Love is waiting...
Chapter Seven:
A/N: This is dedicated to you @CharlizeCecille, keep on reading. Thank you very much!
Readers! Thank you very much po!
Nadine's
*prrrrrrrrt*
"HA!" at sinampas ng malakas ng teammate ko yung bola. Nagvovolleyball kami kasi P.E ng klase namin ngayon. Girls muna kaya nakupo lang sa bench yung mga lalaki. Trina-train kami ng P.E Prof namin kasi maglalaban-laban daw ang bawat sections.
Nasapo naman ng kabila at hinampas din pabalik samin. Di ako makagalaw sa pwesto ko, paano ba naman akong gagalaw e ang gagaling nilang lahat. Sila lang ang naglalaro at ako invisible lang dito.
*prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrt*
"Aray." ANG SAKIT SA TENGA NUN AH.
"Ms. Amante! Out!"
"Po?" reklamo ko.
"OUT."
Napabuntong hininga na lang ako at lumabas sa court, naupo lang ako sa bench. Pumalit sakin yung alagad nung babaeng nagbuhos sakin ng tubig.
"Bleh." sabi pa niya habang binebelatan ako.
*prrrrt*
"HA!" at nagserve nanaman ang team ko kanina. Ang galing ng team namin, este nila. You see, I don't belong to this class. Matalino lang ako kaya ako nakapasok dito, pero kung wala akong ka-alam alam, dun ako sa pinakamababang class. Pero wag niyo silang maliitin, matatalino din sila. Mas matalino nga lang ako.
Pero bakit ba ang hina hina ko? Sa bugbugan lang yata ako magaling e. Wala man lang akong alam na sports.
*prrrrt*
"Girls, out. Boys in!" at nagsigawan naman ang mga boys. "WOOOOOOOOAH!"
"Nice one loser."
"Nakatira ka ba?"
"Oh my gosh, hindi nga pala no?" at nagtawanan sila pare-pareho.
"Atleast nakahawak ako ng bola." bulong ko.
"HMP! Let's go girls." sabi nung isa at umalis na sila.
"Hmp, lessgo gurls. Nye nye nye." Ang gaganda nila? Oo. Pero wala ang ganda kung masama ang ugali mo diba? Napabalik naman yung attention ko sa court. Andami na agad kaibigan ni Alex, nagkukulitan lang sila sa court. Big time din ang mga kaibigan niya, katulad ni Jack, ni Jasper, ni Nile. Mga batang spoiled na spoiled. Si Jack, he throw an exclusive party dito sa school. Jasper, he conquered 17 girlfriends at the same time, TINDI NO? Si Nile, he brought his friends sa Hawaii, Europe, and anywhere he likes. At kinakabahan na ako kasi baka maimpluwensya nila si Alex.
"HA!" napatingin nanaman ako sa server. Pero ang nakita ko, bolang papalapit na sa akin.
*POK.*
"Ms. Amante, are you okay?"
"A-aray." napahawak ako sa ulo ko. Nakatingin lang silang lahat saakin, shemay nakakahiya. Bumangon agad ako. at pinagtawanan nila akong lahat.
Napatingin ako sa nag-serve. Siya lang ang bukod tanging hindi tumawa, si Alex. Andami-daming pwedeng tamaan, puso ko pa? Este, ulo ko pa?
Nagsmile ako sa kanya. P-pero, nakitawa din siya sa kanilang lahat. Nawala yung ngiti sa mga labi ko. Ok lang na pagtawanan nila ako, kaso bakit pati siya? Di man lang siya lumapit at humingi ng sorry.
BINABASA MO ANG
Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETED
FanfictionHow long would someone wait, just to call it waiting? Portrayed by: James Reid and Nadine Lustre. Written by: girltryinghard | 2014 © The Book 2 of this story - Her Heart (JaDine FanFiction) is up! :)