EPILOGUE

7K 280 108
                                    

Maraming nagulat nang isulat ko ang huling kabanata ng My Evil Girlfriend sa wattpad. Ang iba ay naiyak, nalungkot at naawa kay Janela. Hindi po natin dapat kaawaan si Janela, dahil ganon ang paraan niya na magmahal. Ang i-sakripisyo ang sariling niyang kaligayahan, para matupad ang pangarap ng taong kanyang minamahal. Naroroon na si Janela sa Paraiso ng diyos at kasamang kumakanta ang milyon-milyong mga anghel. Alam kong masaya siya dun at kapiling ang Maykapal. Marahil sa mga oras na ito ay nagkukwentuhan na sila ng diyos. Nagtatawanan at nagkukulitan. Isa lang naman ang hiling ko para sa kanya. Huwag sana siyang gagawa ng gulo doon at baka itapon siya pababa ng impyerno. Hahahaha! Biro lang.

Wag kayong malungkot, kung malungkot man ang naging katapusan ng kwento. Natatandaan ko pa ang sinabi ni Jose Rizal sa kanyang nobela. Sabi niya, hindi lahat ng kwento ay kailangang matapos sa kasiyahan. May ilang kwento na kailangan na matapos din sa kalungkutan. Hindi ko matandaan kung ano pa ang sinabi ni Jose Rizal, basta ang mahalaga ay napa-mahal, napa-iyak at napasaya tayo ng kwento.

"Sacrifice is the only language of Love."

Yan ang kasabihan na talaga namang lubos kong pinaniniwalaan. Ang diyos nga, dahil sa labis na pagmamahal niya sa atin ay ibinigay niya ang kanyang kaisa-isa at bugtong na anak upang mailigtas tayong lahat mula sa kasalanan.

Ganon din ang ginawa ni Janela. Hindi siya naging maka-sarili. Una niya'ng inisip ang mga pangarap ni Ramz at hindi ang sarili niyang kagustuhan. Para sa akin, yan ang tunay na pagmamahal. Hindi nangangahulugan na kapag nagmamahalan kayong dalawa ng kasintahan mo ay pagmamay-ari mo na siya. Mali po. Tingin mo ba, magiging masaya siya kapag nilunod mu lang siya sa iyong pagmamahal? Minsan kaibigan, kailangan natin silang hayaan sa mga gusto nilang gawin. Kailangan natin silang pakawalan. Hindi dahil sa hindi natin sila mahal, kundi dahil gusto natin na maging masaya sila sa kanilang buhay. Kung ikukulong natin sila sa ating mga bisig, darating ang araw na hindi sila makaka-hinga at hahanap sila ng paraan para makawala sa atin.

FOREVER??

Yan ang salita na kadalasan ay pinapangako natin sa ating mga minamahal. Pero kaibigan, alam mo ba talaga ang ibig sabihin ng salitang ito? O baka naman ginagamit mo lang ang salitang ito para mapasaya ang kasintahan mo? Kaya nga minsan, wala ng naniniwala sa salitang "Forever", dahil din sa ating mga kagagawan.

Totoo ang salitang "Forever" at pinatunayan yan sa atin ni Janela. Na kahit sa mga huling araw niya ay patuloy pa rin niyang minamahal si Ramz, kahit na wala ito sa tabi niya. Ang pagmamahal kasi, wala yan sa distansya o layo niyo sa isat-isa. Kasi pag nagmahal ka, kahit ilang libo'ng milya man ang pagitan ninyo ng iyong minamahal ay hindi mo dapat pinaparamdam sa kanya na magkalayo kayong dalawa. Iparamdam mo sa kanya, kung gaano mo siya kamahal at wag niyong intindihan ang layo niyo sa isa't-isa.

Mga kaibigan.. sana ay may natutunan kayo sa aking kwento. Hindi ko alam, kung nagawa ko ba kayong patawanin o paiyakin. Ang mahalaga lamang sa akin ay sana kahit papaano ay may napulot kayong aral sa aking kwento. Wala na akong ibang mahihiling, kundi sana isang araw ay matandaan ninyo na may isang manunulat na sinubukang ipakita sa inyo, kung ano ang tunay na itsura ng isang wagas na Pag-ibig. Bago ko tuldukan ang kwentong ito. Nais ko lang na mag-iwan ng isang katanungan sa taong nagbabasa nito.

Ikaw kaibigan...

..

..

..

..

.

paano ka magmahal?..

[THE END]

THAT NERD IS MINE

(The Janela Miranda POV)

.

abangan niyo po yan guys.. yan po ang magiging book 2 ng MEG.. Si Janela po ang magkukwento dyan.. this july na po yan ipa-publish..

Guys.. may bago din akong on-going story.. THE TWO KINGS and Me.. sana subaybayan niyo din siya.. babawi ako sa inyo sa ending nito.. hehehe..

MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBASA AT SUMUPORTA SA MEG.. HANGGANG SA SUSUNOD NA KWENTO... PAALAM!!

-blueberryramz03

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon