*2*

10.7K 175 12
                                    

*2*

SAAN PUPUNTA?

Kanina pa ako namimili dito nang maayos-ayos na damit na pwede kong dalhin sa out of town na lakad ko with no less then the star, Von Lee. Halos ibaligtad ko na ang lalagyan ko ng mga damit para lang makahanap ng medyo bago pa na pwede kong suotin sa one week na trip na iyon. Nanglambot ako na sumalampak sa aming papag ni Angela dahil puro halos kupas na ang mga damit ko.

"Aghhh!!" Pigil na tili ko. Paano na ito? Puro luma na pala ang mga damit ko dito? Kasi naman, wala naman akong ganoon kadaming pera para aksayahin lang sa pagbili ng mga damit na pangporma. Ngayon tuloy ay parang gusto kong magsisi. Kahit man lang sana isang bagong t-shirt, short, o pantalon kada sweldo ko sa fast foodchain sana ay bumili ako.

"Ate, ano bang problema mo at tumili ka? Saka ano ba iyang kalat na iyan?" Nakakunot ang noo na tanong ng kapatid kong si Kyle sa akin habang iginagala ang mata sa loob ng aming kwarto ni Angela.

Sinulyapan ko siya sandali at inilagapak na muli ang aking paningin sa sahig, Naiinis ako sa sarili ko. Alam kong hindi tama. Pero naiinis ako na hindi ko man lang napansin na hindi ko na pala naiintindi ang pagpupundar ng mga personal kong gamit. Ang maliit na sweldo ko kasi ay panggastos ko sa school. Kung may sobra naman ay ibinibigay ko sa mga kapatid ko para may extra silang pera.

"Anong gagawin ko, Kyle? Wala akong matinong damit na susuotin sa napalunan kong bakasyon?" Laglag ang balikat na tanong ko. Hindi man lang ako nag-angat ng tingin ko sa kapatid ko kasi baka mapaiyak na lang ako sa awa ko sa sarili ko. Ayoko ng ganito ako.

Pumasok na ng tuluyan ang kapatid ko sa maliit kong kwarto. Umupo siya sa papag namin ni Angela at medyo sinilip-silip ang mga damit kong nakasabog sa ibabaw ng papag. "Wala nga, Ate. Kung hindi kupas ay butas. Ano ba ito?" Seryosong sabi ng dose anyos kong kapatid na bunsong lalaki.

Nilingon ko siya at agad hinablot ang hawak niya sa kanyang kamay. Pulang-pula ang mukha ko sa pagkapahiya nang nakita ko ang sinusuri niya. "Akin na nga iyang panty ko!" Inis na sabi ko. Isiniksik ko agad sa ilalim ng aking unan ang aking pulang panty na parang bacon na ang garter. Nakakahiya!

Napailing na lang ang kapatid ko na akala mo ay matanda na kung kumilos. Umurong siya palapit sa akin at hinaplos ang buhok ko. Ngayong hinahaplos ng kanyang palad na mas maliit sa akin ang aking buhok, pakiramdam ko ay malalaglag na talaga ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Teka lang, Ate." Sabi niya sa akin at agad na lumabas ng kwarto kong kurtina lang ang nagsisilbing pintuan. Ang estilo namin dito sa bahay, kapag nakatali ang kurtina, ibig sabihin pwede kang pumasok. Kapag nakaladlad, ibig sabihin ay mayroong nagbibihis sa loob.

Walang ilang minuto ay bumalik ang kapatid ko na dala ang kanyang alkansya. "Anong gagawin mo diyan?" Kunot ang noong tanong ko sa kanya.

Iniabot niya sa akin ang pagkabigat-bigat niyang alkansya. "Basagin na natin, Ate. Mga inipon ko iyan sa mga tira sa baon na bigay ninyo sa akin. Ibili mo nang underwear kahit man lang sa palengke." Nakangiting sabi niya.

As a cue, tumulo ang luha ko. Grabe ang kapatid ko! Napakabata pa niya at hindi ko inakala na maiisip niya ang ganitong bagay. Hindi biro para sa isang elementary student na tulad niya ang makaisip ng ganitong solusyon. Kadalasan sa mga batang ka-edad niya, ang iisipin ay ibibili nila ng gamit nila o pagkain nilang pangsarili ang naipon nila.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon