Love is waiting...
Chapter Twenty Four:
Nadine's
Papasok pa lang kami sa parking lot andami nang press agad, pinag-provide ako ni Mommy ng dalawang body guards at si Kuya Matt. Para naman daw maging safe ako. Andami nang lumalabas na interviews saakin sa media, pati ng mga picture. Pero, hindi naman ako kita kasi nga andaming nakaharang sakin. Napanuod ko din yung nasa Mall kami ni Jasper.
Same routine, hinarangan ako ni B1 at B2 - tawag ko sa dalawang maskuladong lalaking bodyguard ko daw sabi ni Mommy - at ni Kuya Matt hanggang sa makapasok ako sa school. Si B1 at si B2, pinapasok sa school. Samantalang si Kuya Matt, babalik na lang mamayang six. Binati ko lang si Kuya guard at deretso sa lakad. Napapatingin ako sa dalawang lalaking nasa likod ko, nakashades pa at nakapolo. Kaya pinagtitinginan ako ng mga tao dito e, kasi may ma-appeal akong bodyguards.
Paghuminto ako, hihinto din sila. Pag lumakad ako, lalakad din sila. Pag ka naman gumilid ako, gigilid din sila. Pag sumayaw kaya ako dito sasayaw din kaya sila? PWE.
Dumiretso na ako sa klase ko at medyo nakakagulat kasi lahat sila pinapansin na nila ako. Naiwan naman si B1 at si B2 sa labas ng class room. "Nadine, eto na yung script ng play. Kabisaduhin mo na lang daw." sabi ng kaklase ko at inabot sakin yung makapal-kapal na folder.
"Sige, thank you." brinowse ko yung mga nakasulat sa script, ayos naman. Sa tingin ko, maganda yung magiging play.
Dumating na yung English Prof namin at tinuloy nanamin yung mga ginagawang props, this time, nagkakabisado na lang ako ng script.
~
Pupunta na sana ako ng canteen para ibili ulit sila ng pagkain, sabi ko kasi ako na lang ang bahala lagi. Kaso may naramdama ako na sumusunod saakin - ugh- si B1 at si B2.
"Mga kuya, ok lang po. Baka napapagod na kayo kakalakad at kakatayo." sabi ko sa kanila. Kasi kanina ko pa pansin na hindi sila umuupo. Nakatayo lang sila magdamag. AT HINDI NILA AKO PINANSIN, inisnob ako ni B1 at B2.
Napabuntong hininga naman ako at tinuloy na lang paglalakad. Bumili na ako ng ice cream, para maiba naman tsaka ng cake para sa lahat. May kabigatan sila kay tinulungan ako ni B1 at ni B2.
Nawala yata sa isip nila na may binabantayan sila kasi focus nila yung mga binubuhat nila. Dere-deretso lang sila. Huminto ako, pero sila dere-deretso parin. Hinintay ko lang sila makalayo-layo ng konti. Tsaka dahan dahan akong tumakbo papunta sa likod ng canteen.
Tatawagan ko sana si Alex, gusto ko lang ng private. Ayoko ng may taong nakatingin o nakikinig man lang.
"Look girls, it's Nadine Amante the dreamer." sabi ni Honey. Tinago ko ulit yung phone ko sa bulsa ng palda ko.
Napabuntong-hininga. "HI, HE-HE." sabi ko. PLEASE NOTE THE SARCASM.
BINABASA MO ANG
Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETED
أدب الهواةHow long would someone wait, just to call it waiting? Portrayed by: James Reid and Nadine Lustre. Written by: girltryinghard | 2014 © The Book 2 of this story - Her Heart (JaDine FanFiction) is up! :)