*17*

7.5K 174 35
                                    

*17*

YATE

Halos madapa ako kakahanap kay Trevor. Una kong pinuntahan ang workplace niya. Ang sabi sa akin doon ay nasa labas daw. Kaya inisa-isa ko ang mga kainan sa tabing dagat. Baka naman nagsusuper late lunch lang siya.

"Kasalanan mo kasi ito eh!" Inis na sisi ko sa sarili ko habang patuloy ang paghahanap.

Hindi ko naman sinisisi ang sarili ko na pinili ko si Von na asikasuhin over Trevor na kausap kong sabay kaming kakain. Ang ikinaiinis ko ay ang pangangako ko sa kanya na kakain kami ng sabay. Bakit ba naman kasi naisipan ko pang sabihin iyon? Eh kasi naman ng mga oras na iyon ay iyon ang naisip ko para makabawi sa kanya. Hindi kasi ako sanay na nangaargabyado ng tao at nagpapaasa. Kaya nga gulity ako masyado ngayon eh.

Napatingin ako sa relo kong galing palengke. Iyon bang isang daan ang isa? Ok na rin ito kesa sa wala. Limang minuto na ang nakakaraan at hindi ko pa siya nakikita. Patay bata ka! Paano na ito? 5 minutes to go?

Hinubad ko na ang tsinelas ko para mas makatakbo ako ng mabilis dito sa buhanginan. Nasaan na ba kasi si Trevor? Huhu! Nahihirapan din kasi akong kumilos dahil dito sa buset na shorts ni Von na hanggang 3 inches below my knees ang haba. Hay naku!

Wala siya sa mga kainan kaya naisipan kong sa pangpang naman maghanap. Panay ang lingon ko para hanapin sila habang lakad-takbo ako. Bakit naman kasi pumayag ako sa 10 minutes na taning ni Von eh.

"Lianne!" Tawag sa akin ni Von. Kung kailan naman iba ang hinahanap ko, saka ko naman siya madaling makita.

Kinawayan niya ako kaya lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa buhanginan sa harap ng isang malaking bangka. Napasulyap ako sa taas at nakita kong nagkukwentuhan sa taas ng giant bangka sina Ate Kat.

"Bakit?" Hingal kabayo kong tanong sa kanya. Pagod na pagod na kaya ako? Ang hirap kasing maghanap sa buong resort. Napakalaki!

Ngumisi siya sa akin. "Halika na. Alis na tayo. Sasakay tayo sa yate at mamasyal." Yaya niya sa akin habang tumatayo at pinapagpag ang buhangin sa puwetan ng kanyang shorts.

Ah! Yate pala ang tawag dito sa malaking boat sa harap ko? Ito pala iyong tinatawag nilang yacht? Ngayon lang kasi ako nakakita nito sa personal.

Tumingin ako sa relo ko. "Kung hindi mo ako tinawag, dapat ay may limang minuto pa ako para hanapin si Trevor. Sampung minuto ang sabi mo kanina, hindi ba?" Napapagod na tanong ko.

Unti-unti siyang sumimangot. "Huwag mo na kasing hanapin. Eh ano naman kung magtampo siya sa hindi mo pagsipot?" Tanong niya habang nakahalukipkip.

Napailing ako sa sinasabi ni Von. Hindi ako sang-ayon sa ganoon. "Kung ikaw ba ang hindi ko sisiputin ng walang paliwanag magugustuhan mo ba?" Tanong ko sa kanya.

Para siyang natalo na napabuga ng hangin. "Hindi mo naman gagawin sa akin iyon, hindi ba?" Parang bata na balik tanong din niya.

Napangiti ako. "Oo naman. Pero kung halimbawa nga lang na sa atin mangyari ang pagkakansela ng ating usapan. Tapos hindi ako magpapaliwanag kung bakit. Magugustuhan mo ba?" Pilit ko pang pagpapaunawa sa kanya.

"Umalis na kasi tayo." Parang batang nagpapadyak si Von. Si Von ba talaga ang nasa harap ko? Totoo pala ang kasabihang ang bawat isa sa atin ay may pusong bata. Tama ba ang translation ko sa, each one of us have a child within? Ahaha!

"Sandali na lang." Sabi ko sabay tingin sa relo ko. "Last 5 minutes ah. Hindi counted itong tinawag mo ako." Nakangiti pang dagdag ko.

"Oo na!" Singhal niya at tinalikuran na ako papunta sa kung saan.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon