*1*
THE CONTEST
Third year college na ako sa kursong B.S. Management. Doon kami nag-aaral ng kaibigan kong si Cathy sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Magkaklase din kaming dalawa kaya naging magbestfriends kami.
Parehas kami ni Cathy na galing sa hindi gaanong kakilalang pamilya. Hindi naman kasi kami mayaman. Kami iyong tipong isang kahig, isang tuka na uri ng pamilya. Pero kahit ganoon ay masaya naman kami.
Meroon akong mga kapatid. Si Jerico, 17 years old na nag-aaral naman ng B.S Computer Science; Angela, 15 years old na 2nd year highschool; at si Kyle, 12 years old na grade 6. Ang dalawa kong kapatid ay sa public school lang nag-aaral. Hindi nga kasi kami kayang pag-aralin ng sabay-sabay.
Ang aking ama na si Dan ay isang nakiki-boundary na jeepney driver. Ang aking ina na si Lisa ay isang tindera sa palengke. Hindi naman kami nagugutuman, pero sapat lang para sa pang-araw-araw na gastos ang aming pera. Kaya ako nag-working student sa isang foodchain para ako na ang bumibili ng aking mga projects sa school. Kasama ko din si Cathy sa trabaho.
"LJ, sumali ka diyan sa pacontest! Sige na!" Kulit sa akin ni Cathy. Naandito kasi kami ni Bez sa fans day ng sikat na banda na Colours kung saan kasama si Von Lee. Finals namin kanina at sembreak na namin bukas.
Kahit na mahigpit ang budget ko, sinisiguro ko pang mas hinihigpitan ko para maka-attend kami sa mga shows ni Von na libre lang naman ang entrance. Hindi namin iniinda ni Cathy kahit na alas-kuwatro pa lang ay nakapila na kami para sa alas-otso ng umaga na show nila.
"Kaya ko ba, Cathy?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Sandali akong natigilan. May pacontest kasi na kailangan daw sabayan ng isang contestant ang kanta ng banda nila. Kung sino ang may pinakamadaming palakpak at magaling ay mananalo ng one week stay sa El Nido, Palawan. All expense paid pa!
"SINO PA ANG GUSTONG SUMALI??" Masiglang sigaw ng host sa mic.
Ang dami nang babae ang sinubukang kumanta. Iyong iba, kapag sintunado ay pinababa na agad. Very accomodating naman sina Von dahil nakangiti lang silang nanunuod sa gilid ng stage. Kanina ay may isang kumanta na halos kumalahati rin ang kanta. Maganda kasi ang boses niya. Kaya sinabayan na siya ni Von.
"LJ, ano na? Dali na? Isa na lang oh.." Sabi niya sabay turo niya sa stage. Nasa may gitna kasi kami nakatayo ni Cathy dito sa UP Theater.
"ANO? WALA NA BA??" Masiglang dagdag pa ng host.
Napikit ako ng mariin. Kaya ko ba? Kinakabahan ako kasi. Andito pa nga lang ako malayo kay Von ay ang lakas na ng kabog ng puso ko. Paano pa kung makaharap ko siya?
Tinitigan ko si Von mula dito sa malayo. Napaka-gwapo talaga ng lalaking ito! Naka-3/4s blue & white shirt siya (na madalas kong nakikitang porma nila ng bestfriend niyang modelong si Franz Roff), faded jeans, cap, with matching Vans lang. Pero I must say, makalaglag panty talaga! Lalo na kapag ngumingiti siya. At napapatigil ang aking paghinga kapag tinatanggal niya sandali ang cup niya para hawiin ang bangs niyang medyo mahaba.
BINABASA MO ANG
A Week With The Star
RomanceAnu-ano nga ba ang gagawin mo para ang isang linggo na kasama ang pinakasikat na artista ay maging memorable para sa iyo at para sa kanya? Paano mo pagkakasyahin ang isang linggo para ang pangalan mo ay magmarka sa puso at isipan ng isang artista...