2: Birds of Paradise

1.1K 24 0
                                    

Matingkad ang iniwang sinag ng papalubog na araw sa mga oras na 'yun kaya't kahit pa nangaluntoy na ang Morning Glory at Sun Flowers ay animo'y binabalot pa rin ng hiwaga ang flower farm. Dapit-hapon na ngunit wala pa ring dumating na "Kenji" sa farm. Pinili na lamang umupo ni Azalea sa isang duyang pinupuluputan ng vines and flowers. Binuklat niya ang isang flower catalogue at binasa ang bawat description ng mga bulaklak na nakatanim sa farm.

"Paano ko maasikaso ang farm na ito kung sampaguita at gumamela lang ang kilala kong bulaklak, Mang Sergio," nangingiwi niyang sambit.

Napatigil saglit sa pagtatagpas ng mga damo si Mang Sergio at sinulyapan siya nang may ngiti sa mga labi. "Nandito naman ako. Hindi ko pababayaan maging ang isang tangkay man ng bulaklak na narito. At hindi naman iiwanan ni sir Kenji ang farm na ito hangga't hindi niya naituturo sayo ang lahat ng dapat mong matutunan sa pagpapatakbo nito."

Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. "It would take time, I guess," nababahala niyang sambit kaya't lumapit na si Mang Sergio sa kanyang kinauupuan.

"Alam kong matalino kang bata, Azalea. Minsan nang naikwento sa akin ng iyong ama kung gaano ka nag-excel sa banking and finance course mo."

Awtomatikong napangiti si Azalea. Kaya pala magaan ang kanyang loob sa care-taker at parang kay tagal na niya itong kakilala, dahil may isa palang kumokonekta sa kanilang dalawa; ang kanyang ama.

"Hindi ko alam na naikukwento pala ako ni papa sa mga kaibigan niya," muli siyang ngumiti habang niyayakap ang catalogue.

"Mahal na mahal ka ni Sir Federico. Itinuturing ka niyang isang bulaklak na Edelweiss o ang tinatawag niyang Flor de las Nieves. Katulad ng Edelweiss, nasa kandungan ka raw ng isang nagyeyelong pagkakataon. Ngunit, malamig man sa pakiramdam ang katotohanang nasa gitna ka ng nag-uumpugang mga magulang na may mga sariling pamilya, nanatili ka pa ring mabait at maganda. Isang Edelweiss na sa kabila ng matinding lamig ay kaya pa ring bumukadkad at magbigay ngiti sa mga taong makakita nito."

Sinukluban siya ng matinding saya kaya't niyakap niya si Mang Sergio nang buong higpit. "Maraming salamat po, Mang Sergio. Parang nakausap ko na rin si papa sa mga oras na 'to," sumilip ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata. Niyakap din siya ni Mang Sergio. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan habang patuloy sa paglubog ang araw.

PAST eight na ng gabi. Tinapay lamang at chowder soup ang kinain niya kanina. Nakasuot siya ng makapal at mahabang medyas. Nahiga siya sa isang mahabang sofa na iniharap sa nag-aapoy na tsimineya. Sinadya niya talagang matulog doon at hindi na pumasok sa kwarto para maramdaman niya agad ang pagdating ni Kenji. Kanina pa niya ito hinihintay. Hindi rin niya matanto kung bakit atat na atat na siyang makita ito. Basta may kung anong kumikiliti sa puso niya kaya't nararamdaman niya iyon. Kanina pa gumigiling sa isipan niya ang pagkatao ni Kenji. Matapos niya kasing basahin ang flower catalogues ay may nakita siyang photo album na puro letrato ni Kenji ang laman. Dati pala itong sumasali sa mga Bikini Open competition. Sa letrato palang ay namamagnet na siya sa personalidad nito, paano pa kaya kung maging kaibigan niya ito? Kanina pa niya gustong itanong kay Mang Sergio kung may girlfriend o asawa na ba si Kenji pero nahihiya siya. Tiniis na lang niya ang pangungulit ng kanyang kyuryusidad. Malalaman at malalaman niya rin ang lahat. Sana nga lang ay dumating na si Kenji habang half-asleep pa lang siya para makapagkwentuhan naman sila. Hindi kasi siya makatulog ng mahimbing hangga't hindi niya nakakausapang Japanese-looking guy na ito.

Maya-maya lamang ay narinig niya ang tunog ng papalapit na kotse. My gosh, andiyan na si Kenji.Nagtulog-tulugan siya. Narinig niya ang pagbukas ng gate. Mas lalo siyang nanabik. Nagsisiliparan na ang mga paruparu sa kanyang tiyan. Ilang kalampag muna ang kanyang narinig ng marinig niya ang pagbukas ng pinto. Shit! Pati ang pagpindot ng switch ay rinig na rinig din niya. Nakapikit siya pero naramdaman niya ang pagbukas ng ilaw.

"Si Ma'am Azalea na ba ito," nadismaya siya ng marinig ang boses ng isang ale. Katulong siguro ito sa farm. Palihim siyang napabuntong hininga at napa-ismid. Tinuloy-tuloy na lang din niya ang pagtutulog-tulugan. Narinig niyang may inilapag na kung anong bagay ang ale sa mesa bago lumapit sa kanyang kinahihigaan. "Bakit dito ito natulog?" narinig niya ulit ang may katandaan nang boses na iyon ng isang ale.

"Bukas ko na siya kakausapin..."

Shit, shit, shit! Triple shit! Si Kenji na nga ang dumating, my gosh. Ang gwapo ng boses niya. Nakakapanghina ang bedroom voice na 'yun! Shall I rise up and see him? Ang OA naman kung bigla akong magigising nito.

"Ilipat mo muna kaya, hijo, sa kwarto si Ma'am Azalea."

Oh my gosh! Please. Sana nga kargahin niya ako patungong kwarto. Please, please, please! This is my chance. Give me this chance, please.

"Ok na muna 'yan diyan. 'Wag na muna natin siyang istorbuhin sa kanyang pagtulog," pabalewala nitong sambit.

Shit, no!

"Sabagay!" pagsang-ayon pa ng boses ng matandang ale. "O, paano? Uuwi na muna ako. Naghihintay na sa akin si Sergio sa bahay. Iwanan na muna kita dito kung wala ka naman nang kailangan."

"Ok na po Nanay Pacita. Maaari niyo na po akong iwanan."

"Sige. Kung may kailangan kayo ni Ma'am Azalea, katukin mo lang kami ni Sergio sa bahay, ah."

"Ok po. Nasa harap lang naman ng farm ang bahay niyo kaya kahit sumigaw na lang ako kapag nalaman kung may criminal tendency itong bago mong amo," natawa ang binata. Natawa din si Nanay Pacita.

How dare you?

"Pilyo ka talaga, Kenji. O siya, sige, mauna na ako ha?" Ilang kaluskos muna ang kanyang narinig bago marinig ang pagbukas-sara ng pinto. Gustong-gusto na niyang idilat ang kanyang mga mata pero hindi niya magawa. Narinig niya ang mga yapak ng lalaki patungo sa isa sa dalawang kwarto ng villa. Nang maramdaman niyang pumasok na sa kwarto si Kenji ay nagbukas na siya ng mga mata. Half-opened ang kwarto nito. Nakabukas na ang ilaw sa loob. Maya-maya lang ay narinig niya ang lagaslas ng tubig sa shower room sa loob ng kwarto.

OMG, naliligo ba si Kenji?

Nagpatuloy ang lagaslas ng tubig. Naliligo nga si Kenji. What the hell? Bakit gusto ko siyang silipan?Come on! Behave Azalea.

Pinanindigan niya ang paghiga sa couch. Kung totoo sanang natulog siya sa couch kanina ay baka nagising na siya sa lagaslas ng tubig sa kwarto pero dahil nagtutulog-tulugan lang naman siya ay di na niya alam kung ano ang dapat gawin sa mga sandaling iyon.

Ilang saglit lang ay umuwang ang pinto sa kwarto ni Kenji. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata at kunwari ay nahihimbing pa rin siya sa pagtulog. Nang maramdaman niyang lumabas ng kwarto ang binata ay binuksan niya ng kaunti ang talukap ng kanyang kaliwang mata. Nakita pa niyang papalapit si Kenji sa mesa upang kunin siguro ang inilapag doon na kung anong bagay ng ale kanina. Nakaalampay ang puting towel sa malapad na balikat ni Kenji. Nang ibinaba niya ang tingin ay nakita niya ang tayong-tayong pagkalalaki nito na marahil ay dala ng sobrang lamig ng panahon. Wala itong suot na brief kaya't hindi na niya napigilan ang kanyang reaksyon. Napatayo siya at napasigaw. "What the shit?!"

Animo'y sinilaban ang mukha ni Kenji sa pagkabigla at matinding hiya. "Fuck!" Mabilis nitong itinapis ang nakaalampay na towel, kanina.

"Oh my..." mabilis na dumako si Azalea sa kinalalagyan ng ref. Kumuha siya ng baso at nagbuhos ng tubig. Nilagok niya ito. Nag-aapoy siya! Animo'y nauubusan siya ng hininga. Si Kenji naman ay dumiretso sa kwarto. Pagkalabas nito ay nakasuot na ito ng pajama ngunit wala pa ring saplot sa itaas. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto ng tawagin siya ni Kenji.

"Azalea!" Nahinto ang pagbukas niya ng pinto. That was the most awkward moment na kanyang kinahantungan. "I'm sorry. Nasanay kasi akong mag-isa sa villa na ito. I didn't mean it." Animo'y isa siyang estatwa. Hindi siya makagalaw. Ni hindi niya magawang lumingon at matingnan sa mata ang binata. Rumehistro sa kanyang utak ang tayong-tayo nitong pagkalalaki.

"Bu-bukas na lang tayo mag-usap, Ke-Kenji..." nauutal niyang sambit.

"I understand. Maaari ko pa rin bang sabihing... good night?"

"Go-good night," napalunok siya ng nagbarang laway sa lalamunan bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kwarto.


~Pй

Drowning in LustWhere stories live. Discover now