*3*

9.9K 174 10
                                    

A/N:

Salamat po sa mga sumusuporta sa kwentong ito. Paki read din po ang MY ALIEN BOYFRIEND. Iyan po ang aking major story sa ngayon. Maraming salamat po sa walang humpay na suporta. Promise po na sa bakasyon ay magpapaulan ako ng updates :)

VOTE & COMMENT po!

__________________________________

*3*

SUKAT

"Ano bang ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko.

Naandito kasi kami ngayon sa Glorietta at hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala. Mga benteng hakbang naman mula sa amin ang kanyang mga bodyguards na nakahanda kung sakaling may makakakilala sa kanya. Naka-hoody jacket siya at nakasalamin. Sana nga ay maging effective ang disguise niyang iyan. Hindi ko alam kung saan magtatago kung sakaling magkagulo eh.

"Huwag nang madaming tanong, ok?" Sagot niyang parang naiirita. Ano bang problema nang isang ito?

Kaya hindi na ako nagsalita at sumunod na lang sa lakad niya. Palinga-linga pa ako. Ganito na pala kalawak ang Glorietta ngayon? Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakapunta dito. Siguro ay taon na rin ang nakakaraan. Wala naman kasi akong bibilihin dito kaya hindi ako napunta.

"Hey! Parang ngayon ka lang nakarating dito?" Pang-aasar pa niya sa akin.

Ngumuso naman ako sa kanya. "Tse! Nakapunta na kaya ako dito! Pero hindi nga lang madalas." Sagot ko sabay irap sa kanya. Nakakainis kasi ang kayabangan niya.

Hindi niya pinansin ang pagkairita ko sa kanya. "Ows? Talaga? Gaano ka hindi madalas ang sinasabi mo? Sige nga. Kailan ka huling nagpunta dito?" Tanong pa niya at ang tono ay pang-iinis pa din.

Napapikit ako sa kanya. Nalimutan ko na ata na gustong-gusto ko ang artistang ito. Parang gusto ko nang magbago ng paboritong singer. Ayoko na kay Von Lee dahil sa hangin niya sa katawan.

"Kailan?" Ulit pa niya sa tanong niya.

"Last year, ok?" Naiiritang sagot ko.

Humalakhak ang bida ninyo. Sarap walkout-tan. Ano bang masama kung hindi ako palaging namamasyal dito? Eh sa hindi naman ako mahilig mag-mall kasi mahirap naman kami eh. Kaya nagiwas na lang ako ng tingin at napatungo. Ngayon ay ramdam na ramdam ko ang malaking pagkakaiba namin. Siya ay mayaman at ako ay mahirap. Ang layo nang agwat talaga!

Pero nagulat ako nang hilahin niya ako sa laylayan ng aking damit.  Nakakainis naman. Sana ay sa kamay na lang niya ako hawakan. Mukha bang may germs ang aking kamay kaya ayaw niya man lamang madampian ng kanyang mga palad? Nakakadismaya.

"B-Bakit ka ba nanghihila?" Nabubulol na tanong ko. Paghila niya kasi sa laylayan ng shirt ko ay medyo napapataas ng konti dahil naiiwan ako nang mabilis niyang mga hakbang. Ang tangkad niya naman kasi. Isang hakbang niya ay dalawa na ata ang katumbas sa akin. Ang hahaba ba naman ng biyas eh.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon