pagsasalita si Dianne, nang makita niyang unti-unting nilalabas ni Janela ang baseball bat niya.

"Gusto mo bang mapagalitan ka nitong hawak ko?" muling bulong ni Janela at mabilis namang lumipat ng upuan si Dianne.

Sa isip-isip ko, walangya itong si Janela. Lahat na lang ng babae sa paligid ko tinakot na niya. Maya-maya lang ay nagulat ako, nang biglang pumunta sa harap si Janela at nagsalita.

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon