3: The greenhouse scandal

904 16 0
                                    

Nasa kalagitnaan ng pusikit na gabi nang umuwang ang pintuan ng kwarto ni Azalea kaya't napabalikwas siya. "Sino 'yan?" Napaupo siya sa kanyang kama habang niyayakap ang malambot na unan. Maya-maya lang ay tuluyan nang bumukas ang pinto at lumitaw ang hugis ng isang matipunong lalaki. Animo'y anino lamang ito dahil madilim sa kanyang silid. "Sino 'yan?" Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa lalaking mas lalo pang lumalapit sa kanya. Binuksan niya ang lamp shade sa tabi ng kanyang higaan. Napamulagat siya ng mga mata nang matantong si Kenji pala ang pumasok sa kanyang silid. "Kenji?" Nag-aapoy ang mga mata nito. Nakalugay ang hanggang balikat nitong buhok. Alam niyang si Kenji ito dahil sa Japanese look nito na lalo pang na-define ng sexy nitong mga panga. Ibinaba niya ang kanyang tingin sa malapad nitong dibdib na animo'y naglalangis dahil sa pawis. Nasa gitna ng pagiging maputi at kayumanggi ang kulay ng balat nito kaya't namumula ang nipples nitong animo'y galit na galit sa pagkakatindig. Napakagat siya ng labi. Ibinaba pa niya ang kanyang tingin sa makipot nitong beywang. Alam niyang matigas iyon dahil sa nagkukumalas nitong six-pack abs. Akala niya dati ay isang mito lamang ang ganito kaperpektong hugis ng katawan ngunit nasa harap na niya ito ngayon. At maaari na niya itong mahawakan 'pag nagkataon. Mas lalo itong lumapit sa kanya pero hindi na siya umatras pa. Handa na siyang sunggaban nito. Mabuti na lang at nakasuot na ito ng bikini brief pero napabuntong-hininga siya nang mapansin ang bumabakat nitong pagkalalaki. Hindi niya namalayang lubusan na pala itong nakalapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang leeg. Napa-ungol siya. Para siyang nakuryente sa paraan ng paghaplos nito sa kanyang leeg at balikat. Pinatayo siya nito at para naman siyang aliping sumunod sa mga nais nitong gawin sa kanya. Hinalikan nito ang kanyang mga labi. Sinumulan nila ito nang dahan-dahan. Animo'y nakikiramdam, nagtatantiya. Hanggang sa hatakin ni Kenji ang kanyang beywang upang lubusang magdikit ang kanilang mga katawan. Napaungol siya. Mas lalong naging mabagsik ang pagsabsab nito sa kanyang mga labi. Awtomatiko siyang nakipagdigmaan sa mga halik nito. Nag-eskrimahan ang kanilang mga dila at sinipsip nila ang katas nito. Mula sa pagkakayakap ay kinarga siya ni Kenji. Handa siyang ihagis nito sa malambot na kama na napupuno ng mga talulot ng rosas at daisies. Patuloy sila sa kanilang French kiss habang kinakarga siya nito.Hanggang sa naramdaman niya ang kanyang paglipad sa ere. Animo'y slow motion ang paghagis ni Kenji sa kanya sa malambot na kama. Umulan din ng mga talulot ng bulaklak.Mayroong kakaibang sensasyon ang dahan-dahan niyang pagbagsak sa...

"Aray! Ouch, ouch..." Nahulog siya mula sa kanyang kama dahil sa pilyo niyang panaginip. Saglit niyang iginala ang kanyang tingin sa buong silid. Wala pa itong dekorasyon maliban sa dalawang paintings ng mga bulaklak sa dingding. Nakita niya rin sa isang sulok ang kanyang mga bagahe kung saan nakalagay ang kanyang mga damit. Ni hindi pa niya ito nailagay sa bakanteng aparador na nasa isang bahagi ng kwarto malapit sa tukador na may isang life-sized mirror. Tumayo siya mula sa pagkabagsak niya sa sahig. "My gosh! Iyon talaga ang naging panaginip ko sa kauna-unahang gabi ko dito sa villa? Kailan pa akong naging manyakis nang ganito?" naiinis niyang bulong sa sarili. Lumapit siya sa mesa kung saan nakapatong ang kanyang cellphone. "OMG, alas nueve na ng umaga? What the hell is happening to me?" Napasalampak siya sa kama. Animo'y nagmamaktol sa sariling kabaliwan. Anong oras na kasi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Kenji. "I should not leave any bad impression here... in this villa!" Halos batukan niya ang kanyang sarili sa inis. Alam niyang siya ang nagmamay-ari ng farm at may karapatan siyang mag-astang prinsesa ngunit alam niya ring kailangan niya ang mga taong naroon upang lubusan niyang mapanindigan ang pagmamay-ari nito. Huminga siya ng malalim. Lumapit siya sa pintuan ng kanyang silid. Marahan niya itong binuksan. 'Yung kasya lang na masilip niya kung ano ang nangyayari sa labas. Nakita niyang nagluluto ng almusal si Aleng Pacita. Si Kenji naman ay nasa sulok malapit sa glass wall. Nagbabasa ito ng diyaryo habang humihigop ng kape. Isinara niyang muli ang pintuan. Inasikaso ang sarili upang maligo at maharap na ang pormal na pagkikita nila ni Kenji.

Drowning in LustWhere stories live. Discover now