"Welcome back, Azalea!" nagsigawan ang mga officemates ni Azalea nang mapansin ang kanyang pagdating sa bangko. "Parang kay tagal mong nawala. Napaka-blooming mo ngayon. Parang sinabayan mo ang pagbloom ng mga bulaklak sa Benguet!" Nagkumpulan ang kanyang mga officemates sa kanyang tabi. Nagniningning ang mga mata nito habang nakatitig sa kagandahan niya.
"Binobola niyo na naman ako, eh" nakangiti niyang sambit. "Heto at may dala akong mga bulaklak para sa inyo. Fresh from Edelweiss Flower Farm at ako ang namitas kaya't espesyal 'yang kumpol ng mga bulaklak na 'yan." Limang kumpol ng gerberas, daisy at carnation na tinali gamit ang native ribbons ang kanyang inabot sa mga babaeng staff ng bangkong kanyang pinagtatrabahuan. Matapos niya itong iabot ay niyakap siya ng mga iyon.
"Naku! Ang ganda ng mga bulaklak na ito. Pero for sure, maganda rin ang bulaklak na naghihintay sayo sa desk mo," sambit ng isa pang kaibigan niyang staff din sa bangko.
"Bulaklak? Kanino galing?" nahihiwagaan niyang sambit.
"Kanino pa nga ba..." natatawang sambit ng mga kaibigan niya. Pumunta na rin ang mga ito sa kanya-kanyang pwesto. Ilang minuto na lang at magbubukas na ang bangko kaya't naghanda na ang lahat. Dumako siya sa kanyang desk at nakita nga niya ang isang tangkay ng rosa. Binasa niya ang papelita na nakadikit sa tangkay ng bulaklak. Welcome back, Azalea! – Boss Sigmund. Nadampi niya ang kanyang dibdib. Paano niya maibibigay ang kanyang resignation letter sa kanyang boss nang matiwasay? May malaking pagkakautang siya dito at hindi pa niya naibibigay ang napagkasunduan nilang kabayaran. At mukhang hindi niya iyon mababayaran kahit pa matapos na ang kanyang pagrere-render ng resignation.
Sigmund Perona Teoxon is the bank's branch senior manager. He is a bankable guy with a tenable credibility. Nakita na niya ang mga trophies nito bilang outstanding employee sa iba-ibang category of awards sa iba't ibang yugto ng pagiging empleyado nito sa bangko. He is the most sought-after young professional sa mundo ng pera at investment. Nagtapos ito sa PUP ng Accountancy as Magna Cum Laude at may masters degree sa University of Bristish Columbia. He is tall, fair and super handsome. He is a guy next door type, a campus crush noong college, and a print and commercial model since College. He is the perfect man every girl is worshiping for. At hindi niya lubos maintindihan kung bakit may pagnanasa ito sa simpleng babaeng katulad niya.
When he was just starting as a teller sa bangkong tinatrabahuan nila, aksidenteng nalipat ni Azalea ang isang milyong salapi sa ibang commercial account. Umiiyak siyang lumapit kay Sigmund. Tutulungan daw siya nito without any trace of her incompetence kapag nangako siya ng isang gabi sa kama. Kung ibang babae sana siya, baka kahit araw-araw nilang gawin iyon ay ok lang pero natatakot siya, he was so weak and vulnerable. Sigmund is 30 year-old guy with two children to an ill-mannered vice executive ng bangko, si madam Claudia Ferrer. Claudia is a very powerful cougar. Kapag nagkataong pinagbigyan niya ang alok ni Sigmund baka mapatay siya nito. Alam niya kasing walang sikretong hindi mabubunyag. Alam niyang malalaman at malalaman iyon ng 40 year-old corporate lady.
"Azalea, pinapupunta ka ni Boss Sigmund sa kanyang room." Nabigla pa siya sa pagtawag sa kanya ng kanyang kaibigan. Huminga siya ng malalim.
"Magpabango ka, hija," pabirong sambit ng katabi niyang officemate. Alam kasi ng lahat na may crush sa kanya ang boss nila. 'Yun lang ang alam ng mga ito. Wala itong ideya na umabot na sa pag-aalok ng sex ang pagkagusto ng boss sa kanya. At mas lalong walang ideya ang mga ito sa kapalpakan niya noong una. Kung may interes nga lang ang pagkakautang niyang iyon ay tiyak na mamumulubi siya. Palagi siyang humihingi ng palugit at matatapos na ang palugit na 'yun kung aalis na siya sa bangko.
"Mga baliw," ngumiti siya. Baka sakaling mabawasan ang kaba niya. Nagwisik siya ng pabango at sinipat ang mukha sa salamin.
"Maganda ka na Azalea. 'Wag kang mag-alala." Tuloy-tuloy na pang-aalaska sa kanya ng mga kaibigan. Kunwaring tinarayan niya ang mga ito kaya't muli itong nagtawanan bago siya umalis patungo sa kwarto ng kanyang boss.
YOU ARE READING
Drowning in Lust
RomanceTumungo si Azalea sa Benguet upang asikasuhin ang pinamana sa kanyang flower farm ng kanyang namayapang ama. Hindi niya akalaing animo'y isang paraiso ang Edelweiss Flower Farm dahil sa mga matitingkad na Birds of Paradise, Daisies, Gerberas, Daffod...