A/N:
Guys, sorry kasi dumating ang kapatid ko. Sobrang busy kasi laging nagpapasama sa akin. Sorry po kung late tuloy ang mga uploads ko.
VOTE & COMMENT po tayo.
_______________________________
*12*
FEELING
Ilang na ilang ako dahil sa ginawa ni Von. Ni hindi ako makatingin sa kanya nang maayos. Kaya mas minabuti ko pang ipikit ang aking mata habang nilalagyan niya ako ng yelo. Ngayon ko nararamdaman na mas sumasakit ang may ilong ko.
"Ok lang ba si Miss Lianne, Sir Von? Dalhin kaya natin siya sa hospital or somewhere?" Naririnig kong boses noong anchor woman kay Von.
Tumikhim si Von habang nilalagyan ng yelo ang may ilong ko. "Lianne, gusto mo bang pumunta tayo sa hospital? Baka mamaya kasi ay may internal bleeding na iyan." Malamig na sabi sa akin ni Von.
Wala akong choice kung hindi sagutin siya. Kabastusan naman kung hindi ko siya papansinin eh tinatanong ako. Kaya napilitan akong idilat ang mga mata ko. Nakita ko ang mga mata niyang walang emosyon na nakatitig sa akin.
Bakit nagkaganun? Kanina lang ay punong-puno na siya ng iba't-ibang emosyon. Nandoon ang concern, galit, saya, at pang-aasar sa kanyang mukha. Bakit ngayon ay balik siya sa pagiging emotionless? Pagkatapos niya akong halik-halikan kanina? Tss..
"H-Huwag na. W-Wala lang ito." Nabubulol na sagot ko.
Dmn! Nauutal ako kasi naiisip ko iyong paghalik niya sa akin kanina. Ramdam ko tuloy na nag-iinit ang pisngi ko. Bakit ba naman kasi kailangan niya akong halikan ng ganoon?
"Mukhang kailangan mo talagang macheck-up, Miss Lianne. Pulang-pula ka eh." Puna sa akin ni Kuya Kit.
Great! Just great! Lalo tuloy naginit ang aking mga pisngi dahil sa pagpuna niya. Bakit ba kasi iniisip nila na may masama akong nararamdaman kaya ako namumula? Hindi ba pwedeng dahil lang sa nahihiya ako kaya ako nagba-blush?
"Hindi na." Sabi ko sabay iling. Medyo umiilag ako ng konti dahil masakit na ang sobrang lamig ng yelo sa ilong ko.
Lumapit sa akin si Ate Kat at hinaplos ang buhok ko. "Miss Lianne, sorry talaga ha?" Bakas ko naman ang sinseridad sa tono niya.
Sasagot na sana ako, pero naunahan ako ni Von. "Lumayo ka muna, Kat." Walang emosyon pa ding sabi niya.
Kitang-kita ko nang napalunok si Ate Kat. Akmang tatayo na siya nang hawakan ko ang kamay niya. "Aksidente iyon kaya walang dapat sisihin." May diing sabi ko habang bumabaling kay Von. "Wala kang kasalanan, Ate. Alam kong hindi mo sinasadya iyon." Dagdag ko pa.
Natigilan si Von sa paglalagay ng yelo sa akin. Bumuga siya ng hangin at padabog na ibinagsak sa palad ni Ate Kat ang yelo. "Ikaw ang maglagay niyan." Pantay-pantay ang tonong sabi niya pa.
Ano bang problema niya? Gusto niya ba akong magalit kay Ate Kat kahit hindi naman sinasadya ng tao ang nangyari sa akin? Isa pa, kasalanan ko din naman at napag-usapan na namin ito kanina. Bakit ba ganyan siya maka-react? Ako naman ang nasaktan at hindi siya.
BINABASA MO ANG
A Week With The Star
RomanceAnu-ano nga ba ang gagawin mo para ang isang linggo na kasama ang pinakasikat na artista ay maging memorable para sa iyo at para sa kanya? Paano mo pagkakasyahin ang isang linggo para ang pangalan mo ay magmarka sa puso at isipan ng isang artista...