Chapter 8

86 4 0
                                    

-Grace PoV-

"Tito,alis na po ako,"paalam ko sa kanya habang nagbabasa siya ng pahayagan.Kinakailangan ko ng pumasok sa school dahil tatlong araw na akong hindi nakakapasok dahil sa mga nangyare sa akin.

"sige Grace mag iingat ka,"

Palabas na ako ng bahay ng makasalubong ko naman si tita Maricar,

"Grace,papasok ka na ba?"tanong nito sa akin,

"opo Tita,tatlong araw na po kasi akong hindi nakakapasok,"sagot ko naman sa kanya,

"Sa Woodridge ka pala nag aaral,"

"opo Tita,paano niyo po nalaman?"

"dahil sa suot mong I.D lace at pati na din ang uniform mo,saglit lang ha at kakausapin ko si Eugene ba isabay ka na,"

"Tita wag na po,magjejeep na lang po ako,"pagtanggi ko sa kanya pero huli na ang lahat dahil sa ngayon ay kinakausap na niya eto.Ayoko talagang sumabay sa lalaking yan,kapag kasi magkalapit kaming dalawa napapansin kong lagi na lang kaming nag aaway na parang aso at pusa,'siya naman palagi ang nangunguna eh,wala naman akong magagawa kondi ang depensahan ang sarili ko,

'Sana wag siyang pumayag!sana please lord pagbigyan mo ako kahit ngayon lang,'

Habang nag iisip ako,bigla namang sumulpot si Tito Alex,

"Grace,mukhang ang lalim naman ng iniisip mo ah,"puna nito sa akin,

"Hindi naman po,mababaw lang po"sagot ko sa kanya  na sinabayan ko pa ng plastic na ngiti para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.Wag sanang lumusot ang dimples ko habang nakangiti dahil mahahalata ni tito,sabagay hindi naman siguro niya alam na sa kapag lumusot ng sabay ang dimples ko ay nagsisinungaling ako,sama ko yata.....

"wag kang magsinungaling Grace,alam ko ang laman ng isip mo,"

Mukhang hindi ako makakalusot ngayon kay tito,naalala ko kasi ang sinabi ni tita sa akin na nagtapos daw si tito ng Phsycology,

"isipin mo na lang jiha na eto ang kabayaran sa ginawa niya kagabi sayo,hayaan mong makabawi siya sayo kahit sa pamamagitan ng paghatid tutal nadaaan naman ang school mo bago ang school niya,"

"Sabagay may point ka po tito,"pagsangayon ko na lang sa sinabi niya.Totoo naman kasi,makakatipid pa ako ng pamasahe kahit ngayon lang.

Maya maya pa ay bumalik sa kinaroroonan namin si Tita,"Grace ok na,pumayag na siya,sandali lang at kukunin ko ang isa pang helmet para gamitin mo dahil ayokong masira ng hangin ang magandang ayos mo ngayon,"

Si tita talaga bolero minsan,maganda na pala para kay tita ang simpleng ayos ko ngayon,nilugay ko lang naman ang buhok ko at saka naglagay ng hairpen,

hindi ko tuloy maiwasang isipin na siya si mommy dahil nakikita ko sa kanya ang katangian ni mommy noong nabubuhay pa eto,kahit noong isang araw ko lang sila nakilala palagay ba agad ang loob ko sa kanila maliban na lang sa anak nilang si Eugene ba masama ang pag uugali,

"Oh Grace,eto na ang helmet,isuot mo na eto para makaalis na kayo,"

"salamat po tita,"

"walang ano man,mag iingat kayo,Eugene ingatan mo yang si Grace ha!"

"opo Ma!"magalang na sagot nito sa kanya na halata namang labag sa loob ang pagkasabi....!

Matapos ibigay ni tita ang helmet sa akin ay agad ko naman etong sinuot at lumapit na sa kinaroroonan ni Eugene,pagkalapit ko sa kanya ay nakaramdam ako ng masamang hangin,siguro ay labag sa loob niya ang paghatid sa akin o baka naman ayaw niya akong isabay,

-District Academy-D5story(FanPic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon