Nasa tabi na naman ni Azalea ang mapanuksong si Kenji Valdez. Nakasakay sila sa isang Toyota Avanza 1.3E na pag-aari ni Kenji. Kanina ay nagmukmok pa siya sa kwarto dahil sa sobrang kahihiyan. Sabi niya sa sarili niya na hindi na muna siya lalapit sa binata ngunit halos mag-brush na ang kanilang mga braso ngayon habang binabaybay ang super highway. Kailangan niyang sumama sa Edelweiss Flower Store sa La Trinidad, isang munisipyo sa Benguet, upang makilala ang mga staffs doon.
"Ang laki pala ng negosyong ito. Do you think I can manage this?" nababahalang sambit ni Azalea.
"Naniniwala akong kaya mong i-manage 'to. Isang matalinong tao si Ninong Fed. For the fact na sinabi niyang kaya mong ihandle 'to, ibig-sabihin, he saw that potential in you. Great people are usually right in determining potentials. Kaya naniniwala akong kaya mo."
"I am just 21. What do you expect?"
"I started helping my father, ninong's bestfriend, in this business at the age of 17. Nagsimula akong bigyan ng importanteng role sa business when I was 20 years old after kong grumaduate ng architecture."
Palihim na napangiti si Azalea. Biglang may umilaw na bumbilya sa tuktok ng kanyang utak. Sharing of biography na ang nagaganap. Chance na niyang matanong ang mga nais niyang malaman.
"Gaano katagal mo na 'tong mina-manage?"
"Around 13 years?"
"What?"
"I am already 33 years old. What do you expect?"
Kung may iniinom na tubig lang si Azalea ay nalunod na siya sa isang baso nito.
"Nasa 33 years old ka na? Mukhang nasa mid-20s ka lang," nakamulagat niyang sambit.
"Healthy lifestyle. Active sex life. That makes me look younger."
Umalingawngaw ang salitang sex life sa kanyang pandinig. Bahagya siyang nalungkot.
"So, ilan na ang anak mo? Saan nakatira ang asawa mo?"
"Anak? Asawa? The hell, no!" Nakabungisngis nitong sambit. Napaisip siyang bigla.
"Healthy lifestyle. Active sex life. 'Yan ang sabi mong ginagawa mo, diba?"
"I know you are interested about my sex life," casual nitong sambit. Naalarma na naman ang kanyang utak. "Alam kong gusto mo akong tikman."
"How dare you!" matalim niyang pagpo-protesta.
"Sanay na ako sa ganyan, Azalea. Most of these girls are vocal on what they desire. Makasama lang daw nila ako sa kama, ok na. No strings attached. 'Yun ang dahilan kung bakit ayaw ko munang mag-girlfriend. Gusto ko munang i-share ang katawan ko at ang talent ko sa sex sa iba't ibang babaeng namamalimos nito..."
"Are you even serious telling me all these things?"
"Masisisi mo ba ako? Pinagbibigyan ko lang naman sila, ah."
"I don't care!"
"You don't care? The way you sucked my finger, you don't care?"
"How dare you! Hindi ko sinasadya 'yun!"
"Kaya pala, enjoy na enjoy kang sinisipsip ang daliri ko with feelings dahil hindi mo sinasadya 'yun?"
"Why are you this so straightforward?"
"Don't get me wrong, Azalea. Mabuti akong tao. Responsable akong anak. But the way you sucked my finger, alam kong isa ka sa mga babaeng nais akong makasama sa kama. I am an experienced man at ayoko ng paligoy-ligoy. We can have sex every single night. Just don't fall in love with me."
YOU ARE READING
Drowning in Lust
RomanceTumungo si Azalea sa Benguet upang asikasuhin ang pinamana sa kanyang flower farm ng kanyang namayapang ama. Hindi niya akalaing animo'y isang paraiso ang Edelweiss Flower Farm dahil sa mga matitingkad na Birds of Paradise, Daisies, Gerberas, Daffod...