*18*
KILIG OVERLOAD
"Von, nakakahiya." Halos pabulong kong sabi habang nakapikit ng mariin at dinadama ang halik niya sa batok ko.
Tumigil naman agad siya. "I-I'm sorry!" Nabubulol niyang sabi at agad gumulong sa tabi ko at bumangon. "Stand-up!" Sabi niya sabay offer sa akin ng kamay niya para makatayo ako.
Tinanggap ko na din ang iniaalok niyang tulong. Pakiramdam ko kasi ay namamanhid ang talampakan ko. Hindi ko nga alam kung nakasayad pa ito. Nang makatayo ako, pakiramdam ko ay nakalutang ako. Para akong nasa alapaap. Totoo pala ang ganitong pakiramdam? Akala ko sa mga pocket books lang nangyayari ang ganito.
Pati tuhod ko ay ayaw magfunction. Kahit nakatayo na ako ay hindi ko pa din magawang bumitaw sa kamay ni Von dahil pakiramdam ko ay susubsob akong muli. Parang jelly ace kasi itong nanglalambot.
"Ok ka lang? I'm sorry, Lianne. It's all my fault. Hindi ko dapat ginawang halikan ka. Nadala lang ako. Sorry!" Seryosong hingi ng paumanhin ni Von habang nakatulala lang ako sa kanyang mga mata.
Gustong-gusto kong sabihin kay Von na hindi niya dapat talaga iyon ginawa. Anak ng kabayo! Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang labi niya sa batok ko! Gusto kong tumili sa kilig, sigawan siya sa panghahalay niya sa batok ko, at kausapin siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero anak ng putspa lang! Hindi ko matagpuan ang boses ko! Pati kaluluwa ko ay iniwan na ata ako!
Tulad ng inaasahan ko, muntik na akong masubsob ng bitawan ako ni Von sa kamay. Hindi ko pa rin kasi makuha ang balanse ko! Mabuti na lamang at hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Pero nag-iba lang lalo ang timpla ng katawan ko.
Parang may mainit na kuryente ang gumapang sa buo kong katawan ng pataas-baba akong haplusin ni Von. Sobrang lapit pa niya sa akin sa pwesto namin. Medyo nakatungo pa siya sa akin habang buong concern na tinititigan ako. Nakatingala naman ako sa kanya. Nakatitig sa kanyang mata na ngayon ko lang napansin na light brown pala!
"Lianne, please talk to me. Say something. Tinatakot mo na ako." Kinakabahang sabi niya habang palitang tinitingnan ang aking mga mata.
Bakas ko sa mukha niya na nag-aalala na talaga siya. Pero kasi hindi ako makapagsalita. Para bang nasa ibang dimension kami na kaming dalawa lamang. At hanggang ngayon, hindi ko mapaniwalaan na si Von Lee, sikat na artista, hinahangaan ng lahat, at dati ay hirap akong abutin, ang kasama ko ngayon.
Inalog ako ni Von para ata matauhan. "Oh gad! Lianne! Say something! Murahin mo ako if you like. Just say something!" Nagpapanic na sabi na niya.
Hindi pa ata nagpa-function ng ayos ang I.Q. ko kaya ang nasabi ko ay, "Say something?" Tulala sa kanya ng bigkasin ko iyan.
Unti-unting umangat ang gilid ng mga labi ni Von at napangiti. Niyakap niya ako ng mahigpit. "The best ka talaga, Lianne! You never fail to amused me!" Bulong niya sa tenga ko.
Iiwan na ata talaga ako ng kaluluwa ko! Ang yakap ni Von...wahhh! Hihimatayin ako! Hindi na nga ako makahinga ng ayos. Sana naman ay hindi ako panawan ng ulirat dito. Huwag ngayon. Nag-eenjoy pa ako eh!
BINABASA MO ANG
A Week With The Star
RomanceAnu-ano nga ba ang gagawin mo para ang isang linggo na kasama ang pinakasikat na artista ay maging memorable para sa iyo at para sa kanya? Paano mo pagkakasyahin ang isang linggo para ang pangalan mo ay magmarka sa puso at isipan ng isang artista...