-Grace PoV-
Pagdating ko ng bahay,sinalubong ako ni tita at niyakap,
"jiha,what happened?bakit ka umiiyak?"pag aalalang tanong ni tita,
ayoko namang sabihin sa kanya ang nangyare sakin kanina sa bookstore,na napahiya ako sa maraming tao,dahil sa pag tulong sakin ng isang lalaki,hindi ko naman sinasadyang magkulang ang pera ko!
May pera naman ako kaso pag ginamit ko yon ay mag kukulang na ang pamasahe ko,baka hindi ako makauwe at ayoko namang mag alala sila tita,sobra sibra na ang naitulong nila sakin kayanga minsan nahihiya na ako,
"nothing tita,naalala ko lang sila mama at papa,miss na miss ko na po kasi sila,"pagsisinungaling ko na lang kay tita pero ang totoo ay namimiss ko sila mama araw araw,
"ah,alam kong nangungulila ka sa mga magulang mo,hayaan mo minsan na samahan ka naming dalawin ang puntod nila,"
akam kong sinasabi lang eto ni tita para mabawasan ang pagkamiss ko sa parents ko,
Nagsinungaling din akong nsghapunan na ako kahit ang totoo ay kanina pa ako nagugutom,gusto ko na din kasing magpahinga,sumunod naman si Anna sakin papadok ng kwarto,mabuti na lang pala ay nakabili ako ng lolipop kanina bago ako nagtungo ng mall kay kinuha ko eto sa bag ko at inibot sa kanya,
"thank you ate Grace!"
Kinaumagahan ay maaga ang lahat na gumising dahil mag sisimba,matapos ang simba,
"Ja!kamuzta ka na?miss na miss na kita!"salubong ko kay Janine habang papalabas pa lang siya ng gate nila.Patakbo din niya akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap,mahigit isang buwan na din kasi ng huli kaming magkita kaya
sabik sa isa't isa,di naman halata!
"ikaw ang kamuzta na?ok lang ako!nalaman ko kasi ang nangyare sayo ng minsang pumunta ako sa bahay niyo dahil sa sobrang kadaldalan ng Auntie Susan mo!''
Nako!iyan lang ang sinabi sa kanya ng tita ko!sabagay,di naman nila alam na naholdap ako,
"eto ayos lang,kahit papaano ay may mga taong tumutulong sakin,"masayang sagot ko sa kanya kahit na nakakaramdam ako ng kunting lungkot.
"im so happie for you Shane,hmmmp!namiss talaga kita ng sobra!"at muli na naman niya ako niyakap ng mahigpit,
Siguro kong itlog lang ako ng manok,kanina pa ako napisak dito,
Wala ba siyang balak na papasukin ako sa bahay nila?hanggang ngayon kasi ay nasa labas pa kami ng bahay nila.Kong hindi pa siya tinawag ng mama niya,hindi pa niya ako kakaladkarin papasok ng bahay.
Infairness dito sa kaibigan kong to,habang tumatagal lalo siyang gumaganda,higit lalo kapag hindi siya nakasuot ng salamin,
Ng tuluyan na kaming makapasok sa bahay nila,maging si tita Cheska ay sinaljbong din ako ng isang mahigpit na yakap na tinugod ko naman,
Si tita Cheska na ang tumayong pangalawang mama ko magmula ng namayapa sila mama,
Mabuti pa sa ibang tao,nararamdaman kong may halaga ako samantalang sa Auntie Susan ko wala sa kalingkingan kumpara sa kanila ang pagpapahalaga nila sakin.
Si Tita,kinamusta din ako,eto palang si Janine nagsumbong sa mama niya tungkol sa nangyare sakin at nalaman kong hinanap nila ako para sana tulungan ako.
Habang nag uusap kami,bigla konv naalala na hindi pala ako pwedeng magtagal ngayon dahil darating ang kapatid ni tita Maricar,kailangan nila ang tulong ko doon kaya,
"Ja!Tita,pasensya na po pero kailangan ko na pong umuwe,may bisita po kasing darating sa bahay na tinitirhan ko ngayon,"singgit ko sa gitna ng pag uusap namin,
BINABASA MO ANG
-District Academy-D5story(FanPic)
Teen FictionKilalanin at mahalin sila! Spread...... Love...... Read....... The story of the District Five(5)I want to help them kaya ko to ginawa,sana po subaybayan nio eto dahil kong hindi,bubunutin ko buhok niyo sa ilong at kilikili!......just kidding..... @_...