6: Ang mga ligaw na bulaklak sa Edelweiss

803 12 0
                                    

Lumabas ng kwarto si Azalea na nakasuot ng bath robe. Alas siyete ng umaga siya nagising at dumiretso siya sa kusina upang magtimpla ng kape. Nadatnan niya roon si Nanay Pacita.

"Good morning po, nay," nakangiti niyang sambit. "Mayroon po ba tayong kape?" Palingon-lingon siya sa paligid upang hagilapin si Kenjingunit hindi niya ito nakita.

"Mayroon tayong instant coffee pero gusto mo bang ipag-init kita ng brewed coffee? Favorite 'yun ni sir Kenji," magiliw nitong sambit.

"Instant coffe na lamang po," lumapit siya sa kinalalagyan ng mga coffee mug. Inabot sa kanya ni Nanay Pacita ang isang garapon ng instantdecafenated coffee. Lumapit siya water dispenser. Patuloy niyang iginagala ang kanyang paningin sa paligid kaya't hindi niya napansin ang pag-agos ng mainit na tubig sa kanyang kamay. "Ouch!" nabitiwan niya ang mug at nabasag. Nagulat si Nanay Pacita kaya't nilingon siya. Nakita siya nitong hinihipan ang napasong daliri kaya't dali-dali itong kumuha ng toothpaste at pinahiran ang napaso niyang daliri.

"Naku, anak, ano ba ang nangyari," nababahalang sambit nito.

"Ok lang po ako nay." Halos batukan niya ang kanyang sarili. Muntik pa siyang mapahamak dahil sa kakaisip kay Kenji. Lumabas siya ng Dining Room habang pinupulot ni Nanay Pacita ang basag na mug. Lumabas siya ng villa. Hinahanap talaga ng kanyang mga mata ang mukha ni Kenji pero hindi niya ito makita.

"Good morning po, Ma'am Azalea," magiliw na pagbati sa kanya ng mga tauhan ng flower farm. Abala ang mga ito sa pagtanggal ng mga patay na dahon sa farm.

"Magandang umaga po sa inyong lahat," sinubukan niyang ngumiti kahit napipikon na siya dahil napakailap ng binata sa kanyang paningin. Dumiretso siya sa greenhouse ngunit walang tao doon. Nilibot na lang niya ang iba pang bahagi ng farm. Mas malawak pa pala ang farm kaysa sa kanyang inaakala. Narating niya ang isang brook na nanggaling sa isang man-made na talon na nagsisilbing water reservoir ng Edelweiss Flower Farm at ng iba pang kalapit na farm na naroon. Kamangha-mangha ang lugar. Mga ligaw na bulaklak ang naroon kaya't mas lalo itong mahiwagang tingnan. Nawala saglit sa kanyang isipan si Kenji. Napaka-enticing kasi ng talon sa di kalayuan. Nagsisilutangan ang mga talulot ng bulaklak sa malinaw na tubig sa creek. Ang malambot na ulap sa langit ay naaaninag din nito kaya't tunay ngang kabigha-bighani ang tanawin. Lumapit pa siyang lalo sa talon. Bigla niya kasing naisip na magtampisaw doon. Paakyat na siya sa nakausling bato nang mapansin niyang may isa palang lalaking naliligo doon. Pareho silang nagulat nang mapansin ang kanilang prisensiya sa lugar.

"Sino ka?" si Azalea na namumula ang pisngi.

Umahon ang lalaki sa tubig kaya napansin niya ang magandang hubog ng katawan nito. Wala itong six-pack abs katulad ni Kenji pero matigas tingnan ang tiyan nito. Malapad din ang dibdib nito at matitikas ang mga legs. Nakasuot ito ng puting brief habang lumalapit sa kanya.

"Hi miss," bigla nitong sambit. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ha? Ah-eh, may hinahanap kasi ako," pagdadahilan niya. "Ikaw, anong ginagawa mo diyan," napahinto siya dahil sa awkward niyang tanong. "I mean, I know na naliligo ka kaya, sige, diyan ka na, enjoy," nagmamadali siyang umalis ngunit nagsalita ulit ang estranghero.

"Ako nga pala si Kyle," lumapit ito sa isang malaking tipak ng bato. Isinuot nito ang isang cargo short at nag-alampay ng towel. Napatigil siya sa paglakad at muling humarap sa lalaki. Ngumiti ito sa kanya. "Maaari ba kitang makilala?"

"Dito ka rin ba nakatira sa bundok na ito?" bigla niyang naitanong sa estranghero.

"Nakikita mo ba ang villa na 'yan?" itinuro nito ang isang maliit na villa na kulay asul. Nasa kabilang bundok ito. "Diyan ako nakatira," sambit nito.

Drowning in LustKde žijí příběhy. Začni objevovat