Lumabas ako ng blue house at nakita kong umuulan ng mga oras na yun. Tila sumasabay ang sama ng panahon sa lungkot na aking nararamdaman. Hindi ko alam, kung bakit ang bigat-bigat ng nararamdaman ko at parang unti-unti akong nauubusan ng lakas. Parang kalahati ng pagkatao ko ay nawawala at hindi ko maipaliwanag. Lingid sa aking kaalaman, na yun na pala ang huling pag-uusap namin ni Janela. Dahil pagkatapos ng araw na yun ay hindi ko na siya muli pang nakita.
Lumipas ang ilang buwan at third year college student na ako. Ganun pa rin ang DTU, parang walang pinagbago. Nandyan pa rin ang mga mag-syota, na naghahalikan sa labas ng gate. Ang security guard namin, na panay ang text ang ginagawa. Ang mga estudyante na nagpapayabangan ng suot nilang damit. Ang mga lalakeng estudyante na puro dota ang kwentuhan. Ang mga nerd na dinagdagan ng grado ang salamin. Ang mga kaklase kong nagliligawan at mga professor na panay ang utos sa mga estudyante na ibili sila sa canteen ng almusal.
Halos walang nagbago, maliban na lang sa dalawang upuan na bakante sa classroom namin na dating pwesto namin ni Janela. May mga usap-usapan na nag-shift daw siya ng course. May mga nakakita daw sa kanya na lumabas sa building ng college of criminology at hinala nila na criminology student na ito. Sa isip-isip ko, bagay naman talaga sa kanya ang mag-pulis. Sa tapang niya at sa lakas niya, bagay na bagay talaga siya sa course niya.
Lunch break namin ng sunduin ako ni Erika sa classroom. Hindi ko pa pala nababanggit, pero dalawang buwan na kaming mag-syota ni Erika. Ang bilis ng mga pangyayari eh, bigla na lang isang araw pag-gising ko girlfriend ko na pala siya. Hahahaha!! Araw-araw niya akong dinadalhan ng lunch at sabay kaming kumakain sa blue house. Nakakatipid nga ako palagi eh, minsan nga hindi na ako nagbabaon ng pera. Sa totoo lang, napaka-swerte ko sa kanya.
Maalagain kasi siya, mabait, masipag mag-aral at masarap magluto. Kahit sinong lalake mai-inlove sa kanya dahil sa ugali niya. Wala na akong mahihiling pa, kundi ang magtagal kaming dalawa.
Natapos ang klase namin at nagmadali akong lumabas ng classroom para sunduin si Erika. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 5:30pm na, malamang nakalabas na siya ng classroom nila.
Tumatakbo ako ng bilis sa campus, nang biglang may nabunggo akong isang lalakeng estudyante at sabay kaming napahiga. Ang sakit ng balikat ko ng mga sandaling yun, dahil napaka-tigas ng katawan ng lalakeng nabunggo ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin ng masama.
"Sorry, bro! Hindi ko sinasadya." sambit ko.
Napatayo siya at nilapitan ako. Kinabahan ako, dahil nanggigil ang kamao niya habang papalapit siya sa akin. Napaatras ako, dahil sa takot ko sa malaking katawan ng lalake. Mabilis niyang dinakma ang damit ko at akmang susuntukin na ako, nang biglang sinigawan siya ng isang babae.
"Harold!!" sigaw ng babae.
Inalis ng lalake ang kamay niya sa damit ko at nilapitan ang babaeng sumigaw sa pangalan niya. Nakahinga ako ng maluwag, dahil may umawat sa kanya. Sa isip-isip ko, malamang manghihiram ako ng mukha sa aso kung natuloy yung suntok na yun. Napa-buntong hininga ako at pinagpag ko ang dumi sa damit ko.
Maya-maya ay nilapitan ako ng babae at kinausap. Napayuko naman ako dahil sa sobrang hiya.
"Sa susunod, wag kang tatanga-tanga! Ano ba yan! Lampa ka pa rin, hanggang ngayon!" sambit niya.
Nagulat ako at napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko napansin, na si Janela pala yun. Nanlaki ang mga mata ko at nagulat dahil sa pinagbago ng itsura niya. Hindi na nakatirintas ang buhok niya at straight na ito. Ang damit niya ay damit na ng isang babae. Hindi na siya tulad ng dati, na naka-tshirt ng malaki at naka-pantalon ng butas-butas. Kung titignan mo siya mula sa malayo ay hindi mo masasabing, siya si Janela ang Evil Girl ng DTU.
BINABASA MO ANG
My Evil Girlfriend
أدب المراهقينSabi nila, pag nagmahal ka daw... puro magagandang bagay lang ang nakikita mo sa kanya at hindi mo napapansin ang masasamang bagay na ginagawa niya. pero bakit ang girlfriend ko?? wala akong maisip na magandang bagay na ginawa niya.. puro kasamaan...