Chapter 20

43 3 1
                                    

-Ian's PoV-

Kasama ko ngayon si Mae,nasa sasakyan na kami ng magsalita siya,

"wait,si Jacob yon diba?anong ginagawa niya sa labas ng Woodridge Academy?"

Agad naman akong napalingon kong saan nakatingin si Mae,Si Jacob nga iyon!buhok at tindi niya alam kong siya iyon kaya dahan dahan kong tinabi ang sasakyan sa may gilid ng daan,at agad na bumaba ng sasakyan.Umikot muna ako patungo sa kabilang side ng sasakyan para ipagbukas ng pinto si Mae,

"salamat!"nakangiting sabi niya.Naku!ang ganda ng ngiti niya!ayon kinikilig ngayon ang kuya niyo,

Ramdam kong sing pula ng sili ang pisngi ko ngayon,nag iwas ako ng tingin ng muli niya akong tingnan!

Para kasi akong nalulunod sa mga titig niya lalo na kapag nagtama ang mga mata namin,parang ilog ba yon?hehehe ..

whoah!ang init!....pinagpapawisan ng malagkit ang bida niyo!. ......

"Hoy Jacob!anong ginagawa mo dito?at bakit kanina pa humahaba ang leeg mo!wag mong sabihing may inaabangan ka jan!sino yon?"paninita ko sa kaibigan ko na ikinagulat naman niya,

"oy Bro!kayo pala,kayo!anong ginagawa niyo dalawa dito?"

Ako ang magtanong diba?bakit kailangang ibalik niya sakin ang tanong ko!

"wait,bago ko sagutin ang tanong mo,sagutin mo muna ang tanong ko,nauna akong magtanong sayo diba?"pilosopong bulyaw ko naman,

Sa pamimilit ko,napilitan siyang sabihin sa amin ni Mae ang dahilan kong bakit siya nasa labas ng gate ng Woodridge Academy.Dahil pala sa babaeng tinulungan niya na hindi man lang magpasalamat,eto din ang dahilan kong bakit hindi siya pumasok ngayong araw na eto.

"Bro,wala ka pa bang balak umuwe?malapit ng lumubog ang araw!"

Si Mae kasi,nagyaya ng umuwe dahil kinakalampag na siya ng tita niya ng text na umuwe na,

"sige Bro,susunod na ako,"dagling sagot nito at muling nakiusap sa guard na papasukin siya.

Habang masa sasakyan kami,etong kasama ko nakatulog na pala samantalang kanina pa ako nagsasalita dito,di man lang nagpaalam na matutulog pala,napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko na kanina ko pa pinipigilang kamutin dahil makati,di kasi ako naligo kanina dahil nagpunta ako ng maaga sa school tapos yong nag sabi ng maaga papasok ay nalate ng dating!

Ngayon ko lang napansin,at napagmasdong mabuti si Mae,kahawig siya ni Mama, lalo na kapag nakasideview siya,di kaya kapatid ko eto?No!hindi pwede yon!

Teka!ano ba etong mga pumapasok sa isip ko!erase!erase!erase!Ang mabuti pa,ituon ko na lang ang isip at mata ko sa pagdadrive,mamaya ako pang mangyare samin,

Biglang may tumawag sa cp ko,nasa bulsa eto nakalagay kaya hindi ko agad nasagot,Ang hirap gumalaw kapag nagdadrive ka kay dahan dahan kong kinapa ang cp ko palabas ng bulsa ko.Ng makuha ko na eto,di ko napansing may dumaang tao,sa pag iwas ko na di ito masagasaan,ung sasakyan minamaneho ko  ang nadesgrasya,bumangga sa poste ng kuryente,di ko na alam ang sumunod na mga nangyare dahil biglang nagblockout at nawalan na ako ng malay.Ang tanging natandaan ko lang ay bumagsak sa sasakyan namin ni Mae ang kotse,

-Grace PoV-

Pauwe na ako galing school,kanina padapat eh kaso lang tinuruan ko pa si S.A,di ko alam na may girlfriend pala siya,isang magandang girl na mula sa District Academy,pinakilala niya eto sakin kanina habang nasa library kami.Infairness,bagay sila bukod kasi sa maganda eto,mabait  at di masungit.Badtrip tuloy ako ngayon kasi nalaman kong may girlfriend na ung crush ko,di na pwedeng pagnasaan!

