Pasensya na po kong hindi masyadong ok ang chapter 6 natin,babawi po ako sa chapter na to...........peksman.......!(°___°)
-Eugene's Pov-
Walang hiya naman oh!hindi man lang ako nabusog sa kinain namin ngayon,nakakawalang gana!paano ba naman ay nakatabi ko ang babaeng kinaiinisan ko na si Grace sa hapag!Sana man lang naligo muna siya diba bago sumabay sa amin sa pagkain,amoy araw kaya siya!di man lang nahiya sa gwapong tulad ko!
Di ko tuloy maiwasang mainis sa ginawa ni papa,habang kumakain kasi kami kanina,naikwento niya sa amin na pinalayas siya sa kanila,nabanggit pa niyang wala siyang ibang mapupuntahan kaya sa awa ni daddy at mommy hiniling nilang dito na siya tumira,hindi ako pumayag sa gusto nila,nakipagsagutan pa nga ako kay papa pero sa bandang huli pumayag na lang ako dahil nagagalit na ang daddy,dumagdag pa ang kapatid kong si Anna na tuwang tuwa dahil dito na eto titira,napakamot na lang tuloy ako ng ulo ko......
'oo na!wala na akong kakampi dito kondi ang sarili ko lang sa ngayon,sige pagkaisahan niyo ako!'
Well,sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay niya dito,humanda siya dahil aalilain ko siya dito,kung malakas siya sa magulang at kapatid ko,pwes sa akin wala siyang mapapala,gaagawin ko siyang katulong dito,ngayon pa na wala kaming kasama sa bahay....ha!ha!ha!(=__√__=)…
'masama na kong masama ang tinggin niyo sakin,pero kasi ayoko talaga sa kanya at hindi niyo ako mapipilit pwera na lang kong gagawin niya lahat ng iuutos ko sa kanya!hehehe....
Narito ako ngyon sa kwarto walang magawa,kaya naisipan kong maglaro ng dota,sinabayan ko na din ng soundtrip pantanggal ng inis,hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin maiwasang mainis,habang naglalaro ako biglang tumawag si Ian kaya pansamantala kong tinigil ang ginagawa ko at sinagot eto,"hello Bro,napatawag ka?"bungad ko,
"Bro!kailangan maaga tayong pumasok bukas dahil pag uusapan natin ang tungkol sa kakantahin,"sagot nito mula sa kabilang linya,Oo nga pala,wenesday na ngayon isang araw na lang ang natitira at hanggang ngayon ay wala pa kaming maisip na kakantahin samantalang nung monday pa eto sinabi samin.
Ang hirap naman kasing maghanap ng kantang panglamay,nakakainis ha...
"Bro!anong oras ang meetup natin bukas?"-Me
"seven am Bro!"-Ian
"What!masyado namang maaga niyan Bro!hindi ko kayang gumising ng ganyan kaaga!"anggal ko sa kanya,Kadalasan kasi talaga ay nine am ang gising ko,
"Bro!hindi ba pwedeng iurong natin ng mga 8:30!"pakiusap ko sa kanya pero wala ng sumasagot,binabaan na pala ako!
Nakakainis!tumawag siya para sabihin lang ang tungkol don,pwede namang idaan sa text diba,nagsayang pa siya ng lod,palibhasa kasi anak mayaman eh,
At dahil pasado alas dyes ba din nagpasya akong wag ng ituloy ang pagdodota ko dahil dinadalaw na din ako ni antok,natitiyak kong ako na lang ang gising sa mga oras na eto kaya bago ako tuluyang natulog ay bumaba muna ako para magcr,bakit kasi walang cr sa kwarto ko kailangan pa tuloy bumaba,
Dahan dahan ako sa pagbaba sa hagdan dahil ayokong magising sila mommy at daddy pati na rin ang kapatid ko,Madilim ang bahay dahil nakapatay na ang lahat ng ilaw kaya nagmukha tuloy akong zombie ngayon habang naglalakad papalapit ng banyo....,de bale wala namang nakakita sa ginagawa ko ngayon,
'nakayapak na nga ako,ganito pala ang feeling ng naglalakad na walang tsinelas,masakit sa paa,hindi pa kasi nakatiles ang bahay namin'
Paglabas ko ng banyo at aakyat na sana ako ng hagdan ng makarinig ako ng mahinang kaluskos banda sa may kusina.Hindi ko muna eto pinansin at itinuloy ang paglakad pabalik ng kwarto,pero lalong lumakas ang kaluskos,
'ano kaya yon?imposebling may nakapasok na magnanakaw dito sa bahay namin ngayong ako
pa mismo ang naglock ng lahat ng pintuan namin!'
Kong ano man eto,kailangan kong tingnan,mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan at agad na tinungo ang kusina,
Magnanakaw nga!akalain mong nagbubukas ng ref at kumuha ng tubig,hindi kaya kinain niya ang mga pagkaing tira namin kaya nauhaw siya,
hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil natatabunan eto ng mahaba niya buhok,oo!babae siya!
lalapitan ko na sana siya ng may masagi akong floormap kaya hindi ako nag atubiling damputin eto at,
'its showtime!atak the magnanakaw!....hahaha....humanda ka sakon babaeng magnanakaw!'
"walang hiya kang magnanakaw ka!ang kapal ng mukha mong padukin ang bahay namin!"malakas na sabi ko sa kanya sabay palo ng floormap na hawak ko.
"aray ko!aray!tama na ano ba!"bulalas nito,ang kapal niyang umangal samantalang mahina lang naman ang pagkakapalo ko sa kanya,tuloy lang ako sa paghampas sa kanya hanggang sa mahawakan ko ang buhok niya at sinabunutan eto ng husto.
"aray ko,masakit!bitawan mo ako,"pagpupumiglas niya sa pagkakahawak ko na hindi ko pinagbigyan ang hiling niya,
Kong may makakakita lang sa amon ngayon,natitiyak kong matatawa siya sa sitwasypn namin,ung kanang kamay ko kasi nakahawak sa buhok niya ng sobrang higpit at ung kaliwang kamay ko naman ay nakawak sa floormap at tuloy lang sa pagpalo,
Siya naman hawak ang pinggan,eto ang pinangpapalo niya sakin,nakuha niya iyon kanina ng magtangka siya tumakbo,
"sino ang nag utos sayo para pagnakawan kami?sagot!"galit na tanong ko sa kanya,pero hindi niya ako sinagot hanggang sa biglang bumukas ang ilaw,
Si daddy at mommy,gulat na nakatinggin sa amin ng may halong pagtataka,
"Eugene!Grace!anong ginagawa niyoat bakt may hawak kayong pinggan at floormap?"pagsatinig ni daddy,
Ng mabanggit ni papa ang pangalang Grace ay agad ko siyang binitawan,lagot!pinagkamalan ko siyang magnanakaw,....yare ako nito!
"Si Anna po kasi nagpakuha ng tubig dahil nauuhaw daw eto kaya ako bumaba ,"sumbong nito kay daddy,hmmmp!kunyare lang yan na mabait,hahaha mukha siyang bruha sa ayos niya ngayon!
"Eugene naman!bakit mo ginawa yon at bakit gising pa kayo eh pasado alas onse na?"
"akala ko po kasi magnanakaw siya!kaya ko siya nagawang paluin!"
"wag ka ng magpaliwanag,kahit kailan ka talagang bata ka,matulog ka na nga doon,"
Ayan si daddy umuusok na naman ang ilong sa galit,hindi na ako sumagot pa sa halip ay sinunod ko na lang ang utos niya,
"hep! sandali Eugene,aalis ka na lang ng basta basta ng hindi man lang humihingi ng sorry ka Grace,"sa wakas nagsalita na rin ang mommy,
Ano ba talaga,si daddy inutusan akong umakyat na sa taas,ngayong nasa gitna na ako ng hagdan saka naman nagsalita si mama,
"pag isipan ko muna Mom,baka bukas na!"pilosopong sagot ko sa kanya sabay takbo pabalik ng kwarto ko,
Siguradong sermon nanaman ang matatanggap ko nito bukas kay daddy dahil sa pabalang na pagsagot ko kay mama,wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kanila bukas.
Hayop yang Grace na yan,simula ng dumapo yan dito sa bahay namin palagi na lang akong nalalagay sa alanganin,may araw ka din sakin babae ka!mark may word!.. ...
Mabuti na lang at nakaya kong gumising ng maaga kahit na late nng nakatulog kagabi at katulad ng sinabi ko,nakatanggap nga ako ng sermon kay daddy habang kumakain kami,nakakawalang gana na tuloy kumain!napilitan na rin akong humingi ng sorry kay Grace"sorry pala kagabi sa nangyare,hindi na mauulit yon,"mahinang sabi ko dito dahil magkatabi lang naman kami sa pagkain,
"mula sa puso ba yang pag sosorry mo?"matiing sabi nito sa akin,
Aba talagang sumusobra na tong babaeng to ah,nagsorry na nga eto pa isasagot niya,
"oo naman,kaya sorry na please!"pagsisinungaling ko sa kanya,
Akalain mong tinanggap niya ang sorry ko dahil nag please ako,hahaha!now i know,kailangan lang pala ng please dito eh .. . .
Matapos naming kumain ay naligo na ako,katulad ng ginagawa ko palagi,matapos kong maligo ay humarap ako sa salamin,nagsuklay at naglagay ng powder at pabango,'o baka isipin niyo bakla ako dahil naglagay ako ng powder,lalaking lalaki to ano!'
BINABASA MO ANG
-District Academy-D5story(FanPic)
Teen FictionKilalanin at mahalin sila! Spread...... Love...... Read....... The story of the District Five(5)I want to help them kaya ko to ginawa,sana po subaybayan nio eto dahil kong hindi,bubunutin ko buhok niyo sa ilong at kilikili!......just kidding..... @_...