Tambak ang mga papeles na isa-isang binasa kanina ni Azalea. Ipinaliwanag kasi ni Kenji ang mga paper works na kailangan niyang gawin in the future kabilang na ang mgastipulated deals ng kanilang mga clients na may exclusive contracts sa Edelweiss. Nasa dalawampu't limang catering business profiles na nakabase sa norte ang kanyang isa-isang kinilatis. Pinag-aralan niya rin ang iba't ibang strategies ng Edelweiss para mapanitiling vibrant ang business. Kabilang sa mga dapat niyang gampanan ay ang pagiging miyembro ng iba't ibang grupong may kinalaman sa environmental protection programs at climate change revolt. Naka-line-up din sa mga agenda ng business ang paglahok sa iba't ibang flower design competition. Isa sa malaking proyekto ng Edelweiss ay ang pagsali sa iba't ibang paligsahan para sa pag-ce-celebrate ng Pinagbenga Festival.
"Kaya ko ba 'tong lahat, Kenji?"
"I will not leave the flower farm unless you're ready," nakangiti niyang sambit.
"Paano na ang mga pangarap mo?"
"Nagagampanan ko pa naman ang pagiging architect ko. Oo, freelancer lang ako pero I am currently satisfied with my career," nakatingala nitong sambit.
"Sana nga ay matutunan ko kaagad ang mga dapat kong matutunan para mapagtuunan mo na ng pansin ang oportunidad mong magtrabaho sa Dubai," niyakap niya ang kanyang sarili. Nakaramdam na siya ng kaunting pressure matapos malaman ang kwento ng career ni Kenji.
Si Engr. Federico, na ninong nito, ang naging daan upang makapagtapos ito ng pag-aaral sa kursong architecture. Ito rin ang dahilan kung bakit nadugtungan pa ang naputol na sanang buhay ng binata. Ang mayamang inhenyero kasi ang nagbayad sa hospital bills noong muntik na itong mamatay sa isang aksidente, dalawampung taon na ang nakakalipas. Ang inhenyero din ang dahilan kung bakit masagana ang buhay na tinatamasa ng pamilya nito. Magbestfriend si Engr. Felices at ang ama nito simula pa nang elementary pupils pa lamang ang mga ito. Bilang kabayaran sa kabutihang-loob ng engineer, si Kenji ang nagpatakbo ng Edelweiss Flower Farm. Kenji is doing a very great job. Aminado si Kenji na malaking bahagi ng success ng business ay ang innate charm nito. Halos lahat ng tao ay namamagnet sa binata. Tall, not-so-dark and handsome ito. Everyone, as in every single person, likes him. Kahit sinong tao, mapalalaki man o mapababae, ay natutunaw kapag ito na ang kausap. Rich ang networks and connections ng binata. Palagi itong may VIP treatment sa kahit na anong pagkakataon. Sa kabila ng mga favors na nakukuha nito, instantly, nanatiling mababa pa rin ang loob ng binata. That is the formula of the over-all success ng Edelweiss; 25% skill, 75% Kenji's charm. Dahil sa tagumpay ng Edelweiss, naisantabi na ni Kenji ang totoo nitong pangarap. Nais sana nitong makagawa ng iba't ibang estraktura na maaaring maging land marks sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nais niyang magtrabaho, abroad, as a sought-after architect. Nagpaalam ito dati sa ama at sa ninong nito na magtrabaho sa Dubai ngunit nakiusap si Engr. Felices na hintayin munang maging handa ang heiress ng Edelweiss, si Azalea, bago ito umalis. Pansamantala nitong sinara ang pinto patungong Dubai at ipinagpatuloy ang pagpapatakbo ng Edelweiss. Until the deceased engineer finally declared transfer of proprietorship ng Edelweiss to Azalea. Nalungkot man si Kenji pero nanabik rin naman itong maging malaya at maiguhit ang sarili nitong buhay bilang isang magaling na arkitekto.
"Sana ay maipagpatuloy ko ang pamumukadkad ng Edelweiss. Nakakapressure pero alam kong you deserve something bigger for yourself," nababahalang sambit ni Azalea.
"Naniniwala akong mahihigitan mo pa ang lahat nang naabot ng Edelweiss ngayon. All you need to do is to believe in your self and in the business."
"Aja!" huminga siya ng malalim.
"Aja!" nakangiting tugon ni Kenji. "Osiya, aalis lang ako saglit para sa isang meeting ko with my client." Kliyente sa pagiging freelance architect ang tinutukoy nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Tumayo rin siya. Niyakap nila ang isa't isa. Alam ni Kenji na kailangang kailangan ito ni Azalea dahil sa pressure na nabuo sa puso ng dalaga. "I know you can do it!"
YOU ARE READING
Drowning in Lust
RomanceTumungo si Azalea sa Benguet upang asikasuhin ang pinamana sa kanyang flower farm ng kanyang namayapang ama. Hindi niya akalaing animo'y isang paraiso ang Edelweiss Flower Farm dahil sa mga matitingkad na Birds of Paradise, Daisies, Gerberas, Daffod...