JASPER'S SPECIAL CHAPTER

5.8K 172 11
                                    

Love is waiting...

JASPER'S SPECIAL CHAPTER 

A/N: So first time ko pong gagawa ng special chapter at sana magustuhan ninyo, parang side story siya. PS: Not-so-special-chapter. :) 

Jasper's

 

*tok tok* 


Bumukas naman ang pinto ng bahay nila Nadine, malaki ang bahay nila. Maliligaw ka sa laki, todo interview din saakin ng guard at ayaw niyang maniwala na kaibigan ko ng si Nadine. "Good morning Sir. Upo muna ho kayo Sir, gusto niyo po ba ng tea? Iced tea? Juice?" 

"Hindi na ho, salamat." sabi ko at naupo na sa sofa nila. 

"Sige po Sir, hintayin niyo na lang ho si Nadine." sabi niya at umalis na. 

Inikot ko ang mata ko sa bahay nila, napakadaming family portraits. Pero hindi sila katulad ng ibang mayayamang pamilya na hindi sila close. Sa nakikita ko, close na close sila. May mga trophy din ng chess, sino naman kaya ang naglalaro sa kanila ng chess? 

"Hi Jasper." sabi niya at nilapitan ako. 

"Hi, halika na?" aya ko sa kanya. Dinala ko siya sa kotse ko, buti na lang at walang press ngayon, siguro tinigilan na nila sina Nadine dahil alam nilang wala silang mapapala. 

Papunta kami sa set ng kaibigan kong si Alex. I volunteered to come with her, swempre. Hindi niya pa kaya ang sarili niya at sa mga observation ko dati sa kanya, hindi pa talaga niya kaya. "Where's your bodyguards?" 

Napatingin naman siya. "Ahh, nakiusap ako kay Mommy na wag na silang pasamahin." sabi niya. 

3 hours ang byahe namin papunta sa location ng shooting ni Alex. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan at dahil mahilig siyang kumain, dumaan yata kami sa apat na drive thru. Gutom na gutom siya lagi. Napapatawa na lang talaga ako, sobrang wacky niya at comfortable kasama. Madami siyang kwento, madami siyang jokes. 

After ng mahabang traffic at matagal na biyahe, safe naman kaming nakadating sa location. Bumaba na kami sa kotse at sinalubong agad kami ni Alex.

Nag-appear lang kami. "Thank you Jasper." sabi niya at nilapitan agad niya ang girlfriend niya at hinalikan ito sa pisngi. "Good morning." 

"Let's go team!" sigaw ng Director yata ng movie nila. Umalis naman agad si Alex. Inaya ko si Nadine na lumayo sa set, kasi baka makasira kami sa shooting pag nahagip kami ng camera. Open area kasi ang shoot nila ngayon. 

Sa layo namin, hindi na namin masyadong makita yung mga nangyayari sa set. Nasa ilalim lang kami ng puno, tapos nakaupo sa head ng sasakyan ko. 

Minsan, may lalapit kay Nadine at magpapa-autograph o picture sa kanya, kitang-kita kong hindi niya inaayawan lahat. 

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon