*23*
CONTINUATION OF DAY 6
Nasa ganoong posisyon kami nang makita kami nina Janelle at Cathy. Medyo dumistansiya sa akin si Von. Habang si Cathy ay tulala lang sa gilid. Si Janelle ay may mapaglarong ngiti naman sa kanyang mga labi.
Nag-init ang pisngi ko. Ni hindi ko kayang tumingin ng diretso sa dalawa. Habang si Von naman ay nakapamulsa lang at parang cool na cool na nakaharap sa kanila. Paano niya nagagawang cool pagkatapos kaming makita ng ibang tao sa isang nakakahiyang sitwasyon?
"LJ, anong ibig sabihin nito?" Anya ni Cathy na siyang una atang nakabawi sa eksena.
Hindi ko alam kung paano sisimulan. Si Janelle ang hindi mapigilang sumagot. "Kung anong nakikita natin, Cathy. Iyon na yun." Nakangiting sabi niya pero sa akin nakatingin.
"Anong meroon sa inyo?" Tanong pa rin ni Cathy. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ng expression ng mukha niya.
"Ano bang dapat meroon? We're just friends..." Sagot ni Von.
Hanudaw? Friends?? Wow!
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Oo, friends kami. Salamat doon. Pero anong ibig sabihin ng halik na pinagsaluhan namin? Wala lang ba iyon sa kanya? Oh great!
Hindi ako maisip kung nagiging Maria Clara lang ako. Pero ganito na ba ang magkaibigan ngayon? Ok lang ba ang passionate kisses sa gitna ng magkakaibigan? Kelan pa?
"Cathy." Muling paalala ni Cathy ng pangalan niya.
"Yeah. Cathy! Magkaibigan kami dahil dapat ay isang linggo kaming magkasama ni Lianne sa El Nido. Unfortunately, ang 6th day ay dito na sa sementeryo." Biglang makikita ang lungkot sa kanyang mga mata.
Binigyan pa rin ako ng nagtatanong na titig ni Cathy. Parang inaantay niyang ako ang magsalita. Anong isasagot ko sa kanya? Ang sabi ni Von ay magkaibigan kami. Kahit na dama ko na beyond that, may something pa sa aming dalawa. This is crazy!
"Kaya ba ang sabi mo, close kayo? Ganito ba ka-close, LJ?" Ungkat pa ni Cathy.
"Ah.. Eh.. Oo!" Tanging nasabi ko.
Nakita kong napailing si Janelle. Anong gusto niyang sabihin ko? Eh kahit ako, iyon ang tangi kong pwedeng sabihin tungkol sa kung anong meroon kami. Wala naman kaming napag-usapan eh.
Matalim ang titig ni Bez sa akin. Halatang disappointed siya. Napaingit na lang ako ng bigla niya akong marahas na hilahin sa siko. "Umuwi na tayo, LJ! Napaabot na natin ang pakikiramay natin!" Galit na sabi niya sa akin. Oh no!
"Teka lang, Cathy, Lianne." Pigil ni Janelle sa amin.
Hinarap niya si Von. "Ano na, Von? Uuwi na daw sina Lianne?" May halong panghahamon ang tono niya.
Nakatingin lang sa mukha ko ang malulungkot na mata ni Von. Gusto ko siyang yakapin muli. Pero paano ko gagawin iyon? Hindi bale sana kung siya ang yayakap sa akin. Kasi nga ay magkaibigan lang kami ayon sa kanya. Baka isipin niyang may malisya sa akin kung yayakapin siya. Pero ang halik ba niya ay walang malisya?
"LJ, let's go! Umuwi na tayo." Hinila na ako ni Cathy palayo. Parang robot namang napasunod ako.
Nakakailang hakbang palang kami ng magsalita si Von. "Cathy, pahahatid kita kay Janelle. Lianne, please stay....with me?" Punong-puno ng emosyong sabi niya.
Nauna pang lumingon ang nanglalaki ang matang si Cathy. Bakas ko sa mata niyang wala siyang maintindihan sa inaasal ni Von. Kahit naman ako ay ganoon din.
BINABASA MO ANG
A Week With The Star
RomansAnu-ano nga ba ang gagawin mo para ang isang linggo na kasama ang pinakasikat na artista ay maging memorable para sa iyo at para sa kanya? Paano mo pagkakasyahin ang isang linggo para ang pangalan mo ay magmarka sa puso at isipan ng isang artista...