"One cup of cappuccino and chocolate chip cookie lava cake for a beautiful lady in table number six," masigla at nakangiting sambit ng isang gwapong waiter. Isa-isa nitong nilagay ang kanyang order sa mesa nang mapansin nito ang paglalakbay ng kanyang diwa sa kung saan. "Are you okay, miss?"
"Oh!" nabigla siya sa presensiya ng waiter. "Thank you. Salamat po," ngumiti siya. Matamis na ngiti ang ibinalik sa kanya ng waiter bago ito lumisan. Tiningnan niya ang screen ng kanyang cellphone at nakita niya ang tatlong mensahe ni Sigmund na hindi pa niya nabubuksan.
"I'm sorry, naipit ako sa traffic pero malapit na ako."
"Azalea? Are you, there?
Ni hindi niya napansing nag-misscall pa sa kanya ang boss. Mas malalim ang kanyang iniisip kaysa sa lakas ng vibration ng kanyang phone kaya hindi niya ito napansin.
"Azalea, are you still there?"
Sinubukan niyang magreply pero animo'y nawalan ng lakas ang kanyang mga daliri sa pagtipa at binitiwan niya ang kanyang cellphone. Nasa loob siya ng isang café sa loob ng Meyers Place Hotel sa Sta. Mesa. Iyon ang meeting place nila ni Sigmund. Maaga siyang nakarating kaya't nagkaroon siya ng panahong makapag-isip-isip. Hindi niya matatakasan ang kanyang problemang ito kung hindi niya haharapin. That rebellious heart made her stronger. Sex lang ba ang hinahanap nito, pwes, pagbibigyan niya ito. Wala na siyang pakialam kung malaman pa ni Claudia at ng lahat ng tao sa opisina ang nangyari sa kanilang dalawa. Aakyat na rin naman siya sa Benguet pagkatapos.Whatever impression na mayroon ang mga kaibigan niya sa Maynila ay matatakasan din niya. And she will have a sex for an x-deal. Walang halong emosyon, walang love. This should not cause her guilt toward Kenji.
Nag-ring ang kanyang telepono at nakita niya sa screen register ang pangalang Boss Sigmund.
"Hello," monotono niyang sambit.
"Nasa meeting place ka na?"
"Kanina pa."
"Very good. I am just parking my car."
"Ok."
Gusto sana niyang itext si Kenji pero nakonsensya siya. Pagkatapos na lang ng pakikipagtoos niya sa kanyang boss. Nagtaka rin siya kung bakit walang text o tawag si Kenji. Inisip na lang niya na maaaring napagod ito sa pagbiyahe pauwi ng Benguet kaya hindi na rin niya ito lubusang inintindi.
Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng café. Tumingala siya at nakita niya ang pagdating ng kanyang boss. Simpleng t-shirt lang ang suot nito at maong short at rubber shoes. Ibang-iba ito sa boss na palagi niyang nakikita sa opisina. Nakasuot ito ng RayBan sunglasses. Nang tinanggal niya iyon ay bahagya siyang namangha sa kasimplihan nito. Gwapo naman talaga si Sigmund. Kahawig nito si David Beckam nang kabataan ng actor. Kung tutuusin ay wala na siyang hahanapin pa dito ngunit may pamilya na ito at makapangyarihang asawa kaya't hindi magawang tumibok ang kanyang puso para rito.
Ginala nito ang tingin sa paligid upang hanapin siya kaya't ikinaway niya ng bahagya ang kanyang kanang kamay. Sumenyas lang ito na sumunod siya. Lumabas ito sa café at nagtungo sa front desk. Sumunod siya rito. Narinig pa niya ang tanong ng receptionist. "Nasaan po ang kasama ninyo?" lumapit siya kay Sigmund. Inakbayan siya nito. Binigyan sila ng instructions ng receptionist. May mga staff na nag-assist sa kanila hanggang sa makita na nila ang kanilang mga sarili sa loob ng isang suite. Pagka-lock pa lang ng pinto ay niyakap na ni Sigmund si Azalea. Hinalikan siya nito ng mariin sa labi. Sa una'y nag-alinlangan siya ngunit mapusok ang mga halik nito at awkward kung hindi siya sasabay. Naramdaman niya ang pagkalas ng mga butones ng blouse niya. Hinubad niya rin ang t-shirt ni Sigmund. Tumambad ang matipuno nitong pangangatawan. Kinarga siya ni Sigmund upang dalhin sa kama nang biglang may kumatok sa pintuan. Malakas ang katok na iyon na animo'y magigiba na ang pinto. Ibinaba ni Sigmund si Azalea upang buksan ang pinto. Sinalubong si Sigmund ng suntok sa panga ng isang lalaking kanina pa pala nagwawala sa labas. Hanggang sa maaninag ni Azalea ang mukha ng lalaki.
YOU ARE READING
Drowning in Lust
RomanceTumungo si Azalea sa Benguet upang asikasuhin ang pinamana sa kanyang flower farm ng kanyang namayapang ama. Hindi niya akalaing animo'y isang paraiso ang Edelweiss Flower Farm dahil sa mga matitingkad na Birds of Paradise, Daisies, Gerberas, Daffod...