#2 ROYAL BLOOD PRINCE -- THE REINCARNATION --

1.1K 11 0
                                    

PAALALA : 

THIS STORY OF MINE IS NOT LIKE TWILIGHT,HINDI KO ITO GINAYA SA TWILIGHT ALTHOUGH KINUHA KO IYONG MGA CHARACTER DOON.KAYA KUNG AKALA NIYO AY KAPAREHO ITO NG TWILIGHT ,PWES ! MALI HAHAHA ^____^ OH SIYA ! BASA NA.. NUWA'Y MASIYAHAN KAYO.

#2 ROYAL BLOOD PRINCE -- THE REINCARNATION --

FIRST PART -- BOOK 1

_________________________________________________________

Wala ka na pero patuloy pa rin kitang minamahal ..

Nandito ka sa PUSO ko , nakatatak.

Nangako ako na wala na akong iibigin kahit sino man kundi IKAW LANG ..

NASAAN KA NA ??? Ang tagal ko nang naghahantay sayo MAHAL ..

Bawat araw na di ka kasama ay parang dinudurog ang PUSO KO ..

Kung kaya ko lang ibalik ang lahat .. Hinding hindi ko hahayaang mangyare iyon

Hindi ko sinisisi ang sarili ko sa pagkawala mo , dahil sabi mo BABALIK ka ..

AT PINANGHAHAWAKAN KO PA RIN YANG PANGAKO MO ..

PANGAKO na dahilan kung ba't ako patuloy na nabubuhay ..

50 Yrs na ang nakakalipas nang mangyare ang malagim na pagkamatay mo Je ..

Pero kung iisipin ko ay parang kahapon lang iyon.

Halos madurog ang puso ko nun ..

Nabubuhay ako dahil sa pangako kong binatawan.At umaasa sa pangako mong walang kasiguraduhan.

Alam kong hindi ka na babalik pero umaasa pa rin ako.Ilang araw na nga ba noong huli akong umiyak ?

Hindi man maganda pakinggan na ang isang Pinsepe ng mga Bampira ay umiiyak sayo.Pero anong magagawa ko.Ilan araw na nga ba ?

Halos araw-araw ganito ako.Hindi ko na hinahayaang makita pa nila ang emosyon ko.Para akong isang robot na kumikilos ngunit walang kakikitaan ng buhay.

Isang masayang ala-ala nalang ba talaga ang satin ? Hindi ko kayang pakawalan ka.Hindi.Hinding hindi.

Kung sa simula palang sana ay itinigil ko na.Hindi ko na sana hinayaang pangunahan at sakupin ako ng nararamdaman ko para sayo.

" Ilang araw nga ba kitang sinusundan ? Hmm ..Siguro mahigit dalawang taon na,bago kita makilala ay isa akong pariwarang bampira.Nakakatawa diba ? Ang isang katulad ko ay na Love at first sight saiyo.Natatandaan mo ba iyong una tayong nagkita ? Hindi ko sinasadyang makita mo ko nun.Dahil bawal ang bampirang katulad ko ang makihalubilo sa mga ordinaryong tao. *sigh* Sorry Je,kung di dahil sa akin ay patuloy ka pa ring humihinga at nakikita ang paglubog ng araw na gustong gusto mong gawin.*sob* Je..Nakakabaliw na dito. "

Sa Limangpung taon na iyon ay wala akong ginawa kundi ang dalawin siya at kausapin kahit alam ko na hindi siya sasagot.Anong magagawa ko ? Mahal ko siya, mahal na mahal eh.

" Je,inaantay parin kita.Wag kang mag alala dahil gagawin kung lahat para mawala sa mundong ito ang taong gumawa sayo nito.Sa taong nagtangkang patayin ako at ikaw " Tumayo na ako sa pagkakaupo ko.Binalingan ko muli ng tingin ang kanyang lapida.Isang malamig na lapida,hindi ko aakalain na pupunta ako sa lugar na ganito *sigh* Hindi ko matanggap na wala ka na,may pangako ka naman eh diba Je ? Babalik ka diba ? *sigh*

" Angela Aquiza " Bulong ko. *sigh * Tumingala ako para makita ang paglubog ng araw,kung nandito ka pa sana mas masaya ang ganitong senaryo pero hindi..Bumuntong hininga nalang ako ng malalim para pakawalan ang emosyong nagbabadyang lumabas.

" Oras na Je para umalis na ako. "

Nilisan ko na ang lugar ni Je,saka tinungo ang kwarto ko.Ngayong gabi ay lalabas na ng lungga ang mga Ipswich.Tuwing ikalambingpito ng buwan tumutungo ako sa dati naming pinupuntahan ni Je.

Je sorry kung pumapatay ulit ako.Gagawin ko ito dahil ito ang dapat.

Wala akong ginawa kundi hanapin ang mga TRAYDOR na mga VAMPIRE ..Para makaganti,para sa iyo Mahal ko.

Pinatay ko sila , inubos ko ang lahi nila .. ngunit hindi pala sila iyong totoong mga Ipswich Colony.

Nagtatago pa rin sila hanggang ngayon pero hindi rin iyon magtatagal,hahagilapin lahat ng lugar na pwde nilang puntahan.Maghihiganti ako para sayo.

------------- ipagpapatuloy ko to sa susunod ^_________^

[A/N : Before you read this,plas read the One-shot of the first part of this story.

Thanks For Reading This. ]

Nhiieo23♥♥

#2 THE ROYAL BLOOD PRINCE -- THE REINCARNATION -- ( FIRST PART COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon