*7*

8.9K 154 20
                                    


A/N:

Tulong na ninyo sa akin, paki basa din po ang kwento ni Zue Lorraine Roff ang MY ALIEN BOYFRIEND. VOTE & COMMENT please? Thanks po!

_______________________________

*7*

TAYONG DALAWA

Kanina pa ako dito sa kwarto. Kanina pa ako pinipilit ni Ate Kat na lumabas. Hindi na nga ako nakapag-lunch dahil sa kahihiyan. Kasi naman, kung bakit ba naman kasi lumabas ang nips ko kanina. Sa harap pa ni Von kaya nakakahiya talaga.

Paikot-ikot na ako dito sa kwarto. Hindi ko alam kung lalabas na ako or kung hindi. Nahihiya kasi talaga ako. Ayoko na nga sanang lumabas pero sayang naman ang aking day 1 kung dito ko lang aaksayahin sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. Pero hindi ko kasi alam kung paano ako haharap pa kay Von pagkatapos ng nangyari kanina.

"Lianne.." Tawag sa akin ni Von.

'Anong gagawin ko?' Natetense na tanong ko sa sarili ko. Bigla akong tumalon sa kama at nagtalukbong ng kumot. Kailangan kong magtago!

"Lianne, buksan mo ito." Muli ay tawag ni Von sa gitna ng malakas ng pagkatok.

Tumayo ako sa kama at pumasok sa loob ng dresser para magtago. Pero nang isasara ko na ang pinto ay nagbago ang isip ko. Paano kung hindi ako makahinga dito? Baka maging malamig na bangkay ako pag-uwi ng Manila.

Lumabas ako at hindi pa rin magkaintindihan kung saan susuot. Hanggang sa mapansin ko ang ilalim ng kama. Agad akong gumapang papasok doon. Dasal ako ng dasal na sana ay hindi ako makita dito.

"Lianne! Ano ba?!" Galit na sigaw niya.

Nanginginig na nagpakasuksok-suksok ako sa ilalim nitong kama. Lalo na nang marinig kong tinadyakan na ata ni Von ang pintuan ng kwarto. Halos mabunot ang aking puso mula sa aking dibdib ng biglang bumukas ang pintuan.

"Lianne, alam kong naandito ka. Nasaan ka ba? Kumain ka sa labas!" Iritadong sabi niya.

Napakagat ako ng labi sa takot na makita ako ni Von. Kitang-kita ko ang malinis niyang kuko sa paa na palapit ng palapit. Narinig ko ang langitngit ng kabinet na kanyang binuksan. Mabuti na lang pala at hindi ako doon nagtago. Diyoskopo!

Napa krus pa ako ng mas lumapit pa ang kanyang mga paa papunta sa kamang tinataguan ko. 'Huwag kang tutungo. Huwag kang tutungo. Parang awa mo na..' Piping dasal ko. Panay na ang lunok ko ng laway dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay natutuyo na ang lalamunan ko sa sobrang takot. Ayokong mahuli niya ako. Hindi ko pa kayang magpakita sa kanya. Hindi pa ako handa sa kahihiyang nangyari kanina.

Muntik na akong panawan ng ulirat ng biglang bumulaga sa aking mukha ang kanyang kagwapuhan. "Ay kabayo!" Gulat na gulat na sabi ko. 

Pakiramdam ko ay nawala ang kulay sa aking mga pisngi. 

"Lianne! Lumabas ka nga diyan!" Sabi ni Von sa akin habang inaabot ang aking kamay para lumabas ako ng ilalim ng katre.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon