"Janine's PoV"
Miss ko na si Grace,dalawang buwan na ang nakaraan ng huli kaming magkita at sa darating na sabado she's turning sixteen na,hindi ko alam kong anong ireregalo ko sa kanya at mas lalong hindi ko din alam kong maghahanda ba ako ng isang simpleng salo-salo para sa kanya?Naisip ko na lang tanungin si mama kong anong pwedeng gawin sa araw na yon,
"Ma,are you busy right now?"
"Not really baby,why?''
"Ma,this coming saturday po kasi is Grace birthday and she's turning sixteen na,gusto ko po sana siyang surpresahin kaso hindi ko po alam kong anong gagawin ko,can you help me Ma,"
"Hmmmppp!lets make a party for her,what do you think baby?"
"Naisip ko na dun po ang tungkol jan kaso po we need a place na pagdadaosan ng party niya,''
"Naman anak,aanhin natin etong malaking bahay kong hindi natin gagamitin,"
"You mean Ma,payag kang dito ganapin ang party?"
"Yes baby,gusto ko din maging masaya ang bestfriend mo,alam naman kasi natin na magmula ng mamatay ang parents niya si na siya muling nakaranas ng party diba?dis time,babawi tayo sa kanya ok,"
"Ohh,thank you very much Ma,da best ka talaga!"
"Naman anak,basta para sayo lahat gagawin ko sumaya ka lang,!"
Pagdating sa mga gantong bagay ay mabilis talaga kaming magkasundo ni Mama.Sana sa gagawin naming eto mapasaya namin siya.Minsan nga kapag lumalabas kami ng bahay pinagkakamalan kami ng mga taong magkapatid lang.Paano ba naman kasi kong anong payat at tangkad ko ganun din si mama at pati sa pananamit pareho kami ng taste,hahaha!parang pagkain lang,
Matapos naming magusap ni mama habang kumakain,mabilis akong pumasok ng kwarto,naligo at nagbihis dahil ngayon nga pala ang exam namin,muntik ko pang makalimutan dahil inuna kong isipin ang party para kay Grace.Hindi din ako nakapagreview gawa ng nagtext siya sakin para ibalita na na nasa hospital daw siya.Sa sobrang gulat ko muntik na kong sumugod doon.Nakahinga lang ako ng maluwag ng muli siyang magtext na may tinulungan lang siya kaya nasa hospital siya.Ano na lang ang isasagot ko ngayon sa exam?bahala na,may time pa naman kaya pagdating ko sa school ay agad akong dumeritso sa may garden para dito mag review.Bukod kasi sa tahimik at malamig ang hangin ay hindi pa mainit kaya makakapag aral ako ng maayos.
Bago ako tuluyang magsimulang mag aral ay tenext ko muna si Grace,
-magkita tayo sa friday after class sa lugar na madalas nating puntahan at tambayan-
Matapos ko siyang itext ay tuluyan ko ng itinuon ang utak ko sa pag aaral para naman kahit papaano ay may maisagot ako ngayon sa exam namin.
Paano naman kaya ako makakapagconcentrate ngayon kong may mga bubuyog akong naririnig na papalapit dito,putik!hulaan niyo na lang kong sino sila!Walang iba kondi sila Zildjian,Jacob,Tom at Eugene lang naman na nagtatawanan.Wala si Ian dahil nagpapagaling.Nagulat sila ng makita akong masama ang tingin sa kanila,Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita,
"Ano ba?wala ba talaga kayong gagawin kondi ang mag ingay!?"
"Ja!relax ka lang,hindi poh namin alam na nandito ka kaya sorry,"may halong paglalambing na bwelta naman ni Zildjian.
Pumayag na nga pala akong magpaligaw sa kanya,sobrang kulit niya kasi magmula ng ibigay ko sa kanya ang no.ko di na niya ako tinigilan,.Pati sa pagtulog ko makulit siya,kapag hindi ako nagreply sa text niya tatawag naman siya.At kapag dito sa dalawang to hindi ko pa siya pinansin,sa facebook doon naman siya mang gugulo.Matindi siya kong manligaw!kailangan lahat ng ginagawa ko ipaalam sa kanya,magpalit na lang ng damit,kailangan ko pang sabihin sa kanya.Pasalamat siya dahil masunurin at matiisin ako sa ginagawa niya.Minsan pa nga sinubukan kong magpalit ng no.kaso di eto umubra,araw araw kaming nagkikita sa school.Aminado naman akong nakukulitan ako sa kanya pero gusto ko ang ginagawa niya,di na ako sanay hindi siya kausap at hindi siya katext.Habang tumatagal lalo ko siyang nagugustuhan dahil sa mga ginagawa niya sakin.Ung effort niyang ipagdala ka ng baon araw araw,ung pagdala niya ng bag ko na halos limang kilo ang bigat at higit sa lahat yong paghahatid niya sakin sa bahay na siyang namang ikinakatuwa ni mama.Di na din mahigpit silamama sa kin dahil nakikita nilang pinagbubuti ko ang pagaaral koDahil sa ginagawa niya sakin,lagi lang naman akong topic dito sa school namin,nakakarindi na sa tenga,minsan nga naisip kong wag ng maglinis ng tenga para di na marinig ang mga usapan nila patungkol sakin.
BINABASA MO ANG
-District Academy-D5story(FanPic)
Teen FictionKilalanin at mahalin sila! Spread...... Love...... Read....... The story of the District Five(5)I want to help them kaya ko to ginawa,sana po subaybayan nio eto dahil kong hindi,bubunutin ko buhok niyo sa ilong at kilikili!......just kidding..... @_...