*9*
DAY 2
Kanina pa ako hindi pinapansin ni Von dito. Nagscuba diving na kami kanina at deadma pa rin siya sa akin. Galit siya dahil nahuli niya ako kagabing nagbabar at tumakas sa kanya. Bakit ba kasi niya ako gustong magkulong kagabi? Wala namang masamang nangyari sa akin nang lumabas akong mag-isa.
Kaya kahit ang gaganda ng living things sa ilalim ng water kanina ay hindi ko tuloy na-appreciate. Kasi naman alam kong galit siya. Hindi niya ako kinikibo. Hindi niya ako kinakausap kahit konti.
Pero dahil ako si LIanne Jaira Dimagiba, gagawin ko ang lahat para mapansin ako ni Von. Anim na araw na lang ay uuwi na kami. Kailangan ko nang maiproseso ang magkaroon siya ng interest sa akin.
"Von, mag wall climbing tayo." Yaya ko sa kanya. Nakaupo kami dito sa mga upuan na may payong sa tabi ng dagat. Ang sarap ng feeling. Pakiramdam ko ay turistang-turista ako eh.
Hindi siya sumagot at nag-iwas ng tingin. Pinanuod na lang niya sina Ate Kat na nagawa ng sand castle kasama ang iba pa.
"Von, sige na." Sabi ko at tumayo na para hilahin siyang sumama sa akin.
Pero ang dakilang suplado ay talagang deadma sa mga papansin ko. "Lianne, will you please stop it? Pumunta ka sa gusto mong puntahan kung gusto mo. Wala akong pakialam sa iyo. Tutal ay kaya mo naman ang sarili mo, hindi ba?" Naiiritang sabi niya at binawi ang kamay niya sa akin.
Ngumuso ako at tumungo. "Sorry na nga kagabi eh. Kanina pa ako nagsosorry sa iyo. Gusto ko lang naman na magenjoy tayo ngayon at kalimutan na natin iyong kagabi. Sorry na kasi." Kung malungkot ako ay mas nilungkutan ko pa ang tono ko. Itinodo ko na para maawa sa akin at pansinin na ako.
Bumuga siya ng hangin. "Sige na. Ikaw na lang. Susunod na lang ako mamaya." Malamig pa ring sabi niya.
Nawalan na ako ng pag-asa. Ganyan pala si Von kapag nagalit? Ang hirap aluhin ha?! "Sige. Ako na lang." Malungkot na sabi ko at nagsimula nang tumalikod at maglakad papunta doon sa part na may climbing.
Umaasa akong hahabulin niya ako at pipigilan na pumunta doon ng nag-iisa pero deadma ako. Kaya malungkot na naglakad na lamang akong mag-isa. Ramdam kong nakatingin siya sa likod ko kaya inartehan ko ang lakad ko. Ginaya ko iyong tsunami walk ni Shamcey.
Nakarating na ako sa pag-aakyatan ko ay wala pa ring Von na sumunod sa akin. Ang masama pa ay sumakit ang balakang ko. Ang hirap kayang iindayog ng bewang? Buti pa si Miss Supsup at kaya iyon.
Inabutan ako ng mga cable noong mag-aassist sa mga aakyat. Tinulungan nila akong ikabit ang harness sa aking bewang. Habang ginagawa nila iyon ay tumingin akong muli sa direction ng kinauupuan ni Von kanina.
Nagtayuan ang mga balahibo ko nang magtama ang paningin namin. Kahit medyo malayo ako ay nagkaroon pa rin kami ng eye contact. Nagkagulo na naman tuloy ang mga paru-paro sa tiyan ko. Kinawayan ko siyang lumapit sa akin pero umiling siya. Ayaw niya talaga akong makasama. Gusto ko na tuloy maiyak kaya nagbawi na ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
A Week With The Star
RomanceAnu-ano nga ba ang gagawin mo para ang isang linggo na kasama ang pinakasikat na artista ay maging memorable para sa iyo at para sa kanya? Paano mo pagkakasyahin ang isang linggo para ang pangalan mo ay magmarka sa puso at isipan ng isang artista...