Chapter 12- Jealousy

6.1K 183 10
                                    

Madilim na ang paligid nun at nakatayo pa rin ako mag-isa sa loob ng baseball field. Iniisip ko pa rin, ang lahat ng sinabi ni Janela sa akin. Hindi ko alam, kung bakit parang ako ang sinisisi niya sa pagkatalo niya. Tinatanong ko ang sarili ko, ano ba ang nagawa kong mali? Pumunta naman ako dito sa field tulad ng pakiusap niya. Masyado lang talagang maraming tao, kaya hindi ako masyadong nakalapit sa kanya.

Maya-maya ay bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin noong isang araw. Ang sabi niya ay hangga't kasama niya ako at nasa tabi niya, hindi daw siya matatalo. Sa isip-isip ko, kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang pag-asang manalo kay Clarence. Kahit nasa tabi pa niya ako, malabong matalo niya ito. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nilabas ko ito at tinignan.

Nagulat ako, dahil ang daming message at miss call ni Erika sa akin. 24 messages at 31 miss calls. Marahil hindi ko napansin na tumunog ang cellphone ko kanina dahil sa ingay ng mga estudyante. Kinabahan ako, kaya binasa ko isa-isa ang mga text niya.

"Babe.. dito kami now pagudpud.. last day na kasi namin dito sa ilocos... gawa mo?" 4:20 pm - BabeKoh

"Babe, tagal mong magreply.. asan ka ba now?" 4:48 pm -BabeKoh

"Ui, Babe! 5pm na.. di ba uwian niyo na?.. ket di ka nagrereply???" 5:05 pm -BabeKoh

"Babe, ano ba?!! Naiinis na q!!" 5:18 pm -BabeKoh

"Babe, naiiyak na q.. reply ka naman.. T_T " 5:33 pm -BabeKoh

Hindi ko na binasa ang lahat ng text niya at nag-reply na agad ako sa kanya. Malamang nagtatampo na sa'kin ito, dahil kahapon ko pa siya hindi nate-text. Nag-sorry ako sa kanya sa text at dinahilan kong masama ang pakiramdam ko. Maya-maya lang ay agad siyang nag-reply.

"ah ganon ba, babe... kumain kana po at uminom ng gamot.. tapos magpahinga ka na ha??.. sorry kung nainis ako kanina.. kasi kahapon ka pa hindi nagtetext eh... loveu babe.. gudnyt!!" text niya sa'kin.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa reply niya. Buti na lang nakaisip ako ng idadahilan, kung hindi baka tuluyan na siyang nagalit. Sa loob-loob ko, nakukunsensya na ako sa pagsisinungaling ko kay Erika. Sobra niya akong pinagkakatiwalaan, tapos nagagawa ko pa siyang lokohin. Ipinasya ko na ito na ang huling beses na magsisinungaling ako sa kanya. Hindi ko na muling inisip pa ang nangyari sa amin ni Janela. Kasi alam ko, na bukas bati na naman kami nun. Umuwi na ako dahil sobrang dilim na.

Kinabukasan.

Nag-lunch break kami at nagtungo na agad ako sa canteen. Nagtataka ako, kung bakit hindi pa nagpaparamdam si Janela. Sa isip-isip ko, talaga kayang galit siya sa'kin? Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko, kung ano ba talaga ang ginawa kong mali at nagalit siya sa akin ng sobra. Hindi na ako nag-isip pa, dahil sumasakit na ang ulo ko.

Maghapon ko siyang hindi nakita ng araw na yun. Kahit sa baseball field wala din siya. Ayoko namang puntahan siya sa klase nila, baka kung ano pa ang maging issue. Ang sabi ko sa sarili ko, siguro hindi pa siya handa na harapin ako. Marahil nahihiya pa siya, dahil sa natamo niyang pagkatalo. Umuwi na lang ako at inintindi ko na lang ang nararamdaman niya.

Nang sumunod na araw.

Habang papasok ako sa DTU ay napangiti ako, dahil nakita kong nasa gate si Erika at inaabangan ako. Agad ko siyang nilapitan at kinausap.

"Hi, Babe! Na-miss kita!!" sambit ko.

Agad naman niya akong hinalikan at niyakap.

"I miss you too, Babe. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon