Love is waiting...
Chapter Eighteen:
Nadine's
"*chup* Baby, wake up. Wake up. Wake up."
Napabangon tuloy ako at kinusot ko ang mata ko. "Hm?" Binuhat niya ako at dinala sa dining area. Inupo niya ako sa upuan doon. "Bakit?" tapos may nakita akong plate sa harap ko. May bacon, eggs tapos may rice. Naka happy face design siya. Cute!
"Well, I don't know how to cook but, I tried." sabi niya at napakamot sa batok niya.
Natawa lang ako. "Ahmm, mukha namang edible e." sabi ko at tumawa ulit. Kumain na ako, ok lang naman siya. Pwede na. "Nga pala, di pa ba tayo babalik?" sabi ko habang ngumunguya.
"Why?"
"E, tumawag sakin si Annika. Kinausap raw siya ni Marian. Hinahanap ka ata, may shooting-" di pa ako tapos sa pagsasalita umalis na agad siya. Kinuha niya yung bagpack niya at nilagay don yung mga gamit namin. Pinapanuod ko lang siya gawin yun, tapos nnung tapos na siya. Pinuntahan niya ako at umupo sa harap ko.
"I'm sorry Babe. Nawala sa isip ko, but I'll make it up to you." sabi niya at tumayo. Hinalikan niya ako sa noo ko. "Change your clothes while I'll start the car. Meet me at the lounge. Ok?"
Tumango lang ako at umalis na siya. Ok lang, tutal may pasok na din naman bukas. Ako lang ang may pasok kasi may shooting nga siya diba. Sinunod ko siya at nagpalit na ako ng damit, pinusod ko lang ang buhok ko at bumaba na. Medyo naghintay pa ako ng konti sa lounge, tapos dumating na din siya. Sumakay na ako sa kotse niya. Pinaandar niya na ito.
"Anong isho-shoot niyo?" tanong ko. Kasi ang balita ko talaga, break na yung loveteam nila. Hindi pa pala.
Nginitian niya lang ako. "Just another movie." sabi niya. "Gusto mo sumama sa shooting?"
Umiling ako. "May pasok ako diba?" gustuhin ko mang sumama hindi naman pwede, baka tsismis lang ang abutin ko dun.
Kinuha niya yung kamay ko habang nagdra-drive siya. Tapos hinalikan niya yun. "After nito, date tayo?" sabi niya.
-
"Dito na lang ako Alex." sabi ko. Nasa gate na kasi kami ng subdivision namin. Medyo maaantala pa kasi siya kapag pumasok pa siya e. Kakausapin siya ni Mommy, ni Daddy tsaka ng Yaya namin. Tsaka hihingan pa siya ng ID, NBI clearance, lisensya, School ID, plate number, phone number, telephone number ng gwardya at magpapapicture pa sa kanya. Kabisadong kabisado ko na sila. Hininto niya naman yung kotse.
"Bakit? Ihahatid na kita. It's way too far."
"Hindi na. Ok na ako dito. Babye." sabi ko nagwave na sa kanya. Kinuha ko lang yung bag ko sa likod at bumaba na ako sa sasakyan niya. *beep beep* at umalis na siya.
*kring kring* <--- may nagtext!
Baby: Ingat, i love you. ;) :*
Napangiti naman ako ng wagas na wagas. Tinago ko na yung phone ko sa bulsa ko at pumasok na sa subdivision namin. Wala pa ako sa kalingkingan, pagod na pagod na ako. Wala pa nga ako sa 1/4 e. Malaki kasi talaga tong subdivision, actually hindi na siya kino-consider na subdivision, town na yata.
BINABASA MO ANG
Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETED
FanfictionHow long would someone wait, just to call it waiting? Portrayed by: James Reid and Nadine Lustre. Written by: girltryinghard | 2014 © The Book 2 of this story - Her Heart (JaDine FanFiction) is up! :)