THIRD PERSON POINT OF VIEW ;Sa isang palasyo sa malayong lugar mayroong naninirahan na isang uri ng mga bampira.
" Kailan pa natin masisilayan ang kambal natin !? " Galit na tono ng isang babaeng nakaputing damit at may magandang kutis at hugis ng katawan.
" Sa tamang panahon mahal .. " Maikling litanya ng lalaking matipuno at puno ng authoridad kung magsalita.
" kailan pa iyong tamang panahon mahal ? Labing pitong taon na ang lumipas .. Gusto ko na silang mahagkan " Malungkot na saad ng babae.Naputol ang usapan nila sa pagdating ng isang kawal at isang pyrat.
Ang pyrat ay ang taong nakakaalam ng mga mangyayare sa future.
" Anong balita ? " Tanong ng lalaking matipuno sa kararating na bisita.
" Napagalaman namin na ang ibang ipswich ay nagsisimula ng kumilos " Balita niya sa lalaking matipuno.Yumuko ang kawal bilang paggalang.
Nawala ang tensyon ng babae at lalaki kanina,sumilay ang isang nakakatakot na ngiti ng babae.
" Kung ganoon,nalalapit na rin pala ang panahon na sinasabi ng aking mahal. " Sabi ng babae.Ang kulay ng mga mata nila ay Lila ,karaniwang nagbabago ang mata nila kapag sumapit na sa takdang edad,habang wala pa sa takdang edad ay mananatiling itim ang kulay nito at wala siyang katangiang bampira pagka 18 na nadedevelop ang kanilang kapangyarihan at anyo bilang bampira.
" Oo mahal,malapit na.Carl anong sabi ng bathala ? " Tanong ng lalaki sa pyrat na nagngangalang Carl.Nagilaw ang pares ng mata ng pyra,naging puti ito lahat.
" Uulan,Babagyo,Aaraw,Iinit,Lalamig.
Nalalapit ang katapusan sa pagdating ng pulang buwan.Tutulo ang dugo babagsak ang langit.Matatapos sa dulo lahat mawawala.Titibok ang araw mawawalan ng ilaw ang buwan.Sasapit ang araw may magbabalik. " Mahabang litanya ng pyrat.Napako ang isip ng babae sa dulong mensahe." Sasapit ang araw may magbabalik ? Ang kambal ! " Masayang sabi ng babae.
" Ang buwan na siyang nagsisilbi ng ilaw sa gabi,ang araw na siyang nagliliwanag sa araw.Simbolo na darating ang kambal sa oras ng digmaan " Mahabang paliwanag ng babae.Hindi pa rin nagsasalita ang lalaki,ang pyrat ay ganoon pa rin umiilaw ang mata.
" Babagsak ang buwan,Bubuhos ang ulan.Aagos sa bukal,mawawalan ng buhay lahat sa araw.Digmaan ng puso at utak maglalaho " Hula ulit ni Pyrat.Alam ng lalaki na hindi ang kambal nila ang itinutukoy dahil mayroon pang isang kambal na hindi alam ng kanyang asawa.
" Kawal ..Maari ka ng lumabas " Yumukod muli ang kawal bago lumabas ng kwarto.
" Mahal ,excited na ako sa nalalapit naming pagkikita ni Moonry at Sunnry.Ipahahanda ko na ang kwarto nila,mauna na ako mahal " Excited na litanya ng babae.Bago siya umalis ay binigyan niya muna ang isang c ang lalaki.Ngumiti lamang ang lalake sa kanya,nang makalabas ang babae sinimulan ulit ng pyrat ang hula.
" Ang bukal ng pagibig,ang pag agos ng pulang dahon.Hudyat ng kaangkinan sa dulo at gitna matatapos ang pagibig.Puno ng lahat babagsak kasama ang ugat.Mauubos sa pagdating ng bituin sa kalangitan.
Titigil ang hangin sa pagdating ng dalawang planeta na maghihilom ng sugat at lilikoming muli ang lupa. " Huling hula ng pyrat.Nawala na ang puting ilaw sa mata ng pyrat." Iyan lamang ang sabi ni bathala " Ani ni carl.Talagang napaka makapangyarihan ng bathala dahil alam nito ang tiyak na mangyayare.
" Kung ganoon kailangang maihanda na ang kambal .." Saad nung lalaki.Tumango lang ang pyrat bilang pagsang ayon sa ideya ng hari.
" Sa lalong madaling panahon ay kailangan ko ng makita ang Kambal..Carl ipagutos sa mga Ordon na simulan ng hanapin ang Kambal ko " Utos ng lalaki.
" Kamahalan,nalalapit na ang araw ng pagbabalik nila.Ang tinakdang araw ay parating na.. '' Pagpapaalala ni Carl sa hari.
" Ako ng bahala roon..Ang mabuti pa ay mas igihin ang pagsanay sa mga kawal.Carl maasahan ba kitang maging sa tapat akin ? " Tanong ng hari.
" Oo naman kamahalan.. " Ani ni Carl.
" Gusto kung bawat pagbabago ng hula ay sabihin mo sa akin.Kailangang mabago ang magaganap " Saad nung hari.Alam niyang mauubos ang lahi nila,mapayapa silang namumuhay pero sadyang ginugulo sila ng mga Royal blood.
" Masusunod .. " Yumuko ang pyrat saka lumabas ng silid.
Nangangamba ang hari sa maaaring gawin ng mga Utaka,kaya ngayon pa lang kailangang makausap at masanay na ang kambal niya.
------
Sino kaya ang kambal na tinutukoy nila ??
Sino ang Utaka ??
Abangan ...Nhiieo23♥♥
BINABASA MO ANG
#2 THE ROYAL BLOOD PRINCE -- THE REINCARNATION -- ( FIRST PART COMPLETED )
VampireHindi mo man gustuhin ang mga bagay na nangyayare sa iyo ngayon pero ito na eh.. Nangyayare na lahat. Si Krixx ay isang Ordinaryong babae lamang,bigla nalang ito ng nagbago ng mangyare ang hindi niya inaasahan.Lumayas siya sa kanila at natagpuan ang...