Dumaan pa ang ilang araw at paubos na ng paubos ang natitirang araw ng pamamalagi niya sa bangko. Patuloy rin siyang nireremind ni Sigmund sa kanyang obligasyon dito. Nagagampanan pa rin naman niya ang kanyang trabaho pero dala-dala niya palagi ang pangamba sa maaaring gawin ni Sigmund sa kanyang pagsuway sa kanilang napagkasunduan noon.
Isang araw na naman ang natapos. Pusikit ang gabi at malamig ang hangin. Binuksan niya ang bintana ng kanyang kwarto. Pinatugtog niya ang maliit na stereo. Masarap mag-moment sa mga oras na 'yun dahil sa malungkot na ihip ng hangin. Madalas na rin ang pagtatawagan at pagtitextan nilang dalawa ni Kenji. She really miss the guy. Nararamdaman man niyang namimiss rin siya nito ay hindi niya pwedeng panghawakan iyon. Ano ba ang alam niya? Baka nga habang katext siya ng binata ay may ka-sex ito sa kung saan mang hotel o sa sarili nitong kwarto. Masakit pero kailangan niyang tiisin dahil wala namang obligasyon sa kanya si Kenji kundi ang turuang patakbuhin ang negosyo.
"Hi, Azalea." Speaking of Kenji. Nabasa niya ang biglang pagdating ng text message nito.
"Hi Kenji. Kumusta ang araw mo?"
"Heto, nakakapagod dahil dalawang kasal ang sinuplayan namin ng flowers."
"Thank you for taking care of the business."
"Hindi sapat ang thank you, noh!"
"Eh, ano ba ang dapat kong gawin?"
Sa halip na textback ang kanyang matanggap ay tumawag ito sa kanya.
"Hello," natatawang sambit ni Azalea.
"Azalea, hilutin mo naman ang likod ko."
"Baliw!" tumawa siya. Marahan ding tumawa si Kenji sa kabilang linya.
"Seryoso ako. Hilutin mo naman ako."
"Paano ko ba ipapasok itong kamay ko dito sa phone, ha-ha-ha!"
"Ganito na lang. Nakikita mo ba ang sasakyan sa harap ng bintana mo?" awtomatikong ginalugad ng kanyang mga mata ang kotseng sinasabi ni Kenji. Pamilyar ang kotse na 'yun kaya't kinabahan siya.
"Kenji? Sasakyan mo 'yan ah!"
"Bumaba ka at may ipapagawa ako sayo."
"Wait lang!" nanginginig pa siya sa pananabik habang bumababa ng bahay. "Ikaw ba ang nasa kotse o driver mo. Hoy! 'Wag mo akong ipapasundo para masahiin ka lang ah. May trabaho pa ako bukas."
"Basta pumunta ka lang, may ipapakisuyo ako sayo."
Binuksan niya ang gate at kunwari ay dahan-dahan niyang nilapitan ang sasakyan. As if she really does not care kahit pa naiihi na siya sa excitement. Nasa harap na siya ng kotse nang dahan-dahang ibinaba ang glass window ng sasakyan.
"Ke-Kenji!"
"Surprise!"
"Anong ginagawa mo dito?"
Bumaba si Kenji mula sa sasakyan at nilapitan siya. Nagniningning ang kanyang mga mata at malapad ang kanyang pagkakangiti. Mahigpit nilang niyakap ang isa't isa.
"Andiyan ba si Nanay Luisa? Ipagpapaalam lang kita."
"What?"
"I want to have a date with you, ok lang po ba, ma'am?"
"Baliw! Halika, pumasok ka muna sa bahay. Ano ba talaga ang sadya mo?" hinampas pa niya ito sa braso dahil sa galak.
"Oo nga! We'll have a date!"
YOU ARE READING
Drowning in Lust
RomanceTumungo si Azalea sa Benguet upang asikasuhin ang pinamana sa kanyang flower farm ng kanyang namayapang ama. Hindi niya akalaing animo'y isang paraiso ang Edelweiss Flower Farm dahil sa mga matitingkad na Birds of Paradise, Daisies, Gerberas, Daffod...