Sa sobrang pagod ng utak ko ay di ko na napigilang matulog sa sinsakyan kong jeep.Mga sampung minuto na ang nakalipas ng magising ako,hindi dahil sa pababa na ako kondi dahil sa isang aksidente ng sinusundan naming sasakyan.Kitang kita ng dalawang mata ko na binangga nito ang isang  poste dahil sa pagiwas na di masagsaan ang gagong lalaking bigla na lang tumawid na animo'y may humahabol dito  na kulang na lang ay lumapid ito sa bilis.

Biglang nagkagulo,nagsibabaan lahat ng kasakay ko sa jeep,maski ako ay di din nagpahuli,

Ng makalapit ako sa sasakyan,di ko maiwasang mapasinghap dahil sa nakita ko,wasak ang harapng bahagi nito,at walang nakakaalam kong buhay pa ang dalawang taong nasa loob,isang babae at lalaki ang nakita ko,pawang mga menor de edad pa eto dahil sa mga suot nilang uniformi,mag aaral sila  ng District Academy.

Wala man lang naglakas loob na tumulong dito,kaya naman bago pa malobat ang cp ko ay tunawag na ako ng ambulansya,dinial ko ang 117,at pagkatapos ay tumawag naman ako sa police station para maereport ang pangyayare.

"Ano!hindi niyo ba ako tutulungan dito!"pasigaw ko sa mga taong nakikiusyuso na walang namang ginawa kondi ang tingnan lang ang namgyare.

Pinilit kong buksan ang pintuan ng sasakyan,mahurap buksan dahil sa nakapatong na poste at kawad ng kuryente.Kong hindi ko pa sinimulang gaawin ang pintuan ng sasakyan di pa kikilos ang mga taong nanunuod.

"tulong!" narinig kong pagunggol ng isaang babae,...

Di nag tagal ay tuluyan ng nabuksang ang pintuan ng sasakyan,dahan dahan naming inilabas ang babae na,di naman masyadong nasugatan,konting galos lang ang natamo nito,pero etong kasama niyang lalaki,naipit ang dalawang paa nito at humihinga pa.Duguan eto!naawa ako sa kanya dahil sa tinamo niya,ang gwapo pa naman!.Pinagtulungan naming mabuksan ang kabilang side ng sasakyan upang mailabas ang lalaki.Sakto namang dumating ang mga pulis,ambulansya at media para ecover ang nangyare,Ang mga parak!last minute palagi kapag dumating.

At  dahil nga wala nakakakilala sa kanilang dalawa,ako na ang sumama sa hospital kong saan sila dinala.Mabuti na lang at agad silang inasikaso ng mga doctor na nakaduty ng mga oras na eto,samantalang ako naman nanan ang nakipag usap sa doctor,sinabi ko sa kanya ang lahat ng dapat niga malaman tungkol sa aksidente,

Nosebleed na ako dito ngayon kong hindi nagpipigil etong dugo ko na lumabas sa ilong,paano kasi ang daming tanong,sinabi ko na ngang hindi ko sila kilala,ang kulit ng kausap ko!Akala ko di na matatapos ang pag uusap namin,Maya maya pa ay naglabas siya ng papel na pipil-apan ko,lintik na yan,one inch ang kapal!ganito pala kapag kusa kang tumulong ang hirap!ayoko na!pwede na ba akong magback out ngayon?

'Ginusto mong tumulong Grace kaya wala kang karapatang magreklamo!tandaan mo yan,'

Ung parents nila hanggang ngayon wala pa din,hindi ba nila napanuod sa tv ang nangyare sa mga anak nila?

Mabuti na ang at mabilis akong magsulat kaya mabilis kong natapos ang mga dapat fill-upan.

"teka,Miss Moreno,how old are you?"doctor ask me.

"i'm only 16 years old po!"sagot ko naman,

"naku!under age ka pa pala,bakit di mo agad sinabi!"

"nagtanung po ba kayo kanina?"booomm! barado ang kausap ko ngayon,ang sarap pagtripan!kasi ang kulit,pinanganak siguro etong kakambal ang kulit.

Akala ko makakapagpahinga na ako,hindi pa pala dahil binigyan naman ako ng resita,

"miss,ikaw ba yong kasama ng dalawang dinala dito,kani-kanina lang?"

"opo,nurse,ganda!"

"ay naku miss,hindi  naman ako maganda eh,pero salamat kasi ikaw ang first na ngsabi sakin na maganda ako!"

May inabot siya saking  isang bondpaper,bilhin ko daw lahat ng nakalagay dito,ang dami pramis!paano ko eto mabibili lahat eh wala akong pera!

Mabuti na lang at kabisado ko ang telepono sa bahay kaya nakitawag na ako aa landline,ang akala ko free may bayad pa palang lima'm piso!Agad namang sinagot ni Tita Maricar,

-District Academy-D5story(FanPic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon