Chapter 13- The Power of Love

6K 187 13
                                    

Lumipas ang ilang linggo at dala-dala ko pa rin ang sakit na naramdaman ko mula kay Janela. Ilang araw akong wala sa sarili at palaging walang ganang kumain. Hindi ko maintindihan, kung bakit sobra akong nasasaktan. Naalala ko, na ganitong-ganito kasakit ang naramdaman ko noong huli naming pag-uusap ni Janela bago siya nag-shift ng course dati. Ilang buwan din ang lumipas bago maglaho ang sakit na naramdaman ko nun. Buti na lang at lagi kong nasa tabi si Erika ng mga araw na yun.

Si Erika ang naging dahilan, kung bakit naghilom ang sugat ko sa nakaraan. Nagawa ko muling buksan ang puso ko para sa iba. Pinili kong mahalin si Erika, dahil siya ang laging nandyan at palaging sumusuporta sa akin. Minahal niya ako ng sobra at higit pa sa kanyang sarili. Minsan nga naiisip ko, karapat-dapat ba ako sa pagmamahal niya? Napaka-unfair ko, kasi hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako para kay Janela. Ilang beses kong sinubukang lumayo kay Janela, pero parang ang tadhana na ang pilit na naglalapit sa aming dalawa.

Mula sa malayo ay lihim kong pinagmamasdan si Janela at Clarence na magkasama. Kapwa sila masaya habang nag-uusap. Naisip ko, panahon na siguro para sumaya naman siya sa piling ng taong nagpapahalaga sa kanya. Sa piling ko, lagi lang siyang masasaktan dahil napaka-walang kwenta kong tao. Masakit man sa akin na nakikita siyang may kasamang iba, pero wala akong magagawa. Doon siya masaya eh, wala akong karapatan para ipagkait yun sa kanya.

Natapos ang klase namin at umuwi na ako agad. Naglalakad ako ng bigla kong makita si Janela at Clarence, na pinapalibutan ng apat na kalalakihan. Mabilis akong nagtago sa gilid ng vendo machine at pinagmamasdan sila. Nakita ko na may hawak-hawak ang apat na lalake na balisong at ice pick. Hindi nagawang pumalag ni Janela at Clarence, dahil armado ang mga ito. Kinaladkad silang dalawa papunta sa kulay asul na kotse at pilit silang isinasakay ng mga ito. Gusto ko man silang tulungan, pero ano naman ang magagawa ko sa apat na lalake na puro may hawak na patalim.

Wala silang ibang nagawa, kundi ang sumakay na lang sa kotse. Nang makasakay silang lahat ay agad din silang umalis sa lugar na yun. Walang ibang tao ang nakakita sa pangyayari maliban sa akin. Tamang-tama naman na may dumaang traysikel sa lugar na yun at agad ko itong pinara. Huminto ang traysikel at tinanong ako.

"Saan tayo, Boss?" tanong ng drayber.

"Manong, bilis! Sundan po natin ang asul na kotse'ng yun! Tinangay nila ang mga kaibigan ko!" natatarantang sambit ko sa drayber.

Agad naman niya akong pinasakay sa loob at mabilis niyang sinundan ang asul na kotse na tinuro ko. Mabilis mag-drive si manong, kahit kotse ang hinahabol niya ay nagagawa pa rin niya itong sundan. Ilang sandali pa ay biglang lumiko ang kotse papunta sa lugar kung saan sira-sira ang mga bahay. Dating subdivision ang lugar na yun. Nasira lang dahil sa naganap na malaking sunog. Mula noon ay wala ng tumira sa lugar na yun at balita ko ay pinamumugaran na daw yun ng mga adik. Maya-maya pa ay pumasok ang kotse sa isang maliit na eskinita at huminto ito. Agad naman akong bumaba sa traysikel at kinausap ang drayber.

"Manong, pwede po bang tumawag kayo ng mga tanod o di kaya mga pulis! Nasa panganib po ang mga kaibigan ko." sambit ko at sumang-ayon naman siya. Tumalikod ako sa kanya at naglakad papasok ng eskinita, nang bigla niya akong tinawag.

"Psst!! Bosing!!" tawag niya sa'kin.

Napalingon ako sa kanya at muli ko siyang nilapitan.

"Oh, bakit po manong?" tanong ko.

"Nasaan yu'ng bayad mo?" sagot niya.

Napakamot ako sa ulo at mabilis kong kinuha ang wallet ko.

"Jusko naman, manong! Nasa peligro na ang mga kaibigan ko, yan pa rin ang nasa isip niyo!" sambit ko at inabot ko sa kanya ang 100 pesos.

Sa isip-isip ko, grabe naman itong manong na 'to. Hindi ba pwedeng mamaya na lang ang bayad? Akala mo naman tatakasan eh noh. Tsk!

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon