"Jacob's PoV"
Maaga natapos ang klase kaya napagpasyahan kong pumunta sa school ni Grace,umaasang maaabutan ko siya.Di ko alam sa sarili ko kong bakit gusto ko siyang makita bukod sa ang cute niyang asarin.Nakamotor ako kaya mabilis kong narating ang school niya.Pagkababa ko ng motor matapos ipark sa gilid ay sakto namang nakita ko siyang tumatakbo ng mabilis palabas na umiiyak kaya nagtago muna ako sandali.
Ng tuluyan na siyang makalabas ng gate,pumunta siya sa may likod ng kotseng nakaparada at dito umupo,
"Ayoko ng ganito!palagi na lang ako ang nakikita sa paaralang to!Nasama bang maging kaibigan ka ng halos lahat ng alaki sa school na eto?Ma!Pa,sana kasi nandito na lang kayo para may magtanggol sakin sa tuwing may mambully sakin!"umiiyak na sabi niya sa sarili.
Ayon pala ang dahilan kong bakit siya umiiyak.Sa kabila pala ng masayang ngiti na nakikita ko sa kanya ay ang lungkot na ngayon ko lang nakita.Kahit ngayon ko lang siya nakitang umiiyak ay parang may kong anong konting kurot akong naramdaman.Di na ko ang atubiling lapitan siya at abutan ng tissue dahil kanina pa siya hingos ng hingos.
"Anong ginagawa mo dito?kanina ka pa ba jan?Di mo dapat ako nakikitang umiiyak ngayon!" Paghikbing sabi niya habang pinupunasan ang ilong niya at sabay tapon sa basurahan malapit sa kinaruruonan namin.Di pa din tumitigil ang pag iyak niya kaya inabutan ko naman siya ng panyo ngayon.
"Oh eto panyo,gamitin mo muna!ibalik mo na lang sakin kapag malinis na!lagyan mo ng pabango bago mo ibalik sakin ha!imported pa yan galing divisoria mall!"isang masamang tingin ang ibinigay niya sakin saka tumayo at naglakad na.Hinabol ko naman siya,
"Hoy teka!saan ka pupunta?"
"Sa lugar kong saan walang asungot kagaya mo!at wag na wag mo akong matawag tawag na hoy dahil may pangalan ako!"
Langya!sa tanang buhay ko wala pang yumawag sakin ng asungot,siya pa lang!
"Sorry na Grace!wag mo naman akong iwan dito!gusto lang naman kitang samahan eh!"
"Ah!so gusto mo akong samahan?"
"Oo!"mabilis na sagot ko!
"Sige!"
Mabilis kong kinuha ang motor at tinulak papalapit sa kanya,inabot ko sa kanya ang helmet na agad naman niyang tinanggap at isinuot.Ng ok na ang lahat ay tinanung ko siya kong saan kami pupunta,
"Basta!magdrive ka lang!"sinunod ko ang sinabi niya at pinatakbo ng mabilis ang motor ko na parang may humahabol.Napakapit siya ng mahigpit sa bewang ko ng wala sa oras.Dumating kami sa main road,madaming sasakyan kaya unti unti kong hininaan ang pagpapatakbo.Sakto namang naka red light ang ilaw,kaya naman dumaan muna kami sa ChickBoy para kumain,
"Teka!bakit tayo pumunta dito?wala akong perang pangkain at pang libre sayo!"
"Just relax Grace!its my treat kasi pumayag kang samahan kita,"nakangiting sagot ko naman sa kanya.Nahihiya man,ay kinuha ko ang kamay niya na sobrang lamig at hinila papasok sa loob.Pinaupo ko siya sa may bakanteng upuan,pinahawak ko sa kanya ang dusi ng motor at naglakad ako patungo sa counter para umorder ng pagkain.Matapos kong magbayad ay bumalik ako sa kong saan nakaupo si Grace na busy sa pagbabasa ng aklat.
"Anong binabasa mo?"
"Alam mo ikaw,para kang hangin na bigla na lang sumusulpot!"sagot niya at muling bumalik sa pagbabasa.
"Ganun!ano ba asing binabasa mo?"
"Hindi mo ba nakikita?Ayan oh!
The Fault In Our Stars ang title,"
Bakit ba ang sungit niya sa tuwing kinakausap ko?Di lang talaga siguro ako sanay na sinusungitan ako ng isang babae,
"Alam mo,ang lungkot ng kwento niyan kasi namatay yong bidang lalaking bida dahil sa sakit!"
BINABASA MO ANG
-District Academy-D5story(FanPic)
Novela JuvenilKilalanin at mahalin sila! Spread...... Love...... Read....... The story of the District Five(5)I want to help them kaya ko to ginawa,sana po subaybayan nio eto dahil kong hindi,bubunutin ko buhok niyo sa ilong at kilikili!......just kidding..... @_...