Chapter 1

291 5 6
                                    

-Grace's PoV-

Pasado alas otso ko na ng gabi natapos ang project ko,kaya eto ako ngayon nagmamadali ng umuwi ng bahay,tiyak kong pagagalitan na naman ako ng mga tao sa bahay nito dahil late ako,

kasi naman pag nasa bahay ako,hindi ko magagawa ang mga dapat kong gawin sa school dahil kabilaan ang utos nila sakin,

"manong!hindi pa po ba tayo aalis?"magalang na tanong ko sa drayber ng sinasakyan kong jeep"try mong palipadin ang sasakyan nakabalandra sa harapan kong gusto mong makausad tayo!"pagtataray ni manong drayber sa akin na halatang naiinis na dahil sa tono ng pananalita,ikaw kaya hindi magalit kong mahigit isang oras na kayong naiipit dito,napansin ko ding ung mga kasama kong comuter ay nakatulog na na may kasama pang hilik.

nagugutom na kasi ako,sa sobrang pagmamadali ko kanina,nakalimutan kong magbaon ng pagkain,mabuti na lang at laging to da rescue ang baon kong candy.

Ano na namang palusot ang sasabihin ko nito ngayong malapit na ako sa bahay?natraffic?lumang palusot na yan!

oh batman alam mo na ang gagawin mo,ikaw na bahalang tumulong sa akin sa sasabihin ko,

Pagdating ko ng bahay ay napansin kong nakapatay na ang lahat ng ilaw,imposebling natulog sila ng maaga ngayon,kadalasan kasi ay alas dos ng madaling araw sila natutulog,hindi ako pwedeng matulog na hindi sila nakakatulog,kaya nga minsan pag pumasok ako sa school ay lagi akong pinagtatawanan ng mga kaklase ko dahil sa laki ng eyebags ko.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng pintuan para makapasok at agad kong hinanap ang switch ng ilaw sa gitna ng dilim,ng malapit na ako dito ay bigla na lang bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang nagngingitngit sa galit na mukha ni auntie Susan,

"bakit ngayon ka lang umuwi?"galit na tanong niya sa akin habang nilalapag ko ang dalang gamit ko sa upuan.

"sorry po?madami lang pong ginawa sa school,alam niyo po graduating na,"magalang na sagot ko sa kanya sabay takbo sa cr dahil sasabog na ang pantog ko,kailangan ng pakawalan ang kanina ay pinipigilan ko pa.

"hoy saan ka pupunta?kinakausap pa kita!"sigaw niya habang nasa cr ako,nag oorasyon.....!

nakita na niyang sa cr ako pumasok magtatanong pa!.....

pagkalabas ko ng cr ay,

"aray ko po auntie!nasasaktan ako"ikaw kaya kaladkarin pabalik sa sala na sinasabunutan ang buhok mo,di ka kaya aangal sa sakit.....?

Sasagot na sana ako ng bigla na namang nagsalita ang walang prenong bibig ni auntie."ibili mo ako ng gamot sa drugstore!ngayon din!"ni hindi niya manlang inisip na pakainin muna ako at pagpalitin ng damit,sama nila dib?

hindi na ako umangal pa sa utos niya baka kasi ano pa ang marinig ko,lagbigay niya sakin ng pera ay agad akong umalis,pero bago yon ay dunaan muna ako sa kwarto ko para magpalit ng t-shirt at kinuha ko ang atm card ko,kailangan kong mag withdraw para sa bibilhing project sa school at pati na rin pang allowance sa buong linggo.

Bakit kailangang ako pa ang hinintay para bumili ng gamot,naanjan naman ang sasakyan ko na kinuha rin nila sa akin,hindi kaya walang gasolina kaya hindi nila ginamit....?

Magmula ng mamatay ang parents ko sahil sa isang aksidente nagbago na ang turing nila sa akin,kong dati ay kulang na lang pati kalyo ko sa paa sila ang magtatanggal,ni lamok ayaw nilang madapuan ako samantalang ngayon ginawa nila akong katulong sa sarili kong bahay,yes!ang bahay na tinitirhan ko ngayon ay pagmamay ari ko na pilit nilang inaangkin sa akin,ipinamana nila eto sa akin bago sila nawala sa mundo.Wala akong magawa para ipaglaban ang karapatan ko dahil bukod sa bata pa ako,pinagkakaisahan nila ako.Kaya kong tiisin lahat ng pang aalipusta at pagmamalupit nila sa akin,wag lang akong umalis ng bahay ko.

-District Academy-D5story(FanPic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon