*15*

7.1K 172 30
                                    

A/N:

Last 5 chappies. Pwede po bang humingi ng favor na mag- 35 VOTES & 20 COMMENTS naman po kayo para makapag-UPDATE ako? Please? Gusto ko lang pong itaas ang position ng AWWTS sa What's Hot. Salamat po!

_____________________________________

*15*

DAY 4

Agad akong lumapit kay Von ng makita ko ang nangyari sa kanya. Imagine, kakatanaw niya sa akin eh bumangga siya sa poste? Ano ito? Wow mali ba? "Von, napaano ka? Dapat..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. 

Hinawi niya ang kamay kong humahaplos sa noo niyang pulang-pula. "Leave me alone, Lianne!" Nanglaki ang mata ko nang singhalan niya ako. Ano bang masama sa ginawa ko? Concern lang naman ako sa kanya ah? Bakit kailangan niya akong singhalan? Ako na nga ang concern sa kanya, siya pa ang galit? Haller?!

Tumayo siya at tinalikuran ako. Agad siyang pumunta sa elevator na kasalakuyang nakasenyas na nasa 10th floor. Pinindot niya iyon ng sunod-sunod na parang bang madaling-madali. At bilang babaeng makulit, para akong asong agad na bumuntot sa kanya. Masiguro na ok lang siya.

Nilingon niya ako ng mapansin niyang nakatayo ako sa likod niya. Pigil na pigil akong mapahagalpak ng tawa ng irapan niya ako. Ang cute lang kasi. Para siyang babae. Ang alam ko ay babae lang ang dapat naniniring sa lalaki. Pero dahil nga special case si Von, siya ang umiirap sa akin ngayon.

Bumukas ang elevator. Nang makita naming walang laman ay agad siyang pumasok. Nang hindi ako gumalaw sa pwesto ko ay pinindot na niya ang elevator para sumara. Ang gwapo niya kasing tingnan kahit na tamad siyang nakapamulsa kaya nalibang akong tumitig lang sa kanya. 

Sasarado na sana iyon ng iharang ko ang mga daliri ko. Sasakay ako ng elevator eh. Kaya naipit ang kamay ko. "Aray!" Daing ko. Pero at least, bumukas muli iyon at nagmamadali akong pumasok. Tiningnan niya lang ako ng masama habang pinapagpag ko ang kamay kong napitpit. Napapangiwi pa ako sa sakit. Napailing naman siya sa nakitang pinagdadaanan ng daliri ko.

Tahimik lang kaming lumabas ng bumukas na iyon at nasa tamang floor na kami. Nakipag-unahan pa akong dumireto sa suite namin. Nasa bukana lang ako ng pinto at inaantay ko siyang makapasok. Para naman siyang walang interes na nilampasan lang ako at dumiretso sa ref.

"Masakit?" Concern na tanong ko habang pinapanuod ko siyang nilalagay ang ice cubes sa kanyang panyo para ilagay sa kanyang noong pulang-pula na ngayon.

"Hey! Masakit ba?" Pangungulit ko pang muli.

Naningkit ang mata niya sa akin. Masama bang magpakita ng concern sa isang tao para magreact siya ng ganyan? At literal na nalaglag ang aking panga ng sungitan niya ako. "Hindi kaya! Ang sarap-sarap nga eh. Siguro mamaya lang ay bukol na nga ito sa sarap!" Sarkastiko niyang sabi.

Spell sarkastic? V-O-N  L-E-E!!

Ngumiti ako ng ubod ng ganda sa kanya. Kukunin ko sana ang improvised ice bag na ginawa niya, nang iiwas niya iyon sa akin. Halos maging isang linya ang mga kilay niya. Ang pogi niya talaga kapag nagsusuplado siya! Kaya ang ginawa ko na lang ay naghalumbaba ako para panuorin siya.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